47: Jeydon's Revelation

3.7M 95.4K 66.2K
                                    

JEYDON

Sabi nila, hot and sexy daw 'yong tipo ko sa isang babae. 'Yong mga kagaya ni Stacey. Sabi lang nila 'yon...

'Yong babaeng gusto ko?

'Yong babaeng hindi uso ang suklay sa kanya. 'Yong babaeng walang pakialam sa hitsura niya. 'Yong babaeng walang pakialam sa sinasabi ng iba. 'Yong babaeng walang ka arte-arte sa katawan.

'Yong babaeng pinapasaya ako tuwing naaasar siya sa 'kin. 'Yong babaeng pinapasaya ako kada naiinis siya mga pang-aasar ko. 'Yong babaeng pinapasaya ako kahit wala pa siyang ginagawa. 'Yong feeling ko, hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko nakikita 'yong mukha niya. 'Yong babaeng simple lang pero malakas ang dating. 'Yong hindi na kailangang mag-makeup para gumanda. 'Yong babaeng ngiti pa lang, pamatay na. 'Yong babaeng nagpapabilis ng pagtibok ng puso ko. 'Yong babaeng nagpapa-slow-motion ng mundo ko. 'Yong babaeng sobrang hirap makuha.

'Yong babaeng tawagin na lang nating Candice.



"Jeydon, partner tayo! Partner tayo!" sabi no'ng batang lalaki kong classmate.

"Ayoko sa 'yo! Ang pangit mo, e. Get away from me!" Nairita ako sa kanya, ayaw ko kasi sa mga pangit, pero makulit talaga 'yong batang lalaki.

"Please... Partner na tayo! Partner! Partner!"

Nairita na ako. "Get away from me. Teacher!"

Lumapit naman sa 'min 'yong teacher. Pati sina Troy at Marky lumapit din.

"What's wrong, Jeydon?"

"He's annoying me, teacher! Ang pangit niya!"

Wala namang nagawa 'yong teacher namin kundi ilayo 'yong batang lalaki. Kami kasi 'yong may-ari ng school kaya ayaw niya sigurong matanggal siya nang hindi oras.

"Lucas, tara do'n na lang tayo." Inilayo na lang ng teacher si Lucas. Wala nang nagawa si Lucas kundi umiyak. Gusto niya kasi talagang akong maging kaibigan pero wala rin siyang nagawa. What Jeydon wants, Jeydon gets.

"Jaydee, bakla ba 'yong classmate natin? Bakit lapit siya nang lapit sa 'yo?" tanong sa 'kin ni Troy.

"I don't know. And I don't care, ang pangit niya, e." Tinuloy ko na lang 'yong pag-drawing ko sa pusa, pusang robot na si Doraemon.

"Huli ka! Si Doraemon na naman ang ginagawa mo?" Ang laki ng ngiti ni Marky.

"E, sa gusto ko si Doraemon, e!"

"Sasabihin ko 'yan kay Kuya Charles! Si Jeydon, gusto si Doraemon! Si Jeydon, gusto si Doraemon!"

Nainis naman ako sa ginawa ni Troy kaya umalis na lang ako ro'n.

Nag-drawing ako isang table malayo sa dalawa kong best friend. Tuwang-tuwa ako sa drawing ko. Balak kong ipakita 'yon kina Daddy at Mommy. Gustung-gusto ko kasi 'yong mga pusa pati si Doraemon.

Noong kinukulayan ko na si Doraemon, biglang lumagpas 'yong kulay dahil sa tawang narinig ko. Pagkalingon ko, nakita ko si Lucas kasama 'yong batang babae. Sa inis ko, lumapit ako sa dalawa.

"Hoy, mga pangit! Huwag nga kayong maingay!" Nakita ko 'yong takot na mukha ni Lucas.

Humarap naman sa 'kin 'yong batang babae. "May problema ka ba sa 'min? Hindi naman kami pangit, e."

Hindi ako kaagad nakapagsalita kasi nagandahan ako ro'n sa batang babae. Sa hindi malamang dahilan, bumilis 'yong tibok ng puso ko. Noon pa lang nangyari sa 'kin 'yon.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon