Chapter 1

135 10 11
                                    

Chapter 1


Wedding


“NAKS naman, Kuya!” Napangiti ako nang lumabas si Kuya galing sa room, suot-suot ang black tuxedo, black slacks at yellow na necktie niya. Ayos na ayos ang buhok niya at may yellow na bulaklak sa loob ng pocket sa tux niya.

Huminga siya ng malalim at marahil, kung wala siyang lip balm ngayon, namumutla na siya. “Hindi ko alam na ganito pala kakaba kapag ikakasal-”

“Malamang! First time mo’ng ikasal, e’! Bakit?” Nagtaas ng kilay si Kuya Khrizone kay Kuya Ezz. “Pang-ilang fiancé mo na ba ang kapatid ko?”

Biglang napalunok si Kuya. “A-Ahh. . . hindi naman sa gano’n, p’re.”

Biglang humagalpak ng tawa si Kuya Zone. May pahawak pa siya sa tiya’ng nalalaman.

“Umagang-umaga, letse!” biglang sigaw ni Ate Jeyflyn na ngayo’y sobrang ganda sa tube dress niyang kulay baby yellow.

“Honeyyy ko!” magiliw na bati ni Kuya Zone sa asawa niya.

“Ingay! Xivier Wein, anak! Dali!” nakangiting baling ni Ate sa napakag’wapo nilang anak.

“Babyyy ko!” si Kuya Zone. Nagsimula na silang magsilabasan ng bahay at pumunta na sa kanilang sasakyan. Sabay kaming napailing ni Kuya. Bumaba ako sa hagdanan para sana pumunta na sa garage at pupunta na sa simbahan pero napahinto ako at nanigas.

“K-Khing!” gulat na bati ko ‘tsaka ilang na kumaway at ngumiti sa kaniya. Nanatili siyang seryoso at napatingin sa kabuoan ko. Nag-init tuloy ang pisngi ko. Naka-fitted baby yellow dress ako na off-shoulder pa.

“Where’s Ezz? Hinahanap na siya ng daddy niyo,” seryosong sabi niya na nakatitig sa mga mata ko.

Parang natuyo bigla ang lalamunan ko, gosh. Bakit ba kasi ang g’wapo niya sa tuxedo niya?! Ang g’wapo pa ng hugis ng mukha niya, ilong, mata, pati. . . labi.

“Hey, I’m talking to you.” Nangunot ang kaniyang noo.

Napabalik ako sa ulirat at bahagya pang napatalon. “Ay!” Napatakip ako sa bibig ko.

Oh my, Emm!

“Tss. Kuya mo?” Napangisi siya ngunit may bahid pa rin ng pagkasungit ang mukha.

Napalunok ako nang mapansin ang maliit na nunal sa pisngi niya, malapit sa ilong. “Si Ezz Yaundreigh Ruil,” wala sa sariling sagot ko. Pangalan ni Kuya raw, ‘di ba?

Mahina siyang natawa at nakapamaywang pa ang isang kamay, habang ang isa ay napahawak sa labi niyang. . . mapupula.

Oh, shit.

“I mean, where?” Natatawa pa siya. Nakatulala lang ako sa labi niya.

“Ah. . . Verenosa Subdivision, Ruil Residence,” sagot ko sa kaniyang katanungan.

Napaawang na naman ang kaniyang bibig sa naisagot ko.

Bigla niya akong hinawakan sa magkabila kong balikat kaya napasinghap ako. Seryoso niya akong tinitigan.

Ang bango niya. . .

“Emm, nasa’n ang kuya mo, male-late na tayo sa kasal niya,” mariing sabi niya kaya napanganga ako.

Ano’ng katangahan na naman ba ‘to, Emm!

“Nasa taas pa nag-aayos ng sarili!” mabilis na sabi ko at tumakbo papunta sa garage. Hindi ko alam kung narinig niya ba o hindi basta gusto kong mapalayo sa kaniya. Iniwan ko siyang gulat. Hindi ko na kaya. Ang lakas ng pintig ng puso ko. Parang sasabog na ito ano mang oras! Dagdagan mo pa ang pag-init ng pisngi ko.

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Where stories live. Discover now