Chapter 10

17 4 0
                                    

Chapter 10


Perfume


NAKANGANGA ako habang dinaramdam ang drama ng dalawang bida sa movie na pinapanood ko. Napaka-emosyonal naman ng mga ito. Grabe, best actress si ate. Kitang-kita ko talaga ang emosyon sa mga mata niya habang umaarte.

Baka may feelings talaga siya sa lalaking aktor? Ay, pwet mo may rakit. Nakakapagod mag-isip.

Nasa kalagitnaan ako ng panonood nang biglang may nag-doorbell kaya nagtataka ko itong binuksan. May guard naman sa labas kaya imposibleng masasamang loob ito. Hinawakan ko ang door knob at binuksan iyon.

“Hi, Emm!” Bumungad sa akin si Zine na may dala pang Star Bucks coffee. Naka-jeans lang siya at sexy na damit.

“Zine, pasok ka.” Nakangiti kong mas nilakihan ang pagkakabukas ng pintuan.

Agad naman siyang pumasok at nilapag sa center table ang dalang kape at malapad ang ngiting hinarap ako. Walang bang trabaho ‘to?

“Alam kong ayaw mo sa cream kaya pure coffee ang binili ko. Iyang nasa right side,” aniya pa at nginuso ang mga kape. Tumango naman ako at marahan siyang hinila paupo sa sofa.

“May gusto kang kainin?”

Umiling naman siya, “Wala. Nasaan pala si Mommy?” Lumingon-lingon siya sa paligid, hinahanap si Nanay.

Kumuha ako ng kape na nasa right side at uminom no’n. “Namalengke. Ayaw akong isama, e’, kaya nanood na lang ako ng movie. By the way, bakit pala nandito ka?”

Pinatong niya ang dalawang paa sa sofa at niyakap ang mga tuhod. “Oo nga pala!” Natawa naman siya. “Ano nga, niyaya kasi ako ni Jasmine-”

“Jasmine?!” Napalakas ang boses ko kaya nagsalubong ang kilay niya habang umiinom ng kape.

“Oo. Si Jas. Bakit?”

Napatuwid ako ng upo. Mali ‘to. Hindi naman ako sigurado kaya maling pagbintangan ko siya. “W-Wala naman. . .”

Nagtaas siya ng kilay. “Weh? Utuin mo pwet ng lolo mo. Bakit nga?!” pamimilit niya kaya napakagat ako ng labi at huminga ng malalim. Marahas ko iyong pinakawalan at tumingin sa mga mata ni Zine ng seryoso. “Woi, shit ka naman. Nakakatakot, uy!” Umakto pa siyang takot sa titig ko.

“Kasi ano. . . Nanghihinala ako sa kaniya-”

“Bakit? Ano’ng kahina-hinala?” Umayos siya ng upo at nilapag ang kape niya sa center table.

“Nito kasing nakaraang araw, may nagtangka na naman sa buhay ko,” panimula ko.

“Oo, nasabi ni Khing ‘yon ‘tsaka pinadagdagan naman na ng daddy mo ang mga guards, ‘di ba?” Tumango ako. “O, sige. Continue.”

“E’, kasi ‘di ba nga kinukulit ako ng kuya mo, tapos gusto niya si Khing. Hindi kaya. . . may galit siya sa akin?” Kinakabahan at maingat kong sinabi iyon.

Nagtaas-noo naman si Zine at namilog ang mga labi na para bang may na-realize siya.

“Oo nga.” Ngumisi siya. “May naisip ako, bayaw. Hindi ko naman kasi mapipigilan si Khing sa kakahabol, e’. Kaya. . . may naisip pa akong iba.” Mas lalong lumapad ang ngisi niya kaya napakurap ako.

“Ano ‘yon?”

“Watch and see-” Tumingala siya at kumurap-kurap ng ilang beses. “Teka, see ba ‘yon? Wait. . . Ay! Watch and learn pala, pota!” Malakas siyang natawa kaya napangiwi ako. Sabi na, e’. Wala talagang matinong mangyayari kapag si Kharozine ang kasama mo.

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Where stories live. Discover now