Chapter 20

16 5 0
                                    

Chapter 20


Drunk


“OH? Nasaan ang bisita?” naguguluhang tanong ni Nanay nang makabalik ako sa dinning. Maganang kumakain si Abo at nakakamay pang kumakain.

“Umuwi na, ‘Nay,” simpleng sagot ko at umupo sa tabi ni Abo. Napaawang naman ang labi ko nang makitang hindi na buo ang tilapia sa pinggan ko.

“Tinanggalan ko na ng buto, babe, para makakain ka na’ng diretso,” parang baliwala lang na anunsyo niya at naglagay ng sawsawan sa pinggan niya.

Nagkatinginan kami ni Nanay at sumiwil ang mapanukso niyang ngiti sa akin kaya nagbaba na lang ako ng tingin sa pagkain ko at palihim na napangiti.

So sweet…

Pagkatapos kumain ay nanood na lang kami ng movie hanggang sa gumabi. Kinagabihan ay kailangan niyang umuwi dahil walang magbabantay kay Aesha sa bahay nila dahil may emergency meeting si Tito, habang ang yaya naman ni Ae ay nasa probinsya. Nakangiti naman akong kumaway sa kaniya habang siya ay nakasimangot na naglalagay ng bag sa back compartment ng sasakyan.

“Babe, mami-miss kita,” aniya pa at nanlalambing na niyakap ako.

Pabiro ko namang tinampal ang balikat niya. “Sira. Hindi ka naman mag-a-abroad. Bakit ang O.A. mo?”

Madrama naman siyang bumuntong-hininga at sinabayan pa ng nafa-frustrate na ‘tsk’. “Oo na. O.A. na. Good night, Emm-and-Emm. Wet dreams-”

Pinandilatan ko siya. Uminit naman kaagad ang pisngi ko nang maalala ang nangyari sa amin sa kwarto. Halos hindi ako makalakad no’n, alam ko namang malaki talaga ‘yong sa kaniya pero nagpumilit ako kaya ayon, iika-ika ako.

“Ah! Shit! Shit!” Pinagtatampal tampal ko ang pisngi ko para maalis ang mahalay kong pag-iisip. Kainis kasi ng lalaking ‘to! “B.I.!” inis kong sigaw sa kaniya.

“Ha?” Naguluhan pa talaga siya. Argh!

“Bad influence!” irap ko ‘tsaka tinulak na siya papasok ng driver’s seat para makaalis na. Pauwiin ko na nga ‘to. Baka ano pa’ng mangyari ngayon.

“Babe naman… Ayoko pa’ng umuwi-” As if a cue sa katigasan ng ulo niya, tumunog ang phone niya kaya kaagad naman niya itong kinuha sa kaniyang bulsa at malakas na napasinghap bago sinagot.

“Hello, Dad. Pauwi na kasi! Oo na.” Binaba niya kaagad ito at pinatakan ako ng halik sa labi. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinagdikit ang mga noo namin.

“Babe, nakakaduling…” Nanliit ang mga mata ko.

Mahina siyang natawa ‘tsaka hinawi ang takas kong side bangs at nilagay iyon sa gilid ng tainga ko. Hinaplos niya ang leeg ko hanggang sa braso, at huminto iyon sa kamay ko. Hinawakan niya iyon at pinisil, nasa akin pa rin ang paningin.

“I love you…” masuyong aniya.

Ngumiti ako. “I love you too…” Hinalikan ko siya ng mabilis sa labi.

“Hmm… tanong ‘yon, Emm,” aniya na kinatawa ko.

“I love you nga. Hindi na ‘yon tinatanong, e’.” Hinaplos ko ang batok niya bago sinabit ang dalawang braso ko roon. “Ikaw? I love you?” tanong ko pabalik.

“Tanga.” Pinanggigilan niya ang tungki ng ilong ko. “Tinatanong pa ba ‘yon?” aniya pa at hinalikan ang buong sulok ng mukha ko. “I love you, Emm-and-Emm.”

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon