Chapter 10: Dougie King

3.6M 73.1K 29.8K
                                    



"Betty!"

Lumingon ako. Alam kong siya 'yon. Bad trip talaga.
"Tara! Hinihintay ka na ni Charles!" sabi ni Troy.

Nakita ko si Marky sa likod ng sasakyan pero ewan ko ba, umiwas ako ng tingin. "Ha? Hinihintay?"

"Sabi ko, hinihintay ka na ni Charles. 'Di ba, pupuntahan mo siya? Sabay ka na!"

"Dali na! Sayang ka sa gas!"

Yabang talaga ni Jeydon, ang yaman-yaman naman niya, e.

"Okay." Okay na rin 'yon para makita ko si Kuya.

"Doon ka na sa likod. Ayaw kitang katabi, e," sigaw ni Jeydon.

"Ayaw rin kitang katabi! Excuse me!"

Binuksan ko 'yong pinto sa likod at pagkakita ko kay Marky, biglang bumilis 'yong tibok ng puso ko. Ang gwapo niya talaga. Kahit na may kahalikan pa siya kanina, hindi nagbago 'yong katotohanang gusto ko siya.

"Hi, Candice!"

Binati niya ba ako?

"Nakakatawa ka talaga."

Nakakatawa ako?

Tumawa na lang ako. Gusto kong sampalin 'yong sarili ko. Ano bang ginawa ko? Nakakahiya.

Nakita ko si Jeydon sa rearview mirror, nakatingin sa 'kin nang seryoso. Noong nakita niyang nakatingin ako, bigla siyang umiwas ng tingin. Ano na naman kayang binabalak niya?

After 30 minutes, dumating na kami sa bahay ni Marky. Pababa na ako ng kotse pero hinawakan ni Marky 'yong pinto para makalabas ako. Ngumiti lang ako sa kanya at ngumiti naman siya sa 'kin. Feeling ko tuloy, matutunaw ako. Ang gentleman niya talaga.

Pagpasok namin sa loob ng bahay nila, sumalubong agad sa 'min si Kuya Charles.

"Candice! Ano, nakagawa ka ba ng dahilan kay Mama?"

"Malamang! Kung hindi, sinugod ka na ni Mama rito!"

"Charles, parang sinasabi ni Candice na ang stupid mo," banat ni Troy kaya nagtawanan silang lahat. Sinamaan tuloy ako ng tingin ni Kuya.

"Shut up, Troy! Dali, practice na tayo! Uuwi na ako mamaya, baka magalit pa 'yong si Mama, e. Wala kasi akong tiwala sa palusot ng good girl kong kapatid!"

"Sige. Tara, Candice, pasok," pag-aya ni Marky.
Tinago ko lang 'yong sayang naramdaman ko. Masaya akong makasama si Marky.

Bago sila mag-practice, nag-usap muna kami ni Kuya Charles.

"Kuya, pwede bang huwag ka nang makipag-away?
"Bakit ba, Candice? What's the big deal?"

"Alam mo bang kanina, muntik na akong saktan ni Brandon kasi ayokong sabihin kung nasaan ka."

"Ano?!" Kitang-kita ko 'yong galit ni Kuya.

Sobrang protective niya sa 'kin kaya nga walang makapam-bully sa 'kin sa school maliban do'n sa tatlo niyang tropa. Kahit hindi halata, ayaw ni Kuya na nalalagay ako sa pahamak. May sarili nang pamilya 'yong papa namin kaya siguro para sa kanya, siya na 'yong tumayong tatay sa 'kin.

"Kuya, easy ka lang. Dumating naman si Jeydon, e."

"Paano na lang kung wala siya roon? Gago 'yon, ah!" Tumayo siya.

"Saan ka pupunta?" Pinigilan ko siyang umalis, masama ang kutob ko sa kanya.

"Uupakan ko lang 'yong Brandon na 'yon!"

"Kuya, huwag na!" Hinawakan ko nang mahigpit 'yong braso ni Kuya. "Kuya, please!"

Naiiyak na ako.

"Ayoko nang magasgasan 'yang gwapo mong mukha. Kuya, please, hayaan mo na. Uuwi ka na mamaya, 'di ba? 'Pag nagkapasa ka, hindi ka na naman makakauwi. Miss na kita, e. Wala akong maasar."

Pinahid ko 'yong mga luha ko. Totoo naman, e. Miss ko na agad si Kuya.

"Huwag ka na ngang umiyak. Sige, hindi na ako makikipag-away pero kapag may ginawa pa siya ulit, hindi ko na 'yon papalagpasin!"

"Thank you, Kuya!" Niyakap ko si Kuya tapos ginulo naman niya 'yong buhok ko. Kuya ko talaga, ang sweet kahit na lagi akong inaasar.

"Yuck! Anong ka-emo-han 'yan?"

Umalis agad ako sa pagkakayakap ko kay Kuya nang makita ko si Jeydon.

"Ganyan talaga kapag gwapo, sweet sa kapatid."

Tumawa si Kuya tapos umalis.

Sumunod lang ako kina Kuya. Nag-form sila ng line. Sasayaw sila ng "Teach Me How to Dougie."

Noong unang beat pa lang ng kanta, biglang naghubad si Jeydon. Sobrang nanlaki 'yong mata ko nang makita ko 'yong katawan ni Jeydon. Pwede na akong maglaway kaso biglang bumalik sa utak ko na si Jeydon pa rin pala 'yon. Yuck! Nasabi ko bang sexy siya?!

Habang bumababa sa katawan niya 'yong pawis, parang gusto kong pahirin 'yon. Nababaliw na yata ako. I couldn't deny that he was so damn hot when he danced. Sobrang sexy lang at ang angas niyang gumalaw. Alam mo 'yon? May dating.

"Tumutulo na ang laway mo."

Pinunasan ko 'yong bibig ko. Narinig ko 'yong tawa ni Troy.

"What the?!"

"Sabi na nga ba, e! May gusto ka kay Jeydon!"

"Wala, 'no?"

"Kaya pala naglalaway ka!"

"Hindi 'yan totoo!"

Biglang napatingin sa 'min si Jeydon habang sumasayaw.

What the hell? Biglang bumilis 'yong tibok ng puso ko.

"Bahala ka kung ayaw mong aminin."

Hindi ko na lang pinansin si Troy kahit minsan tumitingin siya sa 'kin, 'yong tinging pang-asar. Kahit ilang beses niya akong asarin kay Jeydon, hindi ako magkakagusto sa mokong na 'yon. Si Marky ang gusto ko.

***

Atat agad umuwi si Kuya kaya nagpahatid na kami kay Marky. Wala pang fifteen minutes, nasa bahay na kami.

"Tara na, Manang!" Bumalik na naman 'yong mapang-asar kong kapatid pero masaya akong nakauwi na siya.

Bumaba na ako agad. 'Yong dalawang unggoy, tulog. Napagod yata. 'Yan kasi, ang hyper nila kakaasar sa 'kin.

Pagpasok ko pa lang, narinig ko na agad si Mama na sinisigawan si Kuya at ang nakakatawa, kaya siya pinagalitan kasi baka naging istorbo raw siya kina Marky. Hay, Mama, kung alam mo lang.

"Anak, buti napapayag mo 'yong kuya mo na umuwi na!"

"Siya na ang nag-insist, Mama. Miss ka na raw niya, e." Kinindatan ko si Kuya.

"Tama, Mama. Miss ko na rin kasing asarin si Manang, e!"

"Ah, gano'n?" Sinipa ko nga 'yong paa niya. Ayan, buti nga sa kanya. Gangster ka pala, ha?

"Hoy, halika nga rito, Manang!"

Tumakbo agad ako sa kwarto ko tapos sinara ko agad 'yong pinto. Grabe, parang hindi ako makahinga, nakakatawa si Kuya. Humiga muna ako sa kama ko.

Pinatugtog ko 'yong "Teach Me How to Dougie" sa iPod ko.

Naalala ko tuloy si Jeydon. Ang gwapo niya, ang sexy niya, ang hot niyang sumayaw. Napatayo agad ako sa kama ko. Bakit ko ba siya naiisip? Hindi ko naman siya gusto, e. Bad trip! Makalabas na nga lang.
Naglakad-lakad lang ako sa labas ng subdivision namin. Nakita ko si Troy sa tapat ng isang bahay.

"Troy!"

Ay, bingi. Hindi niya ako narinig.

"Troy?" Nanlaki 'yong mga mata ko.

Bakit niya hinalikan 'yong matandang babae?

➖➖➖

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon