Chapter 3

37 6 0
                                    

Chapter 3


War


NAPAMULAT na lang ako at nasilayan ang kabuoan ng kwarto ko. Wala akong pag-alinlangang bumangon at sinuot ang aking tsinelas. Kahit hindi pa naman maayos ang pakiramdam ko ay nagawa ko pa ring tumakbo pababa ng hagdanan. Si Abo kaagad ang naalala ko. Shit! Panaginip lang ba ‘yon?

“Ash!” sigaw ko pagkalabas ng kwarto. Pagkababa ko sa sala ay tumambad sa akin ang daddy ni Ash at ang kaniyang babaeng kapatid.

“Ate!” sigaw nito at agad akong sinalubong ng yakap. May dala pa siyang teddy bear.

“Aesha, your ate is not feeling well. Don’t hug her tightly,” saway ni Tito sa kaniya.

Nagpilit lang ako ng ngiti sa nakangusong bata at lumapit kay Tito para magmano. Naroon din si Nanay na naglalagay ng juice sa center table. Mataman siyang nakamasid sa akin at tinitimbang ang presensya ko.

“T-Tito, pupunta ako kay Ash. . .” sabi ko at kinakabahan.

Natawa lamang si Tito. Napakunot ang noo ko dahil parang wala lang sa kaniya na nabugbog ang pasaway niyang anak. Nangangati talaga akong puntahan siya!

“Don’t worry. Don’t worry.” Umiling-iling pa siya. “He’s okay now. Doctor Brick done some important tests kanina. Pero okay naman na raw siya, hija. Nagpunta ako rito dahil pinapasabi ni Ash na papuntahin ka raw.”

Napatango lang ako pero hindi ako kontento sa sinabi ni Tito Tenson. Pupunta talaga ako para sapakin ang panga ng pasaway na ‘yon!

Kaya no’ng umalis na sina Tito ay sumabay na lang ako. Kandong-kandong ko si Ae dahil nakatulog ito sa byahe papunta sa hospital. Napapakunot ang noo niya kapag nayuyugyog ang sasakyan kaya napapangiti rin ako.

Her eyes can be compared to a dark charcoal, unlike Ash’ gray eyes. She has a proud, pointed nose and a plump lips. Her hair is blonde. Isa lang masasabi ko, kay gandang bata. Singit ko na rin ang ‘Sana all’.

Paniguradong kapag malaki na at dalaga na ‘to ay magkakandarapa ang mga paasang lalaki. Habol lang naman ng mga ‘yon ang maganda. Tsk. Sad but true.

Huminto ang sasakyan sa parking lot ng hospital. Ayoko namang diretsong lumabas at tumakbo papasok dahil hindi naman fifty-fifty ang lagay ng pasaway na ‘yon kaya marahan kong binuhat palabas si Aesha.

Nagising siya at ngumiti sa akin. Kumapit siya sa aking leeg nang pumasok kami ni Tito sa hospital. May sinabi pa siya sa driver bago kami tuluyang nakapasok.

Tumunog ang phone ni Tito at agad naman niya itong sinagot. “Yes, Tenson Ergocal speaking. . . Oh? Catmon's?” Tumawa siya. “Okay, okay. I thought they will cancel that lunch. Okay. Sige. . .” tapos hinarap niya kami.

“Bakit po?”

“May lunch ako with some business partners.” Ngumiti siya. “Nasa room fifty-eight siya. Mauna na ako. . . Aesha-”

Mas kumapit ng mahigpit si Ae sa leeg ko. Muntikan pa akong masakal sa sobrang higpit! Siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko.

“No, Daddy. I want to stay with Ate. . .” Naiiyak ang boses niya. Bumuntong-hininga si Tito at aambang kukunin si Ae ngunit nagpumiglas ito.

“Ay! Ako na lang po magbabantay, Tito. Iiyak na po, e’,” ngiti ko kay Tito at hinagod ang likuran ni Ae na ngayo’y sobrang haba na ng nguso.

Tito’s eyes look worried. Maybe he thinks that his daughter is too hard headed.

I gave him an assuring smile. “I can handle, Tito.”

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Where stories live. Discover now