Chapter 38

19 4 0
                                    

Chapter 38


Mission


“FAMILY Day nga, Kuya! That’s why you need to be there!” Pumadyak si Aesha sa sahig at binato ng throw pillow si Abo. Kaagad naman ‘yong nasalag ni Abo ‘tsaka nilagay iyon sa kandungan niya.

“P’wede namang si Daddy lang, e’! O.A. nito…” hindi niya pagsang-ayon sa kapatid.

Nakita kong bumagsak ang balikat ni Ae at malakas na bumuntong-hininga. She forced a smile and nodded. “Okay… I won’t insist,” aniya pa sa malungkot na boses.

Napatitig ako sa malungkot niyang mukha.

“Anak, hindi makakapunta ang tatay mo…wala na siya, e’. Nasa heaven na.”

Mas lalong lumakas ang hagulgol at hikbi ko dahil sa sinabi ni Nanay. Ayokong wala ang Tatay ko! Dapat kompleto kami!

“E’, ‘Nay! Ayokong wala si Tatay! Ako lang ang walang tatay do’n, e’, tapos ‘yong mga kaklase ko meron!” Nagwala na ako.

Nakita kong bumalatay ang lungkot sa mga mata ni Nanay kaya roon ako napahinto. Ayokong makita siyang malungkot at umiiyak. Mabilis akong tumayo at niyakap siya. Niyakap niya rin ako pabalik at hinalikan ako sa pisngi.

“Si Kuya na lang at Nanay, huh? ‘Di ba, sasama ka, Kuya Ezz?” malambing na sinabi pa ni Nanay. Pinahinga ko ang pisngi ko sa balikat niya.

“Oo nga naman, Emm. Nandito naman kami, e’,” dinig kong sabi ni Kuya kaya humiwalay ako sa yakap at nagpahid ng luha. Bumabara pa ang sipon sa ilong ko kaya umiba ang boses ko.

“Okay, po…”

Pinilig ko ang ulo ko ‘tsaka nagsalita. “Sasama kami, Ae. S’yempre…” wala sa sariling sabi ko kay Ae. Nakita kong lumiwanag ang mukha ni Ae at napatingin sa akin.

“R-Really, Ate?” she asked, sinisigurado ang sinabi ko.

“Babe, ano ba? Sagabal lang ang-” sabat ni Abo na kaagad kong pinigilan.

“Oo naman, baby…” sabi ko, para kay Ae talaga ang sinabi kong ‘yon pero akala ni Abo ay siya ang kinakausap ko.

“Oh, kita mo na? Sagabal daw sabi ng ate mo-”

“Thank you, Ate! Oh my God!” Tumalon-talon si Ae sa sofa bago tumakbo papalapit sa akin at binigyan ako ng mainit at mahigpit na yakap.

“Pota…” dinig kong singhap at mura ni Abo pero hinayaan ko na.

Hinigpitan ko rin ang yakap kay Ae. Nami-miss ko tuloy si Evv. Siguro kung buhay pa ‘yon ay dalaga na talaga. Nami-miss ko rin ang pagiging makulit niya. Ang palaging panghihiram niya sa mga damit ko. Darn… I miss being with my sister and I miss her.

Humiwalay sa pagkakayakap si Ae at hinalikan ako sa pisngi. I giggled in contentment and kissed her back. Bumalik siya sa pagkakatayo ng maayos. “I’m going to tell my teacher… Punta muna ako sa room ko, Ate,” aniya at tumakbo paakyat ng kwarto niya.

Umusog naman papalapit sa akin si Abo at inakbayan ako. Nakaupo pa rin kami sa sofa at amoy na amoy ko ang pabango niya. Humilig ako sa may kili-kili niya at pumikit. May pupuntahan pala kaming isang site ngayon ni Mami Lou at Aria. Ngayon ko lang naalala, e’.

“Hmm…” He kissed my temple and hummed a song. Natawa ako ng malakas nang makilala kung anong kanta ‘yon. Hanggang ngayon Dreaming of You pa rin? Loko ‘to.

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Where stories live. Discover now