Chapter 37

21 3 2
                                    

Chapter 37

She’s Back

“KINDLY lagay nga nito roon, Kuya. Baka matamaan ang dadaan, e’,” dinig kong utos ni Rostell sa mga nagtatrabaho sa VIP room. Nakatunganga lang ako pero naririnig ko naman ang mga sinasabi niya.

Iniisip ko na naman ang sinabi ni Abo sa akin no’ng nakaraang araw. Kainis! Bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko. Kung kami ang para sa isa’t-isa, kung magpakasal man kami o hindi, kami talaga! Huwag ka ngang mag-alala, Emm!

“Tsk! Baliw!” Sinabunutan ko ang sarili ko.

“Oh, my gosh!” Napatalon si Rostell at napahawak sa dibdib niya. Nagulat ata sa biglaang pagsigaw ko. Umayos kaagad ako ng upo at inabala na lang ang sarili sa kung anu-ano.

Nagkasundo kami ni Ros na sasabayan ko siyang mag-shopping. Alam ko namang may pagka-sophisticated ‘tong si Ros kaya hindi na ako nagtaka nang inisa-isa niya kung ano ang bibilhin niya.

“Siguro, I’m going to buy new earrings kasi feeling ko pabalik-balik na ‘to, e. . .” Hinawakan niya ang hikaw niyang ngayon ko lang naman nakitang sinuot niya. Makinang pa nga ito, e’, at mukhang bago.

“Okay. . .” Tumango na lang ako at nag-type ulit sa aking laptop. Nasa gazebo kami ngayon dito sa hotel niya. May sosyaling swimming pool kasi rito at malapit lang ang gazebo. May kawayan din na mesa at upuan kaya rito ko na lang naisip ituloy ang mga gawain ko.

“Ikaw? What do you want to buy?” tanong niya ng nasa kuko ang paningin.

Napaisip naman ako. Wala naman talaga akong bibilhin, e’. Marami pa naman akong damit na maayos at may groceries pa naman sa bahay. Ano nga ba-

Biglang tumunog ang phone ko.

Sinilip ko iyon at napakunot ang noo nang makita ang pangalan ni Razkien.

Sinulyapan ko si Ros, mukhang hindi niya naman nakita kaya binasa ko na ang kabuoan ng message.

Raziii:

Emm, nasa hotel kaya si Ros? Paki tanong nga, please. Wala akong number niya, e’.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko ‘tsaka nagtipa ng reply. Napahinto ako nang may sumunod na text na naman galing kay Raz.

Raziii:

Tsaka ‘wag mong sabihin ako nag-utos, ah? Aayawan ako, e’.

Mahina akong natawa.

“Who is that? Ash?” Nagtaas ng kilay sa akin si Ros. Nataranta naman ako at kaagad na pinatay ang phone ko.

“O-Oo. . .” Nagpilit ako ng ngiti saka madaliang nagtipa ng reply.

Ako:

Kasama ko siya, actually. Bakit ba? Nasa hotel kami.

My phone vibrated in just few seconds after I sent my reply. Inaabangan, ah? Importante siguro.

Raziii:

Ayos.

Napangiwi ako. Ano ‘to? Parang na-unli ang load mo? Like, Ayos! Registered ka na sa blah, blah?

Umiling ako saka tuluyan nang tinuon ang atensyon sa tinatrabaho ko. Baka mamaya may mali rito at mai-send ko sa head ng Architecture. Nakakahiya naman at problema lang ang dala no’n.

[“ANG daming paper works, babe. Sorry hindi kita madadalaw ngayon. . .”] paos na sinabi ni Ash galing sa kabilang linya. Alam ko namang busy siya kaya hindi ko na siya inistorbo.

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora