56: Bet

2.7M 62.3K 21.8K
                                    

TIFFANY

Ang sarap naman ng tulog ko. Ang bango ng unan ko at ang lambot-lambot pa ng kama. Kaso parang naamoy ko 'yong pabango ni Troy. Kailan pa ba naging pabango ni Troy 'yong pabango ng kama ko?

Napamulagat ako nang gising.

Waaaa! Hindi ko 'to kama! Nasaan na ako? Nasa heaven na ba ako? Huhu! Bata pa ako tsaka hindi pa ako napapansin ni Troy! Teka lang. Alam ko kagabi, hinatid ko si Troy sa bahay nila tapos pinalitan ko siya ng damit, tapos sinamahan ko siya kagabi tapos nakatulog na yata ako.

Tiningnan ko ka agad 'yong buong kwarto. OMG! Nasa kwarto niya ako? Dito yata ako natulog buong gabi, pero rito sa kama niya? Waaaaa! Magkatabi kaya kaming dalawa kagabi? Huhu, kung magkatabi nga kami, ang malas ko kasi wala man lang akong kaalam-alam. Hindi ko man lang nadamang katabi ko siya. E di, sana nayakap ko pa siya. Wahaha! Napasimangot na lang ako.

"Gising ka na pala."

"Ah, ano... oo... Dito ba ako natulog sa kama mo?"

"Oo, diyan ka natulog. Magkatabi tayo pero wala naman akong ginawa sa 'yo kaya relax ka lang diyan."

Shucks! Huhu, magkatabi nga kami.

Humarap siya sa salamin tapos... Waaa! Naghubad siya ng shirt. OMG! Aatakihin yata ako sa puso. Overexposed 'yong katawan ni Troy. Wala siyang suot na shirt, tapos naka-shorts lang siya. Huhu! Bigla tuloy bumilis 'yong tibok ng puso ko. Troy, bakit ka ganyan? Bakit mo ako inaakit? Shems naman, hindi ko tuloy napigilang mapatingin sa katawan niya, ang macho niya kasi, e.

"Baka matunaw 'yong abs ko niyan."

Bigla kong inalis 'yong tingin ko sa katawan niya. Nakakahiya! Nakita niya akong naglalaway sa hot niyang katawan. Feeling ko tuloy, namula 'yong buong mukha ko sa kahihiyan.

"Ah... kasi naman... ba-bakit wa-wala kang damit?" Hindi pa rin ako makatingin sa kanya, nautal-utal pa ako.

"Kwarto ko naman 'to, ah. Kahit maghubad ako, ayos lang. Feeling ko nga, gusto mo akong maghubad, e." Hala! Ang bad niya! Huhu, ano ba kasing nasa isip niya.

"May babae ka kayang kasama!"

Lumapit siya sa 'kin, malapit na malapit. Ayoko na! Huhu, hindi ko na 'to kaya.

"Ano naman?"

Napatingin ako sa mga mata niya tapos kinindatan niya ako. 'Yong pamatay na kindat niya na nagpa-in love sa maraming babae kagaya ko. Habang nakatingin pa rin ako sa kanya, lalo niyang inilapit sa 'kin 'yong mukha niya, palapit na nang palalit. Waaaa! Hahalikan ba niya ako? Siguro? Haha! Pipikit na nga lang ako...

Tumawa siya bigla tapos ginulo niya 'yong buhok ko. "Ang cute mo talaga, Tiffany."

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi naman pala niya ako hahalikan, pumikit-pikit pa ako! Nakakainis na talaga, ilang beses na akong napahiya sa harap niya! Kama, kainin mo na ako, ngayon na! Huhu.

"Tara, breakfast tayo."

Kumuha siya ng shirt sa closet niya tapos inabot niya sa 'kin 'yong kamay niya. Kahit nahihiya pa rin ako, hinawakan ko 'yong kamay niya tapos tumayo ako mula sa kama niya.

Malaki rin 'yong bahay nina Troy, ang daming painting tsaka pictures. Marami rin silang maid. Pagdating namin sa dining area, may babaeng nakaupo sa dulo ng table. Mommy niya siguro 'yon.

"Good morning, Mom."

Napalingon agad 'yong mommy niya sa 'min. Tiningnan niya ako agad, kinabahan ako nang bongga. Baka mamaya, tarayan niya ako. Sino ba naman kasing matinong babae ang makikitulog sa bahay ng isang lalaki?

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon