Chapter 16

18 3 0
                                    

Chapter 16


Jasmine


MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ko pagkababa na pagkababa namin ng eroplano. Nakasuot ako ng ripped jeans, shirt at itim na mask. Mas makakatulong daw kasi ito sabi ni Val kung sakali mang may inutusan si Jasmine na hanapin ako.

“Napagod ka ba, Emm?” tanong ni Jerons habang dala-dala ang maliit niyang maleta bago ito binaba at ginawang headband ang sunglasses niya. Binaba ko naman ang mask ko dahil ang init.

Ngumiti naman ako. “Hindi naman.”

“Mabuti kung gano’n,” aniya at inakbayan ako bago kami sumunod kina Val at Ju Hae. Dumaan muna kami sa mga proseso. Hindi ako binitawan ni Jerons dahil baka raw bigla na lang akong hilain ng mga tauhan ni Jasmine.

Napapailing na lang ako.

“There they are,” sabay tili ni Val at tumakbo. Napatingin ako roon at agad na kinabahan. Doon lang ako binitawan ni Jerons at agad na sinalubong si Ash ng suntok sa balikat.

Nag-iwas ako ng tingin.

Nakita ko si Zine na matalim ang tingin sa akin. Si Nanay ang mas nakakuha ng atensyon ko dahil kaagad siyang tumakbo at niyakap ako ng pagkahigpit-higpit. Niyakap ko rin siya pabalik.

“Nasaan ka ba nanggaling?!” Humagulgol siya at hinalikan ako sa pisngi.

“‘Nay. . .” Pumatak ang luha ko at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming gano’n basta noong humiwalay siya ay may mainit na yakap naman ang humalili.

Napaawang ang labi ko at nagdadalawang-isip kung yayakapin ko ba siya pabalik.

Sino ba ‘to? Bakit ang higpit?

Pamilyar sa akin ang pabango niya. . .

“Fuck, Emm! Akala ko kung ano na’ng nangyari sa’yo!” Binaon niya ang mukha sa aking leeg.

Napakurap ako.

Bumilis ang pagtibok ng puso ko nang magtama paningin namin ni Abo. Lumunok ako nang maramdaman ang paninikip ng aking dibdib.

Ash. . .

Agad siyang nag-iwas ng tingin at nagkagat-labi. Parang may tumarak sa puso ko ng ilang beses. Damn. . .

“K-Khing, hindi a-ako makahinga,” angal ko dahil sa higpit ng yakap niya. Kaagad naman siyang bumitaw at sinapo ang magkabilang kong pisngi. Pero ang buong atensyon ko ay nakay Ash.

Hindi man lang ba siya nag-alala?

Nanlumo ako sa sariling naisip.

“Sorry. Nag-alala lang ako,” boses ni Khing kaya napabaling ako sa kaniya. His eyes has unshed tears and it made me so shock.

Umiiyak siya?

“B-Bakit ka umiiyak?” kunot-noong tanong ko. Umiling lang siya at niyakap ulit ako.

Napakagat-labi ako at niyakap na lang siya pabalik. Mukhang nag-alala nga at kabastusan naman kung ipagtulakan ko.

“Mauna na ako, ‘Nay,” malamig na boses ni Ash kaya napabitaw kaagad ako kay Khing at sinundan siya ng tingin papalayo sa amin.

Naiiyak ako pero kailangan ko itong pigilan.

Hindi na talaga ata ako. . .

Sa koche ni Kuya ako sumakay. Katabi ko si Nanay sa backseat, si Zine sa passenger’s seat, at si Kuya naman ang nagda-drive.

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon