Chapter 11

22 4 0
                                    

Chapter 11


Party


BAGSAK ang balikat ko habang nakatitig sa bangkay ng lalaking nakatakip ng puting tela. Nasa morgue na kami ni Abo, Kuya, Sheywon at Zine. Panay naman ang halik ni Abo sa pisngi ko.

“Tsk, sino kaya ang pamilya nito? Nakakaawa naman,” pagsasalita ni Abo malapit sa tainga ko kaya amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya.

“Oo nga. . . Shey,” baling ni Zine kay Sheywon kaya napatingin din kami sa kaniya.

Lumunok si Sheywon at mukhang hindi komportable. “Zine?”

Tumingin si Zine sa bangkay. “Ang potassium ba ang dahilan ng pagkamatay niya?”

“A-Actually, nakadagdag iyon. Kung sana ay hindi dahil sa potassium, malaki ang posibilidad na buhay pa siya. . .” sagot naman nito at kalmadong humalukipkip.

Napabuntong-hininga kaming lahat.

HABANG papalabas na kami ng hospital ay panay ang pagsasalita ni Zine ng kung anu-ano. Tumatango na lang ako dahil hindi ko naman masakyan ang topic niya.

“Huhu! Babe, bili tayo mani? Gusto ko ‘yong may cheese na maanghang!” Hinihila-hila niya ang braso ni Kuya, namimilit.

Napakunot ang noo ni Kuya bago binalingan ang asawa. “Baka ma-appendix ka niyan? Puro ka maanghang.”

Huminto sa paglalakad si Zine at nakapamaywang na tinaasan ng kilay ang Kuya ko. “Anong connect no’n?”

“Wala, sinabi ko lang.” Nagkibit-balikat si Kuya kaya agad siyang pinaghahahampas ni Zine sa braso.

“Babe. . .” malambing na boses ni Abo. Nakayakap siya sa baywang ko at nakasiksik ang mukha sa aking leeg habang naglalakad.

“Hmm? Uwi na tayo. Pagod ka pa, e’,” sabi ko at hinawakan ang kamay niya sabay hila papalabas ng hospital.

“Sa bahay niyo ako!” nguso niya habang naglalakad kami papuntang parking lot.

“Oo na,” nangingiting sabi ko pa.

Na-miss kita. Tanga!

Pinatunog ko ang sasakyan ko ‘tsaka pinagbuksan siya ng passenger’s seat.

Nagtaas naman siya ng kilay. “Ano ‘yan?”

“Ano nga ba? Baka sasakyan, Ash?” sarkastiko kong sabi kaya ngumiwi siya at lumapit sa gawi ko.

Agad na kumalabog ang puso ko.

Shit! Simpleng lapit lang naman ‘yon, e’!

“Bakit pinagbubuksan mo ako, babe?” pabulong na tanong niya kaya napalunok ako.

Darn!

“K-Kasi ako ang m-magda-drive.”

Matunog siyang ngumisi. “Hmm? Ano’ng ida-drive mo?”

Nagsalubong ang kilay ko at napalunok ulit. “S-Sasakyan. Ano pa ba?” takang tanong ko.

Naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa batok ko kaya nagsitaasan lahat ng balahibo ko sa katawan.

“Sasakyan lang?” He let out a sexy chuckle. “Sasakyan lang ba, babe? Huh?” napapaos na boses na aniya.

Agad akong kinabahan at may mahalay na bagay ang pumasok sa isip ko. Marahas akong umiling. “A-Ano ba’ng ibig mong sabihin, Ash?”

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Where stories live. Discover now