Chapter 12

16 3 0
                                    

Chapter 12


Accident Reveal


NARAMDAMAN kong may mainit na bagay ang tumama sa paa ko kaya inis akong napasipa. Ilang minuto na naman yata ang lumipas pero may lumapat pa ring mainit kaya sumipa na naman ako at sa pagkakataong ito ay inimulat ko na ang mga mata ko.

Kainis naman, oh!

“Ughhh! Ha!” pagdadabog ko nang makitang sinag pala ng araw ang nasa aking paanan. Babangon na sana ako nang maramdamang parang hinati sa dalawa ang ulo ko.

Napasapo ako roon at nalukot ang mukha. “A-Aray. . .”

“Masakit, ano?” malamig na boses sa likuran ko ang nagpalingon sa akin. Ngumiti kaagad ako kahit na masakit ang ulo nang makita si Abo na nakatapi lang ang pang-ibabang katawan ng towel.

Basa pa ang kaniyang buhok at tumutulo ito hanggang sa. . . abs niya. Darn!

Nag-iwas kaagad ako ng tingin at tumikhim bago bumaba ng kama. “Good morning, babe,” malambing na bati ko at tumingkayad para mahalikan siya sa pisngi.

Ngumiwi siya habang titig na titig sa mga mata ko at kapagkuwan ay napailing bago tinuyo ang buhok gamit ang maliit na towel.

Parang may umapak sa puso ko. “A-Ash. . .” Nanginig ang boses ko at binalingan siya.

Nagtaas lang siya ng kilay sa akin at sinuot ang khaki shorts niya. “Hmm?”

Napalunok ako at sinubukang lumapit sa kaniya nang bigla siyang umalis sa kinatatayuan niya at kinuha ang kaniyang pabango na nasa harapan ng salamin ko. Nagtataka ako sa inaakto niya.

Umawang ang labi ko nang may maalala ako na nangyari kagabi.

Oo nga pala. Nagalit siya dahil lang sa lintek na pintuan at iniwan niya ako roon nang hindi man lang pinapansin. Napansin kong may kahina-hinala kay Zine kaya-

Napasapo ako ng ulo dahil kumirot na naman ‘yon. “Ouch. . . Darn it.”

Umiling-iling ako na para bang mawawala ang sakit kapag ginawa ko ‘yon.

“Oh.” May naglahad sa akin ng isang tablet na gamot at isang basong tubig kaya napaangat ako na tingin kay Abo na matiim na nakatitig sa akin.

Bahala nga siya riyan.

Walang emosyon ko siyang tinalikuran at nagtakip na lang ng kumot pagkahiga sa kama. Hanggang ulo ko pa ang takip para hindi niya makitang umiiyak ako.

Bakit kaya nagagalit na lang siya bigla sa akin? Ang babaw naman ng dahilan niya.

“Body shot pa, Emm,” aniya at padabog na sinara ang pintuan kaya napatalon ako.

“Anong body shot naman kaya ang pinagsasasabi no’n-”

‘Si Emm naman!’

‘Body shot! Body shot!’

Umalingawngaw ang mga boses sa utak ko kaya agad akong napaupo sa kama at sinabunutan ang sariling buhok. May naalala rin akong mga nakakalulang ilaw at nakakabinging tugtog.

“Ano. . .” Namilog ang mga mata ko. Ang imahe ng lalaking nakahubad ng pang-itaas sa harapan ko at akmang didilaan ko ang asin! Malabo iyon pero. . . “Shit! Shit!”

Agad akong nagsuot ng tsinelas at bumaba ng hagdanan.

“Anak! Mag-ingat ka nga! Dios mio!” malakas na sita ni Nanay pero agad na hinanap ng mga mata ko si Abo. Nasa counter top siya, nakaupo at matalim ang tingin sa akin. Wala pa rin siyang pang-itaas na damit at basa pa ang buhok.

That Fearless Fall (That Trilogy 1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora