Chapter 25

20 4 0
                                    

Chapter 25


Embarrassed


PANAY ang irap at bumaling na naman sa kanan ko habang naglalagay ako ng kaunting lip balm sa labi. Dinig na dinig ko ang malakas niyang buntong-hininga at lumipat na naman sa kanan. Bumaling ulit ako sa kaliwa para lang maiwasan siya. Kanina pa ‘to, e’, at mukhang walang kapaguran sa kakasuyo sa akin.


“Argh! Emm! Please, tatlong araw na tayong ganito!” nafa-frustrate na aniya pero walang imik ko lang na pinagmasdan ang mukha ko sa salamin na para bang hindi siya nag-e-exist. I even tapped my cheeks na para bang ina-adjust ko ang make-up sa aking mukha.

Alam kong mas maiirita lang siya dahil ayaw na ayaw niyang naglalagay ako ng make-up. Maliban kasi raw sa nakakasira ito sa balat, maganda naman na raw ako kaya hindi na kailangan. Tsk! Utuin niya lolo niya!

“Emm… Babe… Baby… Emm-and-Emm… Pikon… Panget… Selosa-” Doon napantig ang tainga ko at nanlilisik ang matang nilingon ko na siya. Agad namang lumapad ang ngisi niya sa labi at may kaunting pag-asa sa mga mata.

“Umalis ka sa harap ko,” walang emosyong sabi ko kaya bumagsak ang balikat niya at parang jelly na lumupaypay sa kama ko. Dinipa niya ang dalawang kamay at paa ‘tsaka humugot ng hangin. Marahas niya itong pinakawalan, nagpapaawa.

“Babe!” Nagpapadyak-padyak siya sa kama. “Kainis ka! Dapat si Ivi ang inaaway mo, hindi ako!” panunumbat niya na kinairap ko ulit. Hindi pa rin ako maka-move on sa kahihiyang natamo ko sa restaurant na ‘yon.

At isusumpa ko sa bato na hinding-hindi na talaga ako babalik sa lugar na ‘yon!

“Manahimik ka. Nagbibigay ingay ka lang sa mapayapa kong buhay,” komento ko ‘tsaka kinuha na ang travel bag. Nagkaayaan kasi ang Lezan Sisters na mag-hiking kami. Nakahiligan na kasi raw ni Telle ang mag-travel simula no’ng nagbakasyon siya sa Paris — este nag-move on sa Paris.

“Oh, ano, lalayas ka?” Nabasa ko ang pangamba at kaba sa mukha ni Abo. Nagkasalubong naman ang kilay ko sa reaksyon niya. “Babe, ano? Suko ka na? Iiwan mo na ako?”

Padabog kong nilagay ang bag ko sa kama sa may paanan niya. Napatingin siya roon habang nakaupo sa kama. Sinubukan niya pang pigilan ang kamay ko sa pag-iimpake ng mga gamit na kakailanganin ko pero tinampal ko lang ‘yon.

Ano na namang paandar ‘to? Hays!

“Emm, pag-usapan muna natin ‘to…” Hinawakan niya ang braso ko ‘tsaka niyugyog ‘yon. Nabitawan ko ang lotion na dapat ay ilalagay ko sa bag.

“Ano ba ‘yon? Bakit nagdadrama ka na naman d’yan?” Nagtaas ako ng kilay. Pumungay naman ang mga mata niya at kaunting kalabit na lang ay babagsak na ang luha.

“Babe, iiwan mo na ba ako? Bakit nag-eempake ka-”

“Hay naku. Bakit ako lalayas, e’, in the first place, bahay ko ‘to,” bulong ko na lang at nagpatuloy sa pag-aayos ng dadalhin ko. Tatlong araw siguro kami roon. Saan naman kaya kami dadalhin ni Telle? ‘Tsaka paniguradong sasama si Abo kaya kailangan na niyang mag-empake.

“Umuwi ka muna tapos mag-empake,” simpleng utos ko ‘tsaka tinalikuran siya para kumuha ng iba pang kakailanganing gamit.

Ano pa ba’ng dadalhin ko? Paniguradong mabibigatan ako kapag masyadong marami ang dadalhin ko, e’. Matatapakan naman ang pride ko kapag hahayaan kong si Abo ang magdadala. Bahala siya riyan!

“Ha?” puno ng galak ang boses niya. “Sasama ako? Isasama mo ‘kong umalis?”

“Abo, magha-hiking kasi tayo. Actually, girls lang sana ‘to pero alam ko namang hindi ka papayag na magpaiwan, kaya sige. Mag-impake ka muna tapos balik ka rito, sabay tayong pupunta sa bahay nina Telle,” malumanay na pagpapaliwanag ko at sandali naman siyang natahimik.

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon