Chapter 18

12 5 0
                                    

Chapter 18


Highway


EMM! Emm! Bayaw! Hey, bayaw! Wakey, wakey ‘cause I’m hungry!” matinis at nakakapukaw ng diwa na boses ang pilit na nagpamulat sa mga mata ko. Anong oras na ba at kailangan ko nang gumising?

“Ah. . . Hmm. . .” Binaon ko na lang ang mukha ko sa unan. Baka guni-guni ko lang.

“Emmy! Male-late na tayo, babe!”

Male-late? Bakit naman?

“Babe! Magja-jogging tayo, ‘di ba?! ‘Nubayan!” Sa sinabing ‘yon ni Abo ay kaagad akong napabangon at namilog ang mga mata. “Oh! Gising na ang baby ko!” Niyakap niya ako at pinaulanan ng halik ang buong mukha ko.

Napangiwi ako ‘tsaka nilayo ang mukha ko sa kaniya. “Hindi pa nga ako nakakapaghilamos,” paos na saway ko sa kaniya.

Mas lalo lang siyang kumapit sa mga baywang ko at inamoy ang leeg ko. “Tsk! Sira-ulo, ang baho ko!” reklamo ko ‘tsaka itinulak ang mukha niya.

“Leche, kay aga-aga naghaharutan kayo! Makalabas na nga!” boses ni Zine at padabog na lumabas ng kwarto ko.

“Anong oras na ba?” tanong ko kay Abo at inayos ang suot kong over sized t-shirt na hanggang kalahati ng legs ko. Shit, naka-panty lang ako ‘tsaka itong shirt.

“One AM,” aniya at humiga sa kama ko. Napamaang ako at nakapamaywang siyang tiningnan.

“Oh, ano? Maligo ka na,” aniya at naglaro ng kung ano sa phone niya.

Napapantastikuhan naman akong natawa. “Ha! Talaga? One AM? Magja-jogging? May saltik ka, babe?” Napailing na lang ako at kumuha ng towel para makaligo na. Ang lamig siguro! Huhu!

“Early bird,” aniya at humagalpak ng tawa.

Umirap na lang ako at pumasok sa banyo para makaligo. Mabuti na lang at may hot water kaya hindi masyadong maginaw. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng leggings at sports bra, sinuot ko ang sports jacket ko dahil paniguradong malamig ngayon.

Pagkalabas ko ay nakahilatay pa rin si Abo sa kama at parang timang na nakangiti sa nilalaro niya na parang uod na pinapakain ng kung ano. Weird talaga ang isang ‘to. Hays.

“Abo, tara na. Magkakape pa ako,” nakangusong aya ko at nag-spray ng pabango.

“Ay! Tapos ka na pala?”

Umirap ako. “Hindi. Hindi pa,” sarkastiko kong sagot kaya nag-make face siya ‘tsaka naglahad ng kamay sa akin. Tinanggap ko naman ito at sabay na kaming bumaba para magkape.

“Hindi ka pa nagkape?” tanong ko kapagkuwan.

“Oo. Sasabayan nga kita magkape kasi tapos na ako, ‘no? Ha-ha,” sarkastiko niyang sagot kaya malakas kong hinampas ang braso niya. “Aray! Eto naman!” reklamo niya.

“Zine, tapos na kayo magkape? Kuya?” ngiti ko kina Zine na nakaupo sa sofa. Si Kuya naman ay nakahiga sa hita ni Zine.

“Ay, oo tapos na kami. Pinakape na kami ni Mommy,” anang Zine kaya tumango na lang ako at sumunod kay Abo na nauna na palang pumasok ng kitchen.

Pagkarating ko ro’n ay nagtitimpla na ng kape si Abo. “Hati tayo sa twin-pack,” aniya at sinalinan ng mainit na tubig ang isang mug.

Tumango lang ako ‘tsaka umupo sa upuan at pinagmasdan siya. Damn. . . tumititig lang ako pero bakit ang bilis na ng tibok ng puso ko?

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon