41: Fridate

3.5M 86.7K 45.8K
                                    

Nakakapanibago talaga. Kapag titingin ako kina Blossom nakangiti sila sa 'kin pero halata ko namang pekeng ngiti lang 'yon, e. Mas okay na rin kesa lagi nila akong tinatarayan. Ano kayang nangyari kay Stacey? Bakit kaya bumait siya sa 'kin bigla? Nakakapagtaka tuloy.

"Okay, class dismissed."

Lunch time. Makapunta nga ng Music Hall. Nandoon na kaya si Marky?

Paglabas ko ng room, nakita ko sina Stacey.

"Hi, Candice! Tara, punta na tayong canteen! Nando'n na 'yong apat sa tambayan nila." Apat? So nando'n si Marky? Hindi siya pumuntang Music Hall?

"Ah... okay."

"Girls, sorry pero hindi kayo makakasama. Alam n'yo namang hindi basta-basta pwedeng tumambay ro'n. I'll see you later na lang sa practice."

Sumimangot sila kay Stacey pero wala na rin silang nagawa.

"Tara, Candice?"

"Sige."

Hindi talaga ako sanay. Biruin mo, kasama ko 'yong Queen Bee ng school. 'Yong sikat na si Stacey Chua. Awkward nga, e. Okay sa 'kin na hindi kami magkaaway pero ayoko siyang maging kaibigan. Hindi sa choosy ako pero hindi pa rin maalis sa isip ko 'yong pagiging bitch niya.

"Hi, guys!"

Lahat sila napatingin sa 'min.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Troy! Isang buwan pa lang akong hindi tumambay rito, so bawal na ako?" Tumabi siya kay Jeydon. "Hi, baby!"

Hindi pinansin ni Jeydon si Stacey kasi busy siyang mag-iPad. Tiningnan ko si Kuya Charles, ang sama ng tingin sa 'kin, hala! Anong problema niya? Tumabi na lang ako kay Marky. Inalok naman niya ako agad ng burger. Tumabi rin sa 'kin si Troy, nakasimangot.

"Ayokong nandito si Stacey."

Inirapan lang siya ni Stacey.

"Ang arte mo, Troy! Palagi naman silang nandito ni Abby." Tama naman si Kuya Charles, e. Noong hindi pa ako kilala ng tatlo, palagi kong nakikita sina Abby at Stacey sa tambayang 'yon.

"Oo nga, anong problema mo, Troy?" sabi naman ni Marky.

"Hay, naku! Kung alam n'yo lang kasi."

"Troy, nakita mo ba si Tiffany?" Nag-change topic agad ako. Tiningnan ko siya para ipaalala 'yong usapan naming huwag niyang sasabihin kina Kuya 'yong nangyari.

"Hindi pa, eh."

"Bakit anong meron sa inyo ng kapatid ko, Troy? Are you dating?"

"Nope." Tinarayan lang ni Troy si Stacey. Haha! Seriously? Bakit ang laki ng galit niya kay Stacey? "Bakit magkasama kayo, ha?" bulong niya sa 'kin.

"Nakipagbati na siya sa 'kin, e."

"'Sus! Maniwala. Basta mag-ingat ka pa rin."

Dumating naman 'yong waiter ng canteen, may dalang pagkain. Footlong na malaki at mahaba. Alam ko na kung kanino 'yon.

"Sir Jeydon, ito na po 'yong order n'yo."

Kinuha agad ni Jeydon 'yong pagkain niya. Hindi man lang nagpasalamat do'n sa waiter. Grabe, may dragon talaga siya sa tiyan niya, e. Ang lakas kumain. 'Yon namang si Stacey, nakatingin lang kay Jeydon habang kumakain. Mukhang patay na patay talaga siya sa pusang robot na 'yon.

"Oo nga pala, Charles, aayain ko sana si Candice na lumabas bukas, tutal wala namang pasok dahil holiday."

Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Marky. Si Jeydon, nabulunan pa yata. Si Kuya, hindi maipinta 'yong mukha. Kahit naman din ako, nagulat, e.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon