Chapter 15

15 3 0
                                    

Chapter 15


Meet


“HINDI ba’t sinabi ko sa’yong hindi ka na makakatakas pa?” Ngumisi si Jasmine sa akin. Napaatras ako at walang mapagsidlan ang kabang nararamdaman ko.

Oh, my God. . .

“Umatras ka lang, Emm. . . Umatras ka lang. . .” Humalakhak siya na parang may sumaping demonyo sa kaniya habang sapo ang tiyan.

Naramdaman kong umihip ang hangin sa aking likuran kaya bumaling ako roon. Ngunit gano’n na lang ang pagkahigit ko sa hininga ko nang makitang nasa bangin na ako!

“T-Tulong. . . P-Please. . .” Nanginig ako.

Katapusan ko na.

“Umatras ka pa!” malakas na sigaw sa akin ni Jasmine at tinulak ang dibdib ko.

“Ah!”

“Emm? Emm! Shit!” May humaplos sa noo ko. “Binangungot ka. . .”

Napalingon ako kay Jerons na nagsasalin ng tubig sa baso. Napasapo ako ng noo at huminga ng malalim.

“Emm, uminom ka muna nito. Shit! Kinabahan ako!” aniya pa at binigay sa akin ang basong puno ng tubig. Kaagad ko naman iyong ininom at niyakap ang sarili. “Nilalagnat ka ata. Dadalhin na kaya kita sa ospital?” nag-aalalang tanong niya.

Umiling naman ako. “H-Huwag na. Ayos lang naman-” Napaubo ako. Parang may makati kasi sa lalamunan ko.

“Tsk. Dadalhin na kita. Mag-aayos lang ako, baka mapaano ka pa, e’,” aniya at lumabas ng kwarto.

Napatulala ako sa kawalan.

Masamang panaginip. . . Pero bakit parang totoo? Dala siguro ‘to ng takot ko sa nangyari.

NAKAGAT ko ang pang-ibabang labi ko habang sinusuri ng doktor ang sugat ko.

“The wound is still fresh. Daplis lang ang natamo mo, hija, but you still need to take care of it. Baka lumala,” ngiti niya sa akin at bumaling sa isang nurse. “Bantayi sa kadali,” aniya na hindi ko naman naintindihan.

“Ano’ng sabi niya sa nurse, Jerons?” kunot-noo kong tanong. Mahina naman siyang natawa.

“Sabi niya bantayan ka lang daw sandali,” natatawa pa ring sagot niya kaya ngumuso ako. Napatango na lang ako habang nagkakamot ng batok bago inayos ang t-shirt kong suot.

“Nagugutom ka, Emm? Bibili lang ako ng makakain, ah?” pagpapaalam niya at may kinuha sa bulsa niya.

Tumango ako at ngumiti kay Jerons. Pinanood ko siyang lumabas ng kwarto bago ako umayos ng upo sa kama.

Humiga ako at mahinang kumanta. Ilang sandali akong nanatiling ganoon habang hinihintay si Jerons. Kailan kaya ako makakabalik ng Manila? Natatakot ako. . . Baka naroon si Jasmine at hindi ako tantanan.

“Damn! Saang room ba kasi si Daddy-” May biglang pumasok sa kwarto ko kaya gulat akong napabaling sa may pintuan. Padabog niya pa itong binuksan.

“E-Emm?!” mamimilog ang matang sabi ni Valentine.

Napaupo kaagad ako sa kama sa sobrang gulat. “V-Val!”

“What the fuck are you doing here?!”

Napalunok ako habang tinitingala siya. “U-Uhm. . .”

“Valentine? Oy!” sabay tapik ni Jerons sa balikat ni Valentine. Nandito na pala ‘to. May dala pa siyang tray habang malapad ang ngiti.

“Hon, room thirty-five si Daddy. Maling room ang pinasok mo — Emm?” Napahinto si Ju Hae sa pagsasalita nang makita ako. Si Valentine naman ay binalingan ang asawa.

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Where stories live. Discover now