Chapter 31: Pre pageant

3.6M 76.5K 51.1K
                                    


Nabingi ako sa sigaw ng mga tao.

Totoo ba 'to? Nag chi-cheer sila sa 'kin? Tsaka bakit nandito na 'yong buong Section Eleven? Akala ko ba, magco-community service sila? Namamalikmata lang ba ako?

"Go, Candice!"

Uhm, okay, hindi ako namamalikmata. Nandito nga sila.

Kasi naman, grabeng mag-cheer si Troy, e. Abot yata hanggang kabilang school 'yong sigaw niya. Medyo nawala naman 'yong kaba ko noong nakita ko sila. Buti na lang talaga dumating sila kundi, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hays.

After kong maka-recover sa nakakagulat na pangyayaring 'yon, pumunta ako sa tapat ng microphone. Kaya mo 'yan, Candice! Hinga muna nang malalim. Go! Fighting!

"I'm Candice Gonzales. Fouth year representative of Section Eleven. And I believe that everything has beauty, but not everyone sees it."

Eee! Tama ba ang sinabi ko? Tahimik silang lahat, e. Huhu! Nag-smile naman ako pagkatapos kong magpakilala.

"Wooo! Ang galing mo, Candice!"

"Ang ganda ng sinabi mo!"

"Go, Number 19!"

Biglang nag-ingay na naman 'yong mga tao. Grabe, para akong nabingi. Tapos ang lakas pa ng sigaw ng Section Eleven. Pasimuno pa si Troy. Psh! Kung may award lang ng Best Supporter, sila na 'yong panalo. Sila na!

"Wow! Ang daming supporters ni candidate number 19. Thank you for that, and you can now join the rest of the candidates."

Tumabi ako kay Margot. Hays, buti na lang nairaos ko 'yong introduction nang maayos. Akala ko magkakalat ako, e. Habang may sinasabi 'yong dalawang emcee, tiningnan ko 'yong audience.

Nakita ko naman agad si Kuya Charles kaso nakatingin lang siya sa iPad niya. Huhu! Yah! Oppa! Are you still mad at me? Mag-cheer ka naman sa 'kin! Huhu!

Napasimangot ako. Katabi naman ni Kuya Charles si Marky. At take note, nakatingin siya sa 'kin. Enebe? Hehe, kinikilig ako, e. Noong nagkasalubong 'yong mga mata namin, nag-okay sign siya. Tapos ngumiti siya sa 'kin. Ngumiti lang din ako sa kanya. Tapos bigla siyang tumingin sa kanan ko. Napatingin din ako ro'n at nakita ko si Abby na ang sama ng tingin sa 'kin. Waaaah! Anong ginawa ko? Parang kakainin niya ako nang buhay.

Inalis ko na lang 'yong tingin ko sa kanya. Napatingin ako sa Section One. May banner din sila, nakalagay "Go, Margot!" Nakita ko rin 'yong Powerpuff Girls na nakataas 'yong kilay sa 'kin. Bakit ako na naman? Ano na naman bang ginawa ko? Why is everybody mad at me? Wala naman akong ginagawa, ah. Huhu.

Inalis ko na 'yong tingin ko sa kanila. Bahala sila. Mas mabuti pa sa Section Eleven na lang ako tumingin. Paglingon ko pa lang sa area nila, napansin ko na agad 'yong banners na ginawa nila.

Go, Candice!

Candice, you're the BEST!

We love you, Candice!

Eee. Ang sweet naman nila, pwedeng maiyak? Hehe. Ang cute ng mga gawa nila. May hawak pang pom-poms 'yong ibang Badburn. Naka-thumbs up lang sa 'kin sina Sir Jason pati si Troy. Kumaway lang ako sa kanila. Yah! Thank you, guys. I'm so touched.

"Okay! Next up, we will see the candidates in their gorgeous dresses, but before that, here's a dance number from the juniors."

In-assist kami ng isang organizer papuntang backstage. Hays, salamat at nakapag-break muna kami. Nakahinga ako kahit papaano.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon