77: Prom Night

3.3M 74.7K 57.8K
                                    

CANDICE

"Tama na 'yan!"

Ay, bastos! Ipatong ba naman 'yong kamay niya sa librong binabasa ko.

"Matalino ka na kaya tigilan mo na 'yan!"

Sinamaan ko nga siya ng tingin. "Kung ayaw mong mag-review, magpa-review ka nga!" Tinapik ko 'yong kamay niya sa librong binabasa ko. Ang kulit-kulit niya.

"Hindi ka ba excited sa prom mamaya? Last na natin 'yon!" Kinuha na niya 'yong libro ko. Amp! Hari talaga siya ng kakulitan.

"Troy, hindi porke't wala si Tiffany, pwede mo na akong kulitin, ah. Can't you see I'm busy?" Kinuha ko ulit sa kanya 'yong libro ko. Simula nang magbakasyon si Tiffany sa Macau, palagi na lang niya akong kinukulit lalo about sa prom na 'yon. Buti na lang, uuwi na si Tiff mamaya.

Wala akong time para mag-isip about sa prom na 'yon. Kailangan kong mag-review dahil final examination na namin mamaya sa math. Abnormal nga yata 'yong mga teacher kasi sinabay nila sa math examination 'yong JS Prom. May galit lang sa mga estudyante? Paano ka makakapaghanda sa prom na 'yon kung busy ka kaka-review? Siguro tinitingnan nila kung anong mas importante sa mga seniors, exam o prom? Well for me, mas importante 'yong exam kesa sa prom na 'yon. Hindi ako bitter dahil wala akong partner mamaya, mas masarap lang talagang mag-aral. 'Yon talaga ang dahilan, hindi ako bitter. Hindi talaga, promise.

"Miss lang naman kita, e, kaya kita kinukulit." Hinawakan niya 'yong braso ko parang nilalambing pa ako. Kahit kailan talaga 'yong best friend ko, malambing pero napakakulit. "Hindi mo ba ako na-miss, Candice?"

"Haha, para kang ewan diyan, Troy!" Paano niya ako hindi mami-miss, e, busy sila ni Tiffany sa isa't isa. Sila na ang may love life! Kinalimutan na nga yata ako ng dalawa kong best friends, e.

"Yihee, miss mo rin ako, e. Sabihin mong hindi."

Hay, naku. Paano kaya siya natatagalan ni Tiffany sa kakulitan.

"Hindi, 'no? Asa ka!"

Natigilan siya tapos tiningnan niya ako na parang may balak na masama.

"Hoy, ano 'yang tinging 'yan, ha?"

Tumawa siya tapos... "Hindi pala miss, ha?"

Anak ng—malakas ang kiliti ko sa bewang! Lintek ka, Troy. "Tama na! Uy!"

"Ayoko nga! Sabihin mo munang miss mo ako."

Pinigilan ko 'yong kamay niya pero ang lakas niya kaya hindi ko siya mapatigil. Hindi ko na talaga kaya! Parang kagaya lang siya ni Jeydon kung kumiliti, e.

Si Jeydon...

Kahit kinikiliti ako ni Troy, bigla na lang akong natigilan.

"Ay... bakit hindi ka na nakikiliti?" Akalain mo 'yon, natigilan ako sa pagtawa, naalala ko lang bigla si Jeydon.

"Wala lang..." Bad trip naman. Kahit saan, naaalala ko 'yong abnormal na 'yon. Kailangan ibaling 'yong atensyon ko sa iba. Tiningnan ko si Troy nang masama. "Troy?"

"O, bakit?" Lumapit ako sa kanya tapos kiniliti ko siya. Wahaha! Lintek lang ang walang ganti. "Uy! Haha! Huwag, malakas ang kiliti ko!"

"Akala mo, ikaw lang, ha?"

Nagtawanan kaming dalawa, ang lakas nga ng boses namin pero wapakels. Pinagtinginan na siguro kami ng mga estudyante. Wala namang malisya 'yon, 'no? Best friends lang kami. Mahal ko silang pareho ni Tiffany.

"Tama na, uy, Candice!"

"Anong tama—"

"Troy."

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon