Chapter 40

36 4 0
                                    

This is the last fall and the last chapter of That Fearless Fall. Next will be the Epilogue. Thank you!


Chapter 40


Last Fall


HINAHANDA ko ang lunch ni Abo. Inayos ko sa pagkalagay ang cherry sa ibabaw ng cake para ganahan naman siyang kumain kahit papaano. Alam ko namang masarap akong mag-bake pero ewan ko ba kung bakit nawawalan ako ng bilib sa cooking skills ko kapag si Abo na ang titikim.

“P’wede na kaya ‘to?” tanong ko sa sarili at tiningnan sa iba’t-ibang anggulo ang lunch box. Nasa building kasi siya ng Ergocal Enterprise habang ako nabo-bored na rito sa malaking bahay niya.

Kung nagtataka ka kung paano naging kaniya ang bahay na ‘to. Ang sabi niya ay pinamana ito ng kaniyang lola sa daddy niya, nang makapagtapos siya ng pag-aaral, si Abo, kalahati ng kayamanan ng daddy niya na galing mismo sa lola niya, ay napunta sa kaniya. So naisip ko. . . Kalahati pa lang ‘to, huh? Paano pa kaya kapag buo na?

Tinakpan ko na ang lunch box at nilagay ‘yon sa paper bag at kinuha na ang purse ko. I was about to step out the kitchen when I felt my stomach is turning.

Napasapo ako roon at biglang naglaway ang bagang ko. I immediately ran to the sink and puke. Naluluha ang mata ko at umuubo habang nilalabas lahat ‘yon.

May nakain ata akong masama.

Nagpunas ako ng bibig at nanghihinang napasandal sa sink.

“Shit. . .” Minasahe ko ang sentido ko para mabawasan ang hilo na nararamdaman. Ano ba kasi’ng nakain ko?

My phone rang so I reached it and answered the call. “Hmm?” I hummed. Nanghihina pa ako at nahihilo para magsalita ng maayos.

[“Oh? Ang tamlay. Anyare sa baby ko?”] pambungad ni Abo. Sa hindi na namang malamang dahilan ay nairita ako sa boses niya. Malambing kasi ‘yon at ang plastic pakinggan!

“Tsk. . . Manahimik ka nga. Nahihilo ako,” irap ko pa sa hangin at tumayo na. I feel better, ngunit may kaunting hilo pa naman.

Tuluyan na akong lumabas ng kitchen dala ang purse at paper bag. Marami pa pala akong paper works na tatapusin. Gagawin ko na lang ngayon kahit rest day ko.

[“Sungit nito. Kamusta ka sa bahay? Mag-isa ka lang kaya paniguradong bored-”]

“‘Buti alam mo.” Inipit ko sa pagitan ng balikat at tainga ko ang phone at ni-lock ang pintuan ng bahay. Pagkatapos ay pumasok na ako sa sasakyan ko.

[“Saan ka pupunta?”] tanong ni Abo, narinig ata ang pagsara ng pintuan.

“Sa langit, magpapahangin,” naiirita kong sagot. Hindi siya umimik. “Baba ko na. Papunta na ako riyan.” Binaba ko kaagad ang tawag ‘tsaka lumabas na ng gate. Pinindot ko ang remote para automatic nang mag-lock ang gate ‘tsaka pinaharurot ang sasakyan papuntang Ergocal Building.

BINUKSAN ko ang pintuan ng opisina niya. His eyes laid on me. Naglakad ako papalapit sa kaniya saka hinalikan siya sa pisngi. Umupo ako sa swivel chair na nasa harapan niya at humalukipkip.

“Oh? Sungit mo ata?” Tumayo siya at umikot sa may gawi ko. He kissed my cheeks bago kumuha ng isang swivel chair at pinuwesto ‘yon sa harapan ko.

“Wala. . .” Umirap ako. Bakit ba naiinis ako ng walang dahilan? Signs na ba ‘to na may regla na ako? Late kasi ang mens ko ngayong buwan, e’. Delayed siya. . . regular naman ako, e’, kaso biglang na-delay ngayong buwan.

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant