Prologue

210 10 12
                                    

Prologue


NAPATULALA ako at hindi na nakapagsalita pa. Nanigas ako at tila nag-ugat ang mga paa sa tinatayuan kong semento.

“Naguluhan lang ako. . .” Magkahalong sakit at pagsisisi ang tono niya.

Napalunok ako habang titig na titig sa mga namumula niyang mapupungay na mata.

“Tapos. . . naulit. . . hindi. Hindi ko na alam.” Napasabunot siya sa sarili niyang buhok habang ako ay nakatulala pang dinadama ang maliliit na butil ng tubig na tumatama sa aking braso.

“Tama na. . .” Biglang nabasag ang boses ko.

Bakit ba kasi ngayon pa? Bakit ngayon pa na may mahal na akong iba?

“Emm, alam mo naman na-” Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang biglang bumuhos ang pagkalakas-lakas na ulan. Biglaan ito ngunit sobrang lakas. Masakit din ito sa balat.

“Tama na!” sigaw ko upang marinig niya ang boses ko.

Nakita ko siyang umiling. Napahinga ako ng malalim.

Hindi. . . Mali ito.

“Tama na, hindi na kita maha-” Natigilan ako nang hindi ko na maramdaman ang masakit na dampi ng ulan sa balat ko. Napatingala ako at napakunot ang noo nang makitang may pumayong sa akin.

“Let’s go. . .” tapos ay hinawakan niya ang kamay ko. Napatitig ako sa mga kulay abo niyang mga mata. Basang-basa rin siya sa ulan dahil ako lang ang pinayungan niya.

Nangingilid na talaga ang mga luha ko pero pinipigilan ko.

Napatingin ulit ako sa lalaking kanina pang nakatitig sa amin at sa payong. Napangiti siya ng mapait. Tumingin siya sa akin.

Unti-unti siyang humakbang papalapit sa amin. Humigpit ang hawak ng taong mahal ko sa aking kamay. Nanlalambot ang tuhod ko sa katotohanang. . . iba na ang mahal ko, at hindi ang lalaking nagsusumamo sa harapan ko.

Hinawakan niyang bigla ang isang kamay ko at nagulat ako sa sumunod niyang ginawa.

“Please, Emm. . . please. . . just — just another chance.” Basag na basag ang boses niya na nanginginig pa. Hindi ko alam kung dahil ba sa nilalamig siya o talagang nasasaktan siya.

Binitawan ko ang kamay kong hawak ng taong niligtas ako mula sa mahapding dampi ng ulan. ‘Tsaka ko hinawakan sa magkabilang balikat ang lalaking nakaluhod at nagsusumamo sa harapan ko.

Patuloy sa pag-agos ang mga luha ko at parang pinipiga ang wasak na wasak kong puso.

“Tama na, please? Hayaan mo na akong maging masaya. . .” 

Umiling siya at hinalikan ang kamay ko. “H-Hindi. . . please naman, oh? I’ll do anything — everything for you, just. . . just give me another chance to prove to you how much I love you, Emm.”

Para namang kinurot ang puso ko. Ngayon ko lang siya nakitang hinang-hina at malala, lumuluhod. He’s cold when he’s with a crowd but sweet and talkative with his family and close friends. . . just like us, before.

Pinatayo ko siya. Tumayo naman siya at hinawakan ang magkabila kong kamay. Nakayuko siya at umiiyak pa rin.

“Back off, p’re,” malamig ang boses ng nasa likuran ko.

Ilang sandali pa ay tumigil na ang malakas na ulan. Saglit lang ito. Tumahimik ang paligid at tanging iyak ko lang at hikbi niya ang maririnig.

Nag-angat siya ng tingin. Namumugto na ang mga mata niya. Napatakip ako sa bibig ko.

Mahal ko ang taong nagpasaya sa akin sa ikalawang beses at ayaw kong mawala siya sa tabi ko. Ngunit natatakot akong masaktan ang lalaking minsan nang nagpasaya at nanakit sa akin.

Ngumiti siya. “Fine. . . I’ll back off for a while, but please. . . After a while, let me be with you forever,” sabi niya at biglang lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo.

Tumalikod siya at naglakad papalayo sa amin. Nakayuko siya at halatang umiiyak pa rin. Napatakip ako ng bibig ko para maiwasan ang paghagulgol. Nasasaktan ako. Gusto ko siyang pigilan, pero. . . paano naman ‘yong sakit na pinadama niya sa akin noon? Ganoon na lang ‘yon? Kalimutan? Palampasin?

Bakit ba kasi bumalik-balik pa siya sa buhay ko? Ginulo niya lang ulit, e’.

And then I realized how many hours we stayed standing and crying along the highway. We cried while there’s a cloudburst along the highway.

“Emm, kung naguguluhan ka pa. . .” Ngumiti siya ng malungkot. Kumislap ang mala abo niyang mga mata. “Kung siya talaga. . . I can let you go and I’ll let you be happy with him.”

Nanghina ako sa sinabi niya. Bakit ganoon? Hindi niya dapat ako pakawalan dahil siya ang mahal ko!

Why do I feel this so shattered. . . now that he came back. Why does he has to fall for me again that fearlessly? That’s his fearless fall. . .



__________________________________________________________________________________

Princess Naphtalie|nananacess

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Where stories live. Discover now