78: Sealed with a kiss.

3.6M 68.1K 59.1K
                                    

CANDICE

"Wifey, gising na!"

"Ugh... five minutes pa." Inaantok pa ako, e. Anong oras na kaya natapos 'yong prom kagabi? Wala pa akong tulog, zzz...

"Wifey, gising na! Huwag mong paghintayin si hubby mo."

"Hubby naman, ang kulit mo." Nandito si Jeydon sa kwarto ko? Hindi pwede, pati ba naman sa panaginip ko, nandoon si Jeydon?

"Kapag hindi ka pa gumising diyan, hahalikan kita." Kahit pala sa panaginip ko, adik pa rin siya sa kiss.

"E di, halikan mo."

"Sabi mo 'yan, ha?"

Nanlaki 'yong mata ko noong naramdaman ko 'yong labi niya sa labi ko. Anak ng pusa naman! Hindi pala ako nananaginip.

"Hubby?!" Akala ko talaga, panaginip lang, totoo palang nandoon siya. Wah! Hinalikan niya tuloy talaga ako, hihi.

"Tulog-mantika!" Binatukan niya 'yong ulo ko nang mahina, nag-pout tuloy ako. Pag-pout ko, hinalikan ulit ako ni Jeydon. "I told you, don't do that, because I will kiss you," sabay kindat. Psh! Umiisa lang siya, e! Ang aga-aga, nakadalawang kiss na siya sa 'kin.

"Ang aga pa, ah. At bakit ka nga pala nasa kwarto ko?" Oo nga pala, bagong gising lang ako!

Tumakbo agad ako sa banyo ng kwarto ko. Jusme, baka mamaya, may laway-laway pa ako sa bibig ko. Pagharap ko sa salamin, ang pangit ko! Huhu. Nakita akong ganoon ni Jeydon, nakakahiya. Siya, ang gwapo-gwapo tapos ang bango-bango tapos ako, ganoon? Lupa, kainin mo na ako, ngayon na.

"Wifey? Anong ginagawa mo riyan?"

"Kainis ka naman, e! Kakagising ko lang! Ang pangit ko, o! Diyan ka lang, mag-aayos lang ako." Huhu, kahiya talaga.

"Haha!"

Aba! Pagtawanan daw ba ako? Hubby, ang sama mo, 'no? Ikaw na si Beauty, ako na si Beast.

"Maganda ka na kahit ganyan ka. Lumabas ka na nga riyan."

Hmp! Bolero. Hindi ko siya pinansin. Nag-ayos pa rin ako sa loob. Alam kong sa ganoong hitsura ko, hindi ako maganda. Binilisan ko na lang 'yong pag-aayos ko para hindi siya mainip sa labas. Bakit naman kasi dumating siya nang ganoon kaaga?!

Paglabas ko ng kwarto, aba, nakahiga siya sa kama ko. Pumunta ako sa harap niya habang nakapamewang ako.

"Anong ginagawa mo sa kama ko?"

"Ano ba ang ginagawa sa kama? Malamang, hinihigaan."

I know, okay? Inaasar na naman niya ako.

"Tara, tabihan mo ako." Sira talaga siya.

"Tumayo ka na nga riyan! Mamaya—"

"Ehem, ehem."

Mamaya, makita pa tayo ni Kuya Charles.

"Bumaba na nga kayo." Ang sama ng tingin sa 'min ni Kuya Charles. Hala? Wala naman kaya kaming ginagawang masama. Kung makatingin siya parang may gagawin kami ni Jeydon na hindi maganda.

"Yes, Kuya."

Pagkababa ni Kuya, si Jeydon, nakahiga pa rin sa kama ko. Aish! Pasaway, sabi na ngang bumaba na.

"Pusa, baba na raw."

"Nahihirapan akong tumayo, wifey. Can you help me get up?"

Lumapit ako sa kanya at inabot ko 'yong kamay ko para makatayo siya. Ang bigat ng lalaking 'yon, bakit ba kasi ako pa ang magbubuhat sa kanya? Noong hinila ko ulit siya, bigla naman niya akong hinila papunta sa kanya. Napapunta tuloy ako sa itaas niya. Noong nasa taas na niya ako, naramdaman ko 'yong mga pandesal niya, este, 'yong six-pack abs niya. Tinulak niya ako sa gilid tapos pumunta siya sa taas ko. OMO! Nasa taas ko na siya. Nanlaki na nga lang 'yong mga mata ko sa ginawa niya. Nakita ko 'yong brown niyang mga mata, tinatawag na naman ako. Bumilis din 'yong tibok ng puso ko. Jeydon, huwag! Bata pa tayo! Huhu. Hindi ko pa pwedeng isuko ang Bataan.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon