66: Troy's Birthday

2.9M 67K 46.9K
                                    

TROY

"Happy birthday, Troy." Kinuha ko 'yong regalong bigay sa 'kin ni Abby. Akala ko, kasama niya si Tiffany pero hindi. Siguro si Stacey 'yong kasama niya.

"Looking for someone?"

"Ah wala, sige pasok ka na, Abby. Thanks dito, ah."

Ngumiti siya sa 'kin tapos pumasok na siya sa loob. Dumating naman si Ginno tsaka si Six.

"Bro, happy beerday!" sabi no'ng dalawa. Mga adik talaga sa alak 'yong mga 'yon.

"Salamat! Mamaya, bro, inuman tayo. Pasok muna kayo sa loob, may party pa kasi na hinanda sina Mom para sa 'kin, e."

"Sige, bro." Pumasok sila sa loob pagkaabot ng regalo nila sa 'kin.

Balak ko lang sana sa bar lang kami mag-celebrate ng birthday ko. Hindi naman kasi ako sanay sa mga sosyaling party. Club at house party lang 'yong trip ko. Kaso sina Mom and Dad, gusto ng bongga 'yong party na ibibigay nila sa 'kin. Chance kasi nila 'yon para makahanap ng business partners. Mostly kasi business-minded 'yong mga magulang ng mga kaibigan ko. Kaunti nga lang 'yong invited na friends ko talaga. Puro sina Mom kasi 'yong pumili ng mga bisita. Takte nga, e. Feeling ko, hindi ako makakapag-enjoy do'n. Basta pumunta 'yong tatlong ugok, si Candice tsaka si Tiffany, okay na ako. Buti na lang, napa-reserve ko 'yong isang bar namin kaya mamaya, doon kami. Ang boring kasi kung doon lang ako sa hotel mag-celebrate.

"Bro, happy birthday! Ang tanda mo na!" Gago talaga si Charles. Sino bang mas matanda sa 'min? Tsaka napaka-baby face ko kaya.

"Hoy, Tanda, pagbaliktarin man natin ang mundo, mas matanda ka pa rin sa 'kin!"

Tumawa nang malakas si Serina. Aba, magkasama sila at mukhang may kakaibang aura 'yong dalawang 'yon. May nangyari kayang romantic sa kanila noong iniwan namin sila ni Marky sa ospital? Haha, maasar nga siya mamaya about do'n.

"Ugok, mas gwapo pa rin ako sa 'yo!"

Bigla namang lumapit sa 'min si Candice. Naka-smile agad siya sa 'kin noong nakita niya ako. Ang sama ng tingin niya kay Charles.

"Hoy, Kuya, mas gwapo sa 'yo si Troy! Pagbigyan mo na, birthday naman, e." Tumawa siya tapos may inabot siya sa 'king maliit na box. Wow, may regalo pa talaga siya sa 'kin, ah. Na-excite tuloy akong buksan 'yon. "Happy birthday, best friend."

"Thanks! Nasaan pala si Jeydon?"

Tiningnan niya 'yong cellphone niya. "Papunta na raw sila rito." Medyo hindi pa mapakali si Candice noong sinabi niyang "sila." Kasama kaya ni Jeydon si Jaycee? Hindi ko naman siya invited, e. Baka si Jayshin lang 'yong kasama niya. "Uy, si Marky, nandito na rin pala."

Nilingon namin si Marky, may dala-dala siyang susi sa kamay niya tapos ibinato niya 'yon sa 'kin. Ang gago lang ng lalaking 'yon. Paano kapag natamaan 'yong napaka-cute and handsome face ko? Tsk, baka hindi na ako magustuhan ni Tiffany.

"Regalo ko sa 'yo, galing pang ibang bansa 'yan." Tiningnan ko 'yong sabitan ng susi. Takte, akala ko Ferarri ang ibibigay ni gago, Porsche pala.

"Hindi mo man lang nilagay sa box, wala ka talagang kwenta." Nilagay ko sa bulsa ko 'yong susi. Sabagay, maganda ang taste ni Marky sa mga kotse kaya for sure, magugustuhan ko rin 'yon.

"Thank you, ah." Ang sarcastic ng pagkakasabi niya. Haha, gago talaga. Sinilip ko sina Mom, tinawag nila ako.

"Sige, guys. Do'n muna ako sa parents ko. May naka-reserve nang table para sa inyo ro'n."

Pagpunta ko kina Mom and Dad, may ipinakilala agad sila sa 'king business partner namin sa LA. Ngumiti lang ako sa kanila, alam ko namang ako 'yong magmamana ng business namin pero ayoko pang magseryoso dahil nag-e-enjoy pa ako sa buhay ko. Young, wild, and free pa ako, e.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon