48: Her Answer

3.3M 79.2K 48K
                                    

CANDICE

Panaginip lang 'to, 'di ba? Hindi naman 'to totoo, 'di ba? Kaso totoo, e. Totoo lahat ng nangyayari ngayon. Damang-dama ko, e.

Teka nga, ano nga ulit ang nangyayari?

Sinabi bi Jeydon na gusto niya ako. Ibig sabihin, ako 'yong gusto ni Jeydon? Ako 'yong sinasabi niya noon pa lang sa Tagaytay na babaeng gusto niya. Kaso tama ba ako? Si Jeydon?

Si Jeydon na walang alam kundi asarin at inisin ako. Si Jeydon na hari ng school. Si Jeydon na habulin ng mga babae. Si Jeydon na gwapo at mayaman. Si Jeydon na 'yong mga tipo ay hot, sexy chicks. Si Jeydon...

"Candice..."

Nakayakap pa rin siya sa 'kin. Sa totoo lang, bumilis 'yong tibok ng puso ko noong niyakap niya ako. Feeling ko, nag-slow-motion na naman 'yong mundo ko, e. Pakiramdam ko, kaming dalawa lang 'yong tao roon. Kada magkalapit kaming dalawa, palaging ganoon 'yong nararamdaman ko. Kagaya lang noong nag-kiss kami sa may secret house.

"Gusto mo ako? Ako? Pero bakit—"

Nalito ako, naguluhan. Maniniwala ba ako sa kanya? O baka naman pinagti-trip-an niya lang ako? Siguro iinisin na naman niya ako. O baka naman lasing lang siya kaya kung anu-anong nasabi niya?

Bumitiw na siya sa pagkakayakap niya sa 'kin. Hays, buti naman. Mawawalan na ako ng hangin, e. Kaso tinitigan niya naman ako sa mata. 'Yong mga tingin niya, mukhang seryoso siya. Mukhang totoo talaga lahat ng sinabi niya.

"Oo, ikaw. Gusto kita, Candice."

"Ano bang nangyayari sa 'yo? Lasing ka ba? Pinagti-trip-an mo na naman ako, 'no?" Umiwas ako ng tingin sa kanya, parang nailang kasi ako, e. Hinawakan niya nang mahigpit 'yong kamay ko.

"Seryoso ako, gusto kita."

Gusto nga niya talaga ako. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Sa tingin pa lang niya, halatang seryoso nga talaga siya. Gusto nga ako ni Jeydon. Bakit hindi ko man lang napansin? Gano'n ba ako kamanhid?

"Bakit ako? Marami namang babae riyan, e."

"Sabibin na lang nating maraming isda sa dagat, pero para sa 'kin, ikaw 'yong Nemo ko." Ngumiti siya sa 'kin.

Waaaah! Ano bang sinasabi niya? Ano raw 'yon? Ako 'yong Nemo niya? Ano ako, isda? Pero feeling ko, namula 'yong pisngi ko. Kinilig ba ako sa sinabi niya? Noon ko pa lang nakita 'yong side ni Jeydon na ganoon.

"Ano, wala ka man lang sasabihin? Tss, pinapahiya mo na naman ako." Umiwas siya ng tingin. Feeling ko, nahiya siya. E, ano naman ba kasing sasabihin ko? Nagulat kasi ako sa sinabi niya. Kahit kailan, hindi ko naisip na magkakagusto siya sa 'kin. Huhu! Ano bang sasabihin ko kasi? Ano bang dapat kong sabihin?

"Uhm... ano... kasi... nakakagulat ka naman, e. Kasi, kung totoong gusto mo talaga ako, bakit hindi ko man lang napansin?"

"Paano mo mapapansing gusto kita kung lahat ng atensyon mo, nakay Marky?"

Ouch. Natamaan ako ro'n. Gano'n na nga ba talaga ako kamanhid? Lahat nga ba ng atensyon ko, nakay Marky kaya hindi ko man lang napansing may gusto na pala sa 'kin si Jeydon? E, sino ba kasing baliw 'yong makakaisip na magkakagusto siya sa 'kin? Hindi naman ako 'yong type niya. Ano nang gagawin ko?

"Sorry..."

'Yon na lang ang kaya kong sabihin, e. Alangan namang sabihin kong, Oo, Jeydon, gusto rin kita. Alam kong hindi ko naman siya gusto, e. Kaso kapag tinatanong ko sa sarili ko kung gusto ko siya, hindi ko diretsong masabing hindi. Hindi tuloy ako sigurado. Hindi ko alam kung gusto ko siya o hindi.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon