Chapter 2

47 5 0
                                    

Chapter 2


Ash


NAGLALAKAD ako sa hallway ng school namin at hinahanap si Miss Ventura para maipasa ko na ang plates ko. Mamaya pa ang deadline nito pero mas pinili kong i-pass ito ng maaga para hindi ko makalimutan at baka mamaya mabasa o marumihan pa ‘to. Naku! Makakapatay talaga ako, promise.

“Miss Ruil?” gulat si Miss nang makita ako sa hallway. Humahangos ako at pawisan dahil sobrang init pa sa labas.

“Miss! Uhm. . . ipapasa ko lang po sana ang plates ko.” Ngumiti ako.

Napataas ang kilay ni Miss. “Are you trying to impress me, Miss Ruil?”

Napalunok ako. “N-No, Miss. Of course not. . . uhm. . . baka kasi mabasa-”

“No, I’m just kidding.” Natawa si Miss at tinanggap ang plates ko.

Hindi po nakakatawa joke niyo. Huhu.

Nagpaalam siya sa akin kaya tumalikod na rin ako at nakahinga ng maluwag habang naglalakad palabas ng building. Plano ko nang mag-lunch dahil free cut namin ngayon. Medyo stress ako ngayon dahil sa tambak-tambak na projects.

Fourth semester ko na ‘to sa Architecture. Nag-stop ako ng dalawang sem sa Archi para makapag-aral ako ng Culinary dahil love ko talaga ang pagluluto. Kaya ayon, nakapagtapos na si Kuya at naging Engineer Ezz Ruil na. Habang ako, Archi student pa rin.

Pumila na ako para makapag-order ng lunch. Pumili na lang ako ng salad at fruit shake dahil balak kong ibalik ang diet ko since napaka-stressful ngayong sem. Umupo ako sa isang table at nagsimula nang kumain. Habang kumakain ako ay hindi ko maiwasang malungkot. Ako na lang mag-isa. Si Ash ay Business Administration, malayo ang department nila sa Archi. Si Zine, tapos na ng Business Ad at kasalukuyang CEO ng KH Blooming. Mag-isa ako dahil mga bitch ang mga babae rito sa Archi. Bully pa ang ilan, napaka-childish. Hays. Minsan lang din kami magkasama ni Jaydah.

Malamya kong tinapos ang pagkain ko ‘tsaka tinapon sa basurahan ang plastic. Pumunta ako sa field para magpahangin sa may puno. May nagpapapansin na badminton players pero deads lang ako. Wala ako sa mood. Nalulungkot ako.

Naka-Archi uniform ako ngayon. Umupo ako sa bench na nasa silong ng puno. Pumikit ako nang dumampi sa akin ang preskong hangin.

“Hays. . . ang lungkot,” bulong ko pa at bumagsak ang balikat.

“S’yempre, mag-isa ka, e’.”

“Ay, kabayo!” Muntik na akong magmura nang biglang may nagsalita sa likuran ko.

Pagtingin ko ay mas lalo lang akong lumungkot.

“Hi.” Umupo siya sa tabi ko.

Ngumiti lang ako sa kaniya at pilit iniiwas ang tingin. Bakit ba nandito ‘to?!

“Mag-isa ka lang?”

Umiling ako. “Hindi.”

Natawa siya. “You’re funny, as always.”

Nilingon ko siya ng nakakunot ang noo. “Ano’ng funny ro’n?”

Natawa na naman siya. “Haha, ‘yong sinabi mong hindi. Mag-isa ka lang kaya!”

Sumeryoso ako.

Ano ba’ng nangyari rito? Binagok ba siya ni Jasmine at biglang bumobo?

“Hindi nga ako mag-isa. Kung mag-isa ako, e ‘di ano ka? Hangin?” Nagsimula na akong magtaray. Bad trip na nga at malungkot, dumagdag pa ‘to.

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Where stories live. Discover now