Chapter 34

17 4 2
                                    

Chapter 34


Lunch


PANAY ang tingin ko sa kaniya habang hinahatid niya ako pauwi ng bahay. Sumisinghot pa rin ako dahil sa sipo’ng nakabara. Kaya ayokong umiyak, e’. Nauunang tumulo ang sipon ko kaysa sa luha. Tsk! Nakakahiya tuloy kay Abo — Hmm… nakaka-miss din ang ‘Abo’, ah?

“Abo,” pabulong kong tawag pero narinig niya pa rin. Lumingon siya sa akin at nag-iwas kaagad, nagmamaneho kasi siya at madilim ang daan.

Kung nagtataka ka kung bakit iisa lang ang sasakyan na iuuwi, sasakyan ni Abo ‘to. Iniwan na lang muna namin ang sasakyan ko at ipapakuha niya na lang daw sa tauhan ng daddy niya.

“Hmm? Babe?” tawag-pansin niya. Napangiti ako at parang may mainit na palad ang humaplos sa puso ko. Damn… the way my lips touched each other as I call his nickname feels so damn good.

“Abo…” nakangiting tawag ko. Mahina lang siyang natawa at kinagat ang pang-ibabang labi. I noticed the small tattoo on his neck. Nasa gilid ‘yon at malapit na sa batok niya.

Nakakunot ang noo ko itong sinilip at hinaplos. “Nagpa-tattoo ka?” I looked at his eyes intently.

It was written in Greek. Alam ko ‘yon dahil minsan na niya akong tinuruan ng mga simple words. Maliit ito masyado at maganda ang pagkakasulat.

“What does it mean?” tanong ko, curious.

Ngumisi siya at tumikhim. Nasa daan pa rin ang paningin niya pero alam ko na nasa akin ang buo niyang atensyon. “Tefra plus moro,” aniya na kinasalubong ng kilay ko.

“Ha? Plus lang naintindihan ko, e’.” Napakamot ako ng batok at tumingin na lang sa daan. Addition symbol kasi. So bali Tefra+Moro ang nakalagay? Kaso ang mga letters ay nakasulat sa Greek.

“It means, ‘Ash plus babe’.”

Halos madura ko ang sariling laway. Kung may iniinom siguro ako ngayon ay nabilaukan na ako at naibuga na. Ano raw?! Ash plus babe?

Nanlumo ako nang may kababalaghan akong naisip. Baka may ibang babe siya sa Greece at nag-break din naman? Baka babe talaga ang tawag niya sa mga ex niya? Baka hindi lang ako ang ex niya? Argh! Puputok yata bang utchi ko sa kakaisip!

“Oh? Sumimangot ka r’yan?” aniya at hinawakan ang baba ko bago iyon inangat para magtama ang paningin namin.

Ngumiwi ako at inisnaban siya. “Wala!” Umirap ako.

I saw in my peripheral vision na palipat-lipat ang tingin niya sa daan at sa akin. “Sa daanan ka nga tumingin! Baka makasagasa — Ahh!” Napatili ako dahil may biglang tumawid na pusa — pusa ba ‘yon o aso? — sa daan.

Hinawakan ko ang dibdib ko dahil mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Muntik na ‘yon, ah?!

“Potangina!” malutong na mura ni Abo at nagpakawala ng mabigat na hininga. Maiinis na sana ako kaso dinagdagan niya. “Kaka-comeback lang natin! Ayoko pa’ng mamatay, Lord!” aniya at umaktong nagdarasal, tumingala pa sa bubong ng sasakyan.

Umasim ang mukha ko. Akala ko naman nag-matured ng kahit kaunti man lang habang magkahiwalay kami. Pero mukhang nagkakamali ako. Hays…

“Ikaw kasi, babe! Bigla kang magtatampo riyan nang walang dahilan! Muntik na tuloy tayong makapatay!” aniya.

“E’, kasi naman ba’t ka nagpa-tattoo ng ganiyan?!” sabay kurot ko sa leeg niyang may tattoo. Napaawang ang labi niya ‘tsaka mahabang napadaing. Hinawi niya ang kamay ko papalayo sa leeg niya ‘tsaka ngumuso sa akin.

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Where stories live. Discover now