Chapter 4

35 5 0
                                    

Chapter 4


Green


“DIOS MIO!” Napasapo si Nanay sa kaniyang noo habang si Ash naman ay nilalagyan ng cold compress ang braso ko.

“Nanay, sorry po talaga. . .” nakokonsensyang sabi pa ni Abo.

“Aba, hijo, hindi ikaw ang may kasalanan-”

“Siya ang binisita namin-”

“Ikaw ang nakipagsabunutan, Emm,” lingon ni Nanay kaya napayuko na lang ako at hinayaan siya sa mga sermon niya.

Napilitan tuloy ang mga doctor na pauwiin na si Ash kahit may mga iilang test pang hindi nagawa dahil sa pagpupumilit nito. Baka kasi raw si Khing ang mag-alaga sa akin. Khing? Hmm. . . May Jasmine na ‘yon na aalagain.

“Tara na. May klase ka pa ba mamaya?” tanong ni Ash. Dalawang araw na rin makalipas no’ng nangyaring kaguluhan sa ospital. Ang braso ko lang ang hindi pa gumagaling dahil sa higpit ng pagkakahawak nito ni Norleen habang nagsasabunutan kami.

Umiling ako. “Wala na,” sagot ko.

“Sige. Pahinga ka muna. Gigisingin lang kita kapag lunch na,” sabi niya at tinulak na ako ng marahan paakyat sa hagdanan.

“Huh? Hindi ka pa uuwi?” takang tanong ko. Umiling lang si Abo at tinalikuran na ako.

Nagkibit-balikat na lang ako at pumasok na sa kwarto. Agad akong sumalampak sa kama at umidlip. Nagising ako dahil may gumalaw sa aking gilid. Napatingin ako kay Ash na nakadapa lang at humihilik.

Nakakainis talaga ‘tong matulog. Kahit tulog maingay pa rin?

Umiling ako ‘tsaka tumayo na para kunin ang cellphone na nasa side table malapit kay Abo. Anong oras na ba? Pagkatingin ko sa phone ay one PM na pala.

“Gigisingin daw. . .” ngisi ko at agad na dinaganan si Ash.

“Hmmm. . .” aniya at gumalaw lang ng kaunti at humilik ulit. Natawa ako at gumalaw para mayugyog siya. Pero laking gulat ko nang gagalaw na sana ako ay bigla niya akong hinila papahiga at siya na ang nakadagan sa akin.

Napalunok ako at nanlaki ang mga mata.

“G-Gising na,” utal kong sabi. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang ano mang oras ay lalabas na ito sa rib cage.

Pinakatitigan ko ang mala abo niyang mata. Mapupungay ito at halatang antok na antok pa. Sunod ang matangos niyang ilong. He has some freckles and it’s attractive. Napalunok ako lalo na no’ng nilapit niya ang mukha sa akin.

Napatingin din siya sa labi ko.

“I. . .” napapaos na sabi niya.

Napakurap ako. “You. . .” halos pabulong na sabi ko.

“Want to kiss. . . you,” aniya at tinitigan ang aking mga mata. Mariin ang titig niya.

“U-Uhh. . .” Wala akong masabi kun’di iyon lang.

Sa isang iglap ay naramdaman ko ang malambot niyang labi sa labi ko. Halos mawala ako sa ulirat dahil sa naghuhuramentado kong puso!

Noong una ay dampi lang ngunit nang tumagal ay gumalaw ang labi niya! Halos mapamura ako sa ginawa niyang iyon!

Paano ba tumugon? Gusto kong tumugon pero hindi ko alam. Basta ko na lang ginalaw ang labi ko at ginaya ang halik niya. He groaned like he was so stunned.

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon