Chapter 30: Preparation

3.1M 65.5K 17.5K
                                    



Pagkapasok ko pa lang sa school, nagkalat na agad 'yong mga estudyante.

Wala pa namang lunch, ah? Ano kayang meron? Nagsimula na kaya 'yong pre-pageant? Lagot ako nito.

Pumunta akong room ng Section One. Nakita ko 'yong classmates kong busyng-busy. Inayusan nila si Margot. Wala na ba kaming math class? Haist, na-late lang ako ng apat na subject wala na akong kaalam-alam. Pinuntahan ko na lang si Sir Jason.
"Hoy, Candice! Bakit nandito ka? I thought representative ka ng Section Eleven? Tsaka bakit wala ka kanina?"

Aalis na nga sana ako, e, kaso napansin mo pa ako.

"Absent siya sa apat na subjects kanina, Bubbles," singit naman ni Anne.

"Ah, bakit? Nag-prepare ka pa ba para sa pre-pageant?"

Ako, nag-prepare? Bitch, please. Hindi ko nga alam 'yong salitang prepare sa oras na 'to, e.

"Anong oras ba 'yong pre-pageant?"

"Isang oras na lang. Hindi ka pa ba maghahanda? Bakit, confident ka na bang mananalo ka? Eww! As if mapapasama ka sa Magic 8!" mataray pang sinabi ni Blossom.

"Ah. Sige, ah. Bye." Hindi na lang ako nakipagtalo sa Powerpuff Girls. Isang oras? Sheteng kalabaw! Makakapag-prepare pa kaya ako no'n?

Nang dumaan ako sa rooms ng ibang candidates, lahat sila, naghahanda na. E, ako, kumusta naman? Hindi ko nga alam kung may damit ako para mamaya, e. Hindi ko kasi nadala 'yong mga damit na binigay sa 'kin ni Ate Jaycee kahapon. Hindi pa kami nakapag-ready ni Mama sa mga gagawin ko mamaya. Patay na talaga ako. Baka mapahiya lang ako.

Habang tumatakbo ako papunta sa room namin, biglang may humawak sa braso ko.

"Candice..."

"M-Marky?"

Hinawakan niya 'yong mukha ko. 'Yong right cheek ko. Medyo sumakit noong hinawakan niya kaya napaatras ako. Inalis naman niya agad 'yong kamay niya tapos tumingin siya sa 'kin. Mukhang nag-aalala siya. Alam na siguro niya 'yong nangyari kahapon?

"Nakwento na sa 'kin ni Troy ang lahat. Sorry, wala akong nagawa... Masakit pa rin ba?"

"Okay lang, 'no? Huwag kang mag-alala kasi okay na ako. Thanks." Hindi ako makatingin sa kanya nang diretso. Natutunaw kasi ako kapag tumitingin ako sa mga mata niya. Seryoso.

"Candice!"

Napalingon kaming dalawa ni Marky kay Troy. Tumakbo siya papunta sa 'min.

"Bakit pumasok ka na? Okay ka na ba, ha?" Hinawakan niya ang balikat ko. Mukha rin siyang nag-aalala sa 'kin.

"Oo, okay na ako. Malayo 'to sa bituka."

"Ah, buti naman. Teka, sasali ka pa rin ba sa pageant? Isang oras na lang, magsisimula na 'yon." Ay, nawala sa isip ko. Si Marky kasi kinausap ako, e. "Oo nga pala!" Tumalikod muna ako kay Troy tapos hinarap ko si Marky. "Marky, sige, ah!"

"Sige, good luck, Candice. See you later." Lumapit siya sa tenga ko tapos may binulong siya sa 'kin. "Marami pa tayong pag-uusapan," sabay kindat sa 'kin.

Waaah! Pwede na bang mahimatay? As in now na?

Ngumiti pa siya sa'kin. Parang gusto ko nang matunaw, bakit kasi ang gwapo niya? Hays.

"Sige, Troy, ikaw na ang bahala kay Candice, balik na rin ako sa room."

"Sige, p're."

Pagkaalis ni Marky, pumunta na rin kami sa room ng Section Eleven. Hindi maalis-alis sa mukha ko 'yong ngiti.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon