Chapter 29

17 4 0
                                    

Chapter 29


Fearless


UMUGA ang kama kaya nalaman ko kaagad na humiga na rin si Abo. Naramdaman ko ang mainit niyang katawan na yumakap sa akin mula sa likuran kaya panatag kong ipinikit ang aking mga mata.

He kissed the side of my neck and whispered; “I love you…”

Ngumisi ako habang nakapikit. “Too. More. Most,” sagot ko at agad na binalot ng kadiliman. Nagising lang ako kinabukasan dahil sa lakas ng alarm ko. Maging si Abo ay napadaing dahil sa tunog no’n.

“Argh…” Nag-unat ako ng katawan bago bumangon ng kama. Sinulyapan ko muna si Abo. Malalim pa ang tulog niya kaya hinayaan ko na lang muna. Baka pagod na pagod ‘to kaya ganito, e’.

Pumasok na ako sa shower dala ang towel ko. Naligo ako at nag-ayos. I put a light make-up on before spraying a little amount of perfume on my wrist. Pagkalabas ko ay ready na ako. Maaga pa naman kaya dumukwang ako para halikan ang mahimbing na natutulog na si Abo.

“Baby, gising na,” halik ko ulit sa kaniyang noo bago nagsuot ng belt. Daing lang ang sagot niya at iniba ang posisyon sa pagkakahiga. Mahina akong natawa. “Abo, male-late ka niyan,” kumbinsi ko.

“‘Maya na…” aniya sa inaantok na boses.

“Sige na. Aalis na ako-” Bigla na lang siyang bumangon at sabog ang buhok na tumingala sa akin. Nasa may side table lang kasi ako at inaayos ang aking belt. Nang matapos ay hinarap ko siya at naglalambing na umupo sa kaniyang kandungan.

“Aalis ka na?” He smelled my nape. Bumungisngis ako at marahang tumango.

I brushed his hair back using my fingers and cupped his cheeks. “Hm-mm… Ligo ka na? May polo at jeans ka rito na maayos. ‘Yon na lang suotin mo, ha?”

Sumimangot siya at mahigpit akong niyakap sa baywang. Binaon niya ang kaniyang mukha sa may dibdib ko. He smells so good kahit na kakagising lang! Ano ba ‘yan! Napaka-unfair talaga, tsk!

“Okay, susuotin ko ‘yon. Sabay-” Tumunog ang phone niya. Akmang aabutin niya ‘yon nang pigilan ko siya. Mahihirapan kasi siyang abutin ‘yon dahil nakaupo ako sa kandungan niya, e’. Inabot ko nga. S’yempre, dahil curious ako ay tiningnan ko ‘yon.

Unknown:

Hi, Ash! Good morning<3

Nagsalubong ang kilay ko. May heart talaga? Sino ba ‘to?

“Sino ‘to?” sabay pakita ko sa text. Nagsalubong din ang kilay niya at kinuha ang phone sa kamay ko.

“Sino ‘to?” May tinipa siya bago nilapit sa tainga niya. Mukhang tinatawagan para alamin kung sino ‘yon. “Hello?” aniya, nag-iisang linya pa rin ang mga kilay. Hinihintay ko naman ang tugon no’ng nasa kabilang linya. “Huh? Babe. . .” Binigay niya sa akin ang phone.

Walang emosyon ko ‘yong nilagay sa tainga ko.

[“Oh! I forgot! This is Vintice Mariano. Remember? Emm’s friend-”]

“Hindi kita friend, Architect.” Dumilim ang mukha ko nang dahil sa boses na narinig ko. Lintek! Bakit may number ‘to ni Ash?!

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Where stories live. Discover now