Chapter 21

16 4 0
                                    

Chapter 21


Scene


“‘NAY, alis na kami, ah?” paalam ko kay Nanay. Naghuhugas kasi siya ng pinggan sa kusina. Ewan ko ba kung bakit tila wala itong kapaguran.

“Oh, sige! Mag-iingat kayo, ah? Enjoy.” Ngumiti siya sa akin at kumaway. Kumaway din ako pabalik at masayang naglakad palabas ng bahay. Nasa labas na ng gate si Abo at hinihintay ako. Nang makalabas ay nakita ko siyang nakasandal sa nguso ng Audi niya at nakapamulsang kagat ang labi.

Napaawang naman ang bibig ko. Shit, ang swerte ko pala.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti sa naisip ko. Well, kung si Ash pa nga, ‘Baka si Ash Temir Ergocal ‘to!’. Hays.

“Tara na…” ngiti ko nang makalapit sa kaniya. Pinasadahan niya naman ang buhok niya ng kaniyang mga daliri at tumingala sa may kainitang langit.

“Ang ganda ng panahon, babe,” pagkatapos ay tumingin siya sa akin. Tumingala na rin ako at nanliit ang mga mata dahil nakakasilaw ‘yon.

“Oo, nga…” Napangiti ako at tumingin na pabalik sa kaniya. Pero natigilan ako at napakunot ang noo nang madatnan na malalim siyang nakatitig sa akin.

“Pero mas maganda ka,” dagdag niya na kinabilis ng tibok ng puso ko. Naiilang akong nag-iwas ng tingin at naghanap ng gagawin para maiwasan ang nakakatunaw niyang titig.

“Uhm, ano… Abo, tara na?” Hilaw akong ngumiti.

He grinned and nodded before he opened the door on the passenger’s seat for me. “Sakay na.” May pagkapilyo ang ngiti niya kaya umirap na lang ako. Loko talaga.

Sumakay na ako nang hinawakan niya ang braso ko at marahan iyong hinila. “Bakit?” naguguluhan kong tanong.

“Oh? Ba’t diyan ka sumakay?” Nagtaas pa siya ng kilay na para bang ang bobo kong tao.

“Ha? ‘Di ba sabi mo-”

“Ang sabi ko. . .” Humakbang siya papalapit pa sa akin at ilang dangkal na lang ang layo ng mukha namin. “Sumakay ka na…” Ngumisi siya. “Sa akin…”

“A-Ah…” Nanginig ang labi ko sa gulat. Ano raw?!

“Tss…” Ngumisi siya at tumingin sa kung saan. “Inosente… I like it.” Kinurot niya ang pisngi ko at sinarado ang pintuan bago umikot papuntang driver’s seat.

Kinapa ko naman ang dibdib ko kung nasa’n ang puso ko. “Ano ba ‘yon?” tanong ko sa sarili. Parang lalabas na ata sa rib cage ang puso ko sa sobrang pagwawala.
Bahala ka riyan, puso. Kapag nahulog ka, hindi na kita pupulutin.

“Let’s go, babe!” sigaw niya at mahangin na pinaandar ang makina at pinaharurot iyon. Hindi ako nakaimik at parang wala sa sarili buong magdamag. Kainis naman kasi ang banat niya. Tagos sa bones. Dejoke.

“Oh, ano? Lutang ka sa banat ko, ‘no?” Malakas siyang tumawa at sinundot pa ang tagiliran ko.

“Ano ba!” Hinawi ko ang kamay niya. “Tumigil ka nga. Kainis ka.” Nag-iinarte pa akong umirap.

“Oo na. Sorry na. Sinadya ko-”
Pinukol ko siya ng masamang tingin. Kinagat niya ang loob ng pisngi niya, halatang nagpipigil ng tawa. “Sorry na.”

“Natatawa ka.” Nag-iwas ako ng tingin at bumaling na lang sa nadaraanan namin.

“Hindi, ah? Pft.” May mahinang halakhak ang kumawala sa bibig niya.

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu