Chapter 26

16 4 1
                                    

Chapter 26


Echo


GINAWA kong sandalan ang pintuan sa loob ng ilang minuto. Hindi ko talaga matanggap ang ginawa ko. Shit lang!

Tatayo na sana ako nang bigla itong bumukas. Napatili ako sa gulat at doon na tinablan ng hiya nang makita si Abo na nakangisi ng malapad sa akin. Maganda talaga ang morning niya, ah? Tsk!

“A-Abo. . .” Sinubukan ko’ng magpakanormal pero sadyang kinakabahan ako sa maaring panunuksong gawin niya.

Paniguradong mamamatay na lang ako sa inis.

Tinaas-baba niya ang kilay niya sa akin bago hinapit ang baywang ko ‘tsaka hinalikan ako sa labi. “Hmm… bango. Kain na tayo? Nasa baba na ata sila Val.” May mapanuksong ngiti sa labi niya. Kinuha niya ang bag ko at sinabit ‘yon sa isang balikat niya.

Nag-iwas kaagad ako ng tingin at umaktong walang nangyari. “S-Sige… T-Tara na? Hehe.” Hilaw pa akong ngumiti. Lintek!

Alam kong tinutukso na niya ako pero ‘di niya pa lang masyadong sinisimulan. Kung baga, intro pa lang ang mapanukso niyang tingin. Alam ko ‘to, e’! Kainis!

Sabay kaming pumasok sa elevator. Nasa baywang ko pa rin ang braso niya habang ang braso ko naman ay nasa baywang niya rin. Siya ang may dala sa bag ko at sa bag niya. Magaan lang naman dahil nasa back compartment ng sasakyan ang tent namin kung sakaling gabihin kami sa bundok.

“Bakit hinawakan mo abs ko? Ikaw, ah…” Sinundot niya ang tagiliran ko gamit ang daliri niyang nasa baywang ko.

Mahina akong napaiktad dahil sa umiinit kong pisngi. “H-Ha?” Naiilang akong lumingon sa kaniya. Halos manghina ang tuhod ko dahil sa kahihiyan! Hindi nga halos ako makatingin sa mga mata niya, e’!

Mahina siyang natawa at mas nilapit na lang ako sa katawan niya. Eksakto namang tumunog ang elevator at bumukas ‘yon. May nag-aantay din sa labas na bumukas ‘yon. Dalawang babae.

Kaagad na tumuon ang paningin ng babaeng naka-turtle neck at shorts kay Abo. Umawang pa talaga ang labi niya at halatang namangha.

Umikot ang mga mata ko at umuna nang humakbang papalabas. “Excuse me…” ngiti ko ‘tsaka dumaan sa pagitan nilang dalawa. Halos maglaway na rin kasi ‘yong naka-turtle neck at ang kasama niya namang naka-messy bun ang buhok ay ang lagkit ng tingin kay Abo.

“Babe, ano’ng gusto mong kainin?” maliit na boses na tanong ko kay Abo at pinakadiinan pa ang salitang ‘babe’.

Mukhang hindi naman ‘yon napansin ni Abo, mukhang nagustuhan pa nga ang lambing ng boses ko. “Uhm… kung ano’ng sa’yo,” sagot niya.

Pasimple naman akong lumingon sa elevator na may kalayuan na sa amin. Nakita kong sabay na bumagsak ang balikat no’ng mga babae at sinundan din kami ng tingin.

A smirk plastered on my face, a smirk of triumphant. Sorry, girls. I already got him.

Nang makarating kami sa restaurant ng hotel ay tama nga ang sinabi ni Abo. Naroon na si Val, Telle, at Naphtalie. Pero mukhang hindi pa nag-o-order at hinihintay kami. Nakapangalumbaba lang si Telle habang si Val ay may kinikwentong interesante kay Telle. Si Naph naman ay nakahalukipkip lang at nasa malayo ang tingin.

Bumuntong-hininga ako at hinawakan ang balikat niya. Napaiktad pa siya.

“You’re spacing out, Miss Lezan,” ngisi ko at inayos ang upuan at umupo sa tabi niya. Umupo naman si Abo sa harapan ko. Round table kasi kaya kasya kami.

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Where stories live. Discover now