SPECIAL CHAPTER

826K 18.4K 19.4K
                                    

Long-distance relationship.

Akala ko, madali lang 'yong pinasok namin pero anak ng pusa naman, ang hirap pala. Nakakabaliw pa nga minsan—ay, hindi. Madalas pala.

Praning. 'Yan na nga ang tawag sa 'kin ng mga mokong kong kaibigan.

Masisisi ba nila ako? Biruin mo, milya-milya ang layo sa 'yo ng taong mahal mo. Kapag gusto mo siyang yakapin, hindi mo magawa. Tapos hindi mo pa alam baka mamaya, may kung sinu-sinong lalaki ang umaaligid sa kanya. Ang dami kong naiisip tapos dadagdagan pa ng usad pagong niyang pag-reply.

"Hoy, babaeng mahilig sa aso at sa cookies and cream na ice cream, ilang oras na akong naghihintay sa mga text mo pero mamumuti na lang yata ang mga mata ko kakahintay!"

Ano ba kasing ginagawa niya at hindi man lang niya ako naisipang kumustahin?

Sa pagkaalala ko, boyfriend niya pa rin ako.

"So ano, display na lang ba ako sa kanya? Para lang masabing may pogi at macho siyang boyfriend dito sa Pilipinas?"

Sumakit bigla ang ulo ko. At ang salarin ay walang iba kung hindi ang womanizer kong kaibigan. Kung batuhin niya ako ng bote, akala mo, ang laki ng kasalanan ko sa kanya.

"Anong problema mo, Troy?"

Tumawa pa talaga siya nang malakas. Kung ibang tao lang siya, kanina ko pa siya nabugbog. Sa mga ganoong sitwasyon, maiksi ang pasensya ko. Nawawala ang prinsipyo ko about .

"Wala ako sa mood, Troy, kaya pwede ba? Umayos ka riyan!"

"Ang clingy mo kasi, pare. Hindi ka lang na-reply-an nang ilang oras, nag-aalburoto ka na riyan? Daig mo pa 'yong babaeng naka-Whisper with wings, e. Pwede bang kumalma ka?"

Inhale, exhale.

Pucha! Hindi ko kayang daanin 'yon sa malalim na paghinga. Nainis na talaga ako.

Minabuti kong ipaalam sa kanya ang galit ko at baka sakaling magawa na niyang mag-text sa 'kin.

To: Candice My Love

Alam mo, sige, huwag ka nang mag-reply sa akin. Magpakasaya ka kung ano man 'yang ginagawa mo ngayon diyan sa Korea. Siguro, todo-fangirl ka na naman sa mga oppa riyan. Subukan lang nilang landiin ka, ooppakan ko sila! K, bye.

"Anong problema mo, Jaydee?"

Halata yata sa mukha kong bad trip ako kaya kahit kakarating pa lang ni Marky sa tambayan namin ay nahalata na niya agad na bad mood ako. Tumabi siya sa akin at maya-maya ay ngumisi siya.

"Dahil ba sa IG story ni Shawn? Wala naman sigurong malisya 'yon."

"Anong IG story?"

Binuksan ko agad ang Instagram ko para makita ang sinasabi ni Marky. Bigla akong nanginig sa galit sa nakita ko. Gusto ko na nga sanang ibato kay Troy ang cellphone ko pero pinigilan ako ni Marky.

"Pagkatapos niyang hindi mag-reply sa akin nang isang oras, ito 'yong makikita ko? Magkasama sila ng Shawn na 'yon sa isang coffee shop! Aba, sumosobra na talaga siya!"

Parehong nagtawanan 'yong dalawang mokong. Ano bang nakakatawa? Hindi ba nila nakitang seryoso ako?

"Jeydon, easy ka lang. Kita namang gumagawa sila ng project. Magre-reply din si Candice mamaya. Huwag kang clingy masyado," sambit ni Marky. Isa pa siyang nagsabing clingy ako.

Clingy na pala ang magmahal nang sobra?

Mali ba 'yon?

Mali bang mahalin ko nang higit pa sa buhay ko si Candice?

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon