40: Turning tables

3.3M 92.8K 30.3K
                                    

Pagpasok ko sa room ng Section Eleven ang iingay nila. Batuhan ng papel do'n, habulan do'n, 'yong iba naman, nagbabaraha pa. Last section nga talaga, o. Napahinto naman sila noong nakita nila ako.

"Uy, Candice!"

"Hello."

"Okay ka lang, Candice? Bakit namumula 'yang pisngi mo? May umaway ba sa 'yo?" sabi ni Six.

"Ha? Wala... wala lang 'yan."

Nginitian ko na lang sila tsaka ako dumiretso sa upuan ko sa likod. Nahalata nila agad 'yon? Amp! Gano'n ba bumakat 'yong kamay ni Stacey sa mukha ko? Kinuha ko 'yong salamin ko tapos tiningnan ko 'yong hitsura ko. Namumula nga 'yong pisngi ko. Huhu! Ang lakas kasi ng sampal ni Stacey, e.

"Yo!"

Napalingon agad ako sa likod ko. Nakita ko 'yong dalawang mag-best friend, si Troy tsaka si Jeydon. Parang kinabahan ako noong nakita ko si Jeydon, ewan ko ba. Tinakpan ko na lang ng buhok ko 'yong kanang pisngi ko para hindi nila mapansin 'yong sampal sa 'kin ni Stacey.

"Grabe, Jaydee, ang ganda no'ng babae kanina, 'no? Sexy pa."

Napatingin ako bigla kay Troy. Tss, basta maganda at seksing babae talaga, bukas na bukas ang mga mata niya, e, 'no? May pa loyal-loyal pa siyang nalalaman, ah.

"Tss. Pangit. Parang 'yong katabi mo lang ngayon."

Katabi ni Troy? Teka lang, ah... Ako 'yon, ah. Loko talagang Doraemon 'yon, ako na naman ang nakita! Hindi ko na nga pala siya kakausapin. Tiningnan ko na lang siya nang masama.

"Candice, tahimik ka yata?"

"Ha? Hindi, ah. Nakikinig lang ako sa inyo. Dinig ka dinig ko 'yong mga pinagsasabi mo, e. Ang hilig mo talaga sa babae, 'no?"

"Uy, grabe! Hindi, ah! Ang ganda lang kasi no'n tsaka ang sexy pa."

"Haha! Alam mo, Troy, inggit lang 'yang si Betty kasi pangit na nga, flat-chested pa siya."

Hindi ako flat-chested! Anak ng siopao! Nang-iinis na naman 'yong abnormal na 'yon. Pasalamat siya hindi ko na siya kakausapin kundi, kanina ko pa siya sinigawan. Mahirap din palang i-snob-in si Jeydon lalo kapag nang-aasar.

"Hala, bakit hindi yata nagre-react si Candice sa mga pang-aasar mo ngayon, Jaydee?"

"Malay ko... Ah! Alam ko na!" Napatingin ako sa kanya. Nakangisi naman siya sa 'kin. Ano naman 'yon? Alam ba niya 'yong nangyari sa 'min ni Stacey kanina?

"Ano 'yon?"

"Nahihiya siguro siya sa 'kin kasi binigay ko sa kanya 'yong papel ko sa math. Wala kasi siyang sagot, e. Haha! Samantalang ako, ang dami."

Ang kapal! Hindi ko naman hiningi 'yon, e! Binigay niya kaya! Tsaka wala lang talaga akong review kaya wala akong sagot. Argh! Tsaka siya lang naman ang nagpumilit na ibigay 'yon sa 'kin, e.

"Talaga? 'Yong valedictorian ng school natin, walang sagot sa math? At ang matindi pa ro'n, si Jeydon, meron!"

Nakatingin silang dalawa sa 'kin. Parang ewan lang 'yong ngiti nilang dalawa, nang-aasar. Nagpigil lang akong sigawan sila. Kasi naman, e! Sabi ko, hindi ko na papansinin si Jeydon para wala nang gulo, pero shete naman, o!

Ang hirap.

"Candice? Ano bang problema mo? Bakit ang tahimik mo, ha? Hindi ako sanay na hindi kayo nagsasagutan ni Jaydee, e."

"Wala akong problema. Baka ikaw, may problema riyan?" Naman kasi, Troy, e! Huwag mo na lang pansinin. Nahihirapan na nga akong hindi patulan 'yang Jeydon na 'yan. Baka isipin pa niyang kaya na niya ako ngayon.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon