Chapter 9

18 4 0
                                    

Chapter 9


Again


PANAY ang mahinang buntong-hininga ni Ash habang inaayos ang mga pagkain sa nilatag namin na banig sa damuhan. Napag-isipan ko kasi na mag-picnic kami. Pangbawi niya man lang sa naudlot na dinner nila ni Aesha. Nalaman ko rin kasi na nagtatampo ito sa Kuya niya.

“Ayan! Kakain lang tayo, ah? Tapos uuwi na-”

“Ano?! Napaka-KJ mo naman, Abo.” Umirap ako at pinaghanda ng pinggan si Aesha na panay lang ang color niya sa colouring book niya habang nakadapa.

“E’, kasi naman, p’wede namang mag-dinner lang tayo mamaya, e’. Magpi-picnic pa, e’, ang init ng panahon!” iritadong reklamo niya.

Ngumiwi kaagad ako at sinubuan ng maliit na piraso ng pineapple si Aesha. “Bakit? Gusto mo bang mag-picnic tayo sa kalagitnaan ng signal number four na bagyo?” paanas na tanong ko.

“Ate, isn’t it dangerous?” singit ni Aesha na nag-aalala ang mukha. Kinurot ko ang pisngi niya at sinubuan ulit ng pinya.

“Oo nga, baby, ‘no? Hayaan mo. Hindi kasi nag-iisip ang kuya mo, e’.” Nilingon ko si Abo na nasa gilid ko, nakaupo. “Kita mo? Mabuti pa ‘yong bata, nag-iisip.” Natawa ako ‘tsaka sumubo na rin ng pinya.

“Makakain na nga,” bulong-bulong niya pa habang ngumunguya kaya tinawanan ko lang siya. “Hoy, Aesha, tama na nga ‘yang color-color na ‘yan. Hindi ka ba nagsasawa?”

“Bakit naman ako magsasawa, Kuya? Hindi nga ako nagsasawa sa pagmumukha mo, e’, ito pa kaya,” mataray na sagot ni Ae kaya napanganga ako kasabay ang mapanuya kong tawa.

“Owww! Bull’s eye!” tawa ko. Hinalikan ko pa sa pisngi si Ae. Ewan ko pero nakikita ko si Evv sa kaniya — nakababata kong kapatid na nasa langit na — kaya siguro mahal na mahal ko ang batang ‘to. Para na rin siyang kapatid sa akin.

“Ulitin mo nga, Ae, kasi nabingi ako bigla.” Lumaki ang butas ng ilong ni Ash. “Baka nakakalimutan mo na magkapatid tayo kaya iisang genes lang!”

“Well, based from the study of-”

“Wala akong pake r’yan basta magkamukha lang tayo!” parang batang pakikipagtalo ni Abo kaya umiling na lang ako at kumain.

Pinatulan pa talaga.

Alas-diyes na nang maisipan naming umuwi dahil tirik na tirik na ang araw. Hinatid muna namin si Ae at agad na kaming nagtungo sa bahay. Si Ash naman ay parang asong sunod nang sunod sa akin. Wala naman kasi kaming ibang gagawin ngayon kun’di gumawa ng mga homeworks dahil Sunday naman.

“Ahhh. . .” Huminga siya ng malalim nang makahiga siya sa kama ko. Ako naman ay tinanggal ang pagkakapusod ng hanggang balikat ko na buhok at humiga na rin sa tabi niya.

“Matulog ka muna. Maglalaba lang ako ng uniform ko,” paalam ko habang nagbibihis ng pambahay na tee-shirt.

Bumangon siya at umayos ng upo sa kama. “Tulungan na kita kung gano’n,” desididong aniya.

Nagsalubong ang kilay ko at umiling. “Naku, ‘wag na. Baka mamaya palpak ang kinalabasan.”

“Hoy, grabe ka naman d’yan. Marunong din naman ako kahit papaano,” nguso niya at binuhat ang basket na puno ng mga labahin ko. Wala na akong nagawa nang lumabas na siya ng kwarto ko.

“DAPAT kasi hinihiwalay mo muna ang mga de-color sa mga puti! Grabe, basic na ‘yan, Abo,” paliwanag ko at nilipat ang mga de-color na damit sa isang palanggana.

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Where stories live. Discover now