42: Double date

4.1M 91.1K 136K
                                    

"Anak, basta lahat ng sinabi ko sa 'yo, tandaan mo 'yon!"

"Opo, Mama." Huwag na sana niyang ulitin.

"Huwag kang kumain nang marami sa harap ni Marky. Huwag kang magpahalatang kinikilig ka. Dapat lagi kang maganda mamaya. Huwag kang matutulog sa biyahe, baka mamaya, habang natutulog ka, tumulo ang laway mo. Tapos—"

"Mama! Alam ko na po. Pang-limang beses n'yo na 'yang sinabi, e." Hays, grabe para na siyang sirang plaka kakaulit ng mga 'yon.

"Hehe, sorry naman, baby! You know naman, excited lang ako. First date 'to ng baby girl ko, e." Mama naman, e, hindi halata.

"I know, right? Haha! Basta susundin ko po lahat ng sinabi n'yo."

"And siyempre, enjoy your date!"

"Yes, Ma. Thank you."

"Hoy, Manang! Umayos ka ro'n, ha? Kahit wala ako ro'n may mga mata ako sa 'yo. Humanda ka sa 'kin kapag gumawa ka ng kalokohan." Sino naman kaya ang mga mata niya sa 'kin doon? Hanggang Tagaytay ba naman?

"Yes, Kuya. Hindi ko sisirain ang tiwala mo. Behave ako ro'n."

"You should be." Kahit kailan, napaka-protective niya pero ang lakas naman niya akong i-bully. Abnormal din, e.

May sasakyang bumusina sa labas.

"Nandiyan na yata si Marky. Yaya, okay na ba 'yong mga gamit ni Candice?"

"Yes, Ma'am. Ito na lahat. Ingat ka ro'n, Candice, ha? Kumpleto na 'yang gamit mo."

"Thank you, Yaya. Sige, Mama, alis na ako!"

"Ingat kayo! Enjoy!"

"Tara, hatid na kita sa gate." Aba, ihahatid pa talaga ako ni Kuya, ah.

Paglabas namin ni Kuya, madilim pa. Ang aga pa kasi, mga 6 AM pa lang yata. Pagkalabas namin ng gate, nakita namin 'yong BMW na sasakyan. Ang ganda naman ng kotse ni Marky. Pagkababa ng bintana ng kotse, nakita ko sa harap si Jeydon. Waaaah! Anong ginagawa niya riyan?

"Hoy, Jeydon, bakit nakasakay ka sa kotse ni Marky?"

"Bakit, Betty? Hindi ba pwede? E, sa tinatamad akong mag-drive, e."

At bakit, driver ba niya si Marky? Loko 'to, ah.

"Ako ang nag-utos na sa isang kotse lang kayo sumakay. Mas safe ka kapag gano'n, e," sabat ni Kuya.

Safe? At bakit, hindi ba ako safe kay Marky? Daming alam ni Kuya Charles.

"Ulol, Charles! Anong tingin mo sa 'kin, may gagawing masama kay Candice?"

"Gago, nagtanong ka pa! Kung hindi lang dahil sa kotse, hindi ako papayag, e."

Mukha talaga siyang kotse. Huhu! Kaya pala niya akong ipagpalit sa kotse. How dare you, Kuya Charles!

Pagbukas ko ng pinto sa likod, nagulat ako noong nakita ko si Stacey na natutulog. Nandoon na pala siya, tulog lang.

"Sige, Kuya, alis na kami."

"Sige, basta 'yong sinabi ko, ah."

"Okay, okay!" Para rin siyang si Mama, e.

Pagsakay ko sa loob, dahan-dahan lang ako para hindi ako marinig ni Stacey at hindi ko siya magising. May sinabi si Kuya ro'n sa dalawa, hindi ko naman marinig. Naramdaman kong nag-vibrate 'yong cellphone ko.

From: Troy
Ingat ka sa mga 'yan. Haha! Enjoy your day, best friend. :-)

Baliw talaga 'yong best friend ko pero ang sweet niya. Alam ko na kung bakit marami siyang babaeng napapa-in love. Ma-reply-an nga, nasaan na ba 'yong name no'n? Waaah, pinalitan niya siguro ang name niya sa phone ko. "Pogi" pa talaga, ha?

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon