83: The player (Marky's special chap)

2.3M 57.3K 11.3K
                                    

MARKY

Kumatok ako sa kwarto nila. Nakita ko si Candice na kasama si Jeydon kaya sigurado akong mag-isa lang si Ginny.

"Sino 'yan?"

Ang weird talaga, nagandahan ako sa boses niya. Parang anghel lang na nagsalita.

"Ako 'to, Ginny. Si Marky."

Matagal-tagal din niya bago nabuksan 'yong pintuan. Medyo nag-alala nga ako, akala ko kung ano nang nangyari sa kanya. Nakahinga naman na ako noong binuksan niya 'yong pintuan. Maaliwalas 'yong mukha niya at mukha siyang masaya.

"Anong ginagawa mo rito? Hindi ka ba mamamasyal?"

"Ayokong mamasyal nang mag-isa, ayokong magmukhang lonely, e. Kawawa naman 'yong kagwapuhan ko, 'di ba?" Natawa na lang kaming pareho. Ang sarap tingnang masaya siya. "Pwede bang samahan mo ako?"

Ngumiti lang siya nang malumanay.

"Ayaw mo ba akong kasama?" tanong ko.

"Hindi sa gano'n. Baka kasi hindi mo rin ma-enjoy 'yong pamamasyal mo kasi kasama mo ako." Hinawakan ko 'yong kamay niya.

"Alagain pa ako. okay na ako rito sa kwartong 'to. Kita naman dito 'yong dagat, e."

Okay lang naman sa 'kin kahit alagaan ko siya, e. "Do'n nga ako mag-e-enjoy, e, kapag kasama ka."

Nilayo niya 'yong mukha niya sa'kin. Namula siguro siya kaya niya itinago sa 'kin 'yong mukha niya. Haha! Ang cute niya talaga.

"Sige na, please?"

"Sige na nga. Basta huwag mo akong sisihin kapag hindi ka nag-enjoy, ah." Ngumiti na rin siya nang malapad. Ang amo-amo ng mukha niya. Damn, gustung-gusto ko siyang tingnan. "Marky, bakit?"

"Ha?"

"Bakit ka nakatingin sa 'kin? May dumi ba sa mukha ko?"

"Ang ganda-ganda mo lang kasi kaya napatitig ako."

This time, hindi na niya naitago sa 'kin 'yong pamumula ng pisngi niya.

"Ganyan ka ba magpa-in love ng isang babae? Napakabolero mo talaga. Hindi naman ako maganda."

Ouch naman. Ibig bang sabihin, iniisip niyang chickboy ako? Kasalanan ko bang maraming nagkakagusto sa 'king babae? Isa pa, maganda naman talaga siya, e.

"Sige, kukunin ko lang 'yong jacket ko."

Bago pa siya makalayo, hinawakan ko 'yong kamay niya. "Seryoso ako, ang ganda mo."

Ngumiti lang siya sa 'kin. Siya 'yong unang babaeng nakilala ko na napakainosente. Hindi man lang niya alam kung gaano siya kaganda.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya.

Hinawakan ko 'yong kamay niya kahit medyo nailang siya. Ayokong malayo siya sa 'kin.

"Sa tabing-dagat. Makakabuti sa 'yo 'yong hangin mula sa dagat." Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya habang naglalakad kami papuntang beach. "Humawak ka lang sa kamay ko, Ginny."

Habang naglalakad kami, may babaeng naka-shades 'yong pumunta sa harapan ko. "Uy, Marky? Is that you na?" Unti-unti niyang tinanggal 'yong salamin niya.

Takte! Siya na ba 'yan? "Loreena?" Ang tagal ko na siyang hindi nakita. Ang pinakakasundo ko sa lahat ng mga pinsan ko. "Ikaw na ba 'yan?" Grabe, ang laki na yata ng pinagbago niya.

"Yes, it's me, Loreena Antonio. Cous, gwapo ka pa rin, ah."

Alam ko na 'yon, 'insan. Gandang lahi tayo, e. Wahaha!

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon