Chapter 8

21 4 0
                                    

Chapter 8


Kiss


UMIIRAP na pinindot ko ang unblock button bago pinakita kay Abo ang screen ng phone ko. Kanina niya pa kasi ako kinakalabit habang nagle-lecture ang prof namin sa Mathematics.

“Ayan,” may diing bulong ko bago tinago ang phone. Baka mapagalitan pa ako.

“Nice,” tapos nagngising-aso siya bago tinuon ang atensyon sa white board. Bumuntong-hininga na lang ako ‘tsaka nakinig na rin. Baka mamaya matawag pa ako tapos walang maisagot. Hindi naman ako katulad ni Abo na mukhang paa. Nakakahiya kaya iyon!

Pagkatapos ng klase ay sabay kaming lumabas ng room ni Abo. Hindi kami magkasama sa next subject kaya nakanguso na naman siya.

“Ano ba, hindi p’wede!” inis na sabi ko nang nagpumilit na siyang maki-sit in. Parang sira!

“Ngayon lang naman, e’. Isang beses lang naman, e’,” giit niya pa.

Napakamot ako ng batok ‘tsaka pinulupot ang braso sa braso niya. “Ano ka ba naman, Abo. Paano ka makakapagtapos ng pag-aaral kung ganiyan ka?”

Tumingin siya sa akin at tumango. “Okay. . . Para sa’yo — pero labag ‘to sa loob ko, ah! Baka isipin mong willing ako,” pag-iinarte niya pa kaya nakangiting tumango ako at kumaway bago humiwalay sa braso niya.  Mas lalong lumalim ang gitla sa noo niya at tumulis ang nguso bago tinahak ang daan papuntang room nila.

Nakasunod naman sa akin si Kuya Diosdado buong magdamag.

“KUYA, C.R lang ako. Hintayin niyo na lang ako sa gate. Baka nandoon na rin si Ash,” paalam ko kay Kuya Dado at tumango naman siya. Pumasok na ako sa banyo at nag-ayos ng buhok. Pagkatapos ng mga ilang minuto ay lumabas na ako. Pagkatapak ko pa lang palabas ay may humarang sa akin at marahas akong hinawakan sa siko ko.

Napatili ako at agad kinabahan. “B-Bitawan mo ‘ko — Sino ka ba?!”

“Emm. . .”

Agad na nagtama ang mga mata namin ni Khing. Mas lalo akong nainis! Ano ba’ng ginagawa niya rito?!

“B-Bitawan mo ‘ko, Khing. . .” nagtitimping sabi ko at pilit inaalis ang kamay niyang nasa siko ko. Nakapako ako sa dingding ng C.R na wala man lang katao-tao!

Hindi siya nakinig kaya nagsimula na talaga akong nainis.

“Khing, bitawan mo ako sabi!” Marahas kong inalis ang kamay niya. Titig na titig siya sa akin hanggang sa bumaba ang tingin niya sa labi ko.

“Pakibitaw sa akin, please. . .” pagsusumamo ko nang makaramdam ng matinding kaba.

Diyos ko. . .

“Emm, nakapag-isip-isip ka na ba?” parang wala sa sariling tanong niya na kinagulo ko.

“Ano ba’ng pag-iisipan ko?” nakakunot-noong tanong ko. Nakita kong nabuhay ang inis sa mga mata niya. Nagpumiglas ulit ako nang maramdamang mas humigpit ang hawak niya sa siko ko at nasasaktan ako!

“K-Khing, masakit. . .” nakangiwing sabi ko.

“Look. Hinayaan kitang umalis sa araw na iyon dahil iniisip kong gusto mo ng oras para mag-isip! Emm, ako ba o si Ash?!”

Namilog ang mga mata ko sa gulat. Pinapapili niya ako? Talaga lang?

May sarili atang isip ang kamay ko para lumipad ang palad ko sa kaniyang pisngi. Umalingawngaw sa hallway ang tunog ng sampal ko.

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Where stories live. Discover now