Chapter 33: Doraemon

3.4M 73.9K 40.3K
                                    


"Psst! Betty! Huy, Nurse! Yah!"

Ang sakit sa tenga ng sigaw niya. Binato pa ako ng unan. Lintek talaga. Sarap-sarap na nga ng tulog ko roon, e, ginulo pa niya ako! Inaantok pa kaya ako. Huhu!

After ko kasi siyang punasan, hinintay ko pa siyang makatulog. 'Yon kasing abnornal na 'yon, hindi raw siya makatulog kaya pinakanta pa niya ako ng lullaby. Para talagang bata! Kung wala lang siyang sakit, nasigawan ko na siya, e. Pati tuloy ako, inantok kaya ayun, nakatulog din ako sa may upuan tapos 'yong ulo ko, nakapatong lang sa kama niya.

Nakakunot lang siyang nakatingin sa 'kin.

"Ano ba? Ang ingay-ingay mo!"

"I'm hungry."

"Anong gagawin ko?"

"Nurse kita, 'di ba!"

Panahon na para makabawi ako sa mga pang-aasar mo sa 'kin. Tingnan lang natin.

"Oo, pero hindi mo ako katulong."

"But I want noodles!" tapos nag-pout siya.

Ngumiti ako sa kanya nang sobrang lapad. 'Yong tipong maaasar siya sa ngiting 'yon, Tikman mo naman ang ganti ko, Jeydon Lopez.

"Okay, pero say 'please' muna."

"Ayoko nga."

"No 'please.' No noodles." Hindi ko pa rin tinanggal 'yong ngiti sa mukha ko. Nakita ko siyang nainis sa ginawa ko. Mainis ka pa, please? Nakakatuwa pala kapag ganoon siya.

"Kuhanan mo na kasi ako!" E, naiinis na siya! Sumisigaw na siya! Nakakatuwa talaga siya kapag naaasar. Siguro, ganoon din 'yong nararamdaman niya kada inaasar niya ako. Kaya tuwang-tuwa siya kapag napipikon ako.

"Say 'please' muna?

"Please." Simple lang ang pagkakasabi niya. Wala man lang emosyon.

"Gusto ko mahaba, 'pleeaaaseee'?" Nag-puppy-dog eyes pa ako, tapos ngumiti ako sa kanya.

"Ayaw."

"E di, hindi kita kukuhanan! Manigas ka sa gutom."

"E di, huwag."

Nag-iba 'yong mukha niya, 'yong akala mo, batang naagawan ng candy. Humiga ulit siya sa kama tapos nagtakip ng kumot. Amp! Bakit parang naaawa naman ako? Kukuhanan ko naman talaga siya, e, gusto ko lang muna siyang mag-please. Kasi naman! Sige na nga lang, nakakaawa naman, e.

"Please lang na mahaba ayaw mo pang sabihin. Sige, kukunan na kita, kawawa ka naman, e." Noong malapit na akong makalabas, narinig ko siyang sumigaw.

"'Yon, o! Bilisan mo nurse, ah!"

Tiningnan ko siya tapos ang laki ng ngiti niya. Ngiting nakakaasar.

Tss. Nadali na naman ako roon, ah. Niloko lang pala niya ako. Amp talaga! Kung bakit kasi naawa-awa pa ako sa abnormal na 'yon. Kahit kailan nga pala, hindi na siya titino. Kumbaga malala na 'yong tama niya. Kaso ako rin 'yong tanga, e, kumagat sa paawa effect niya. Hays.

Paglabas ko ng kwarto niya, feeling ko, maliligaw ako. Ang laki ng bahay nila, e. Nahirapan akong hanapin kung saan 'yong kusina nila. Buti na lang, may naamoy akong mabangong pagkain kaya nahanap ko rin kung nasaan iyon. Tapos pagpasok ko roon, grabe, ang laki ng kusina. Ang daming maid tapos ang daming pagkain. Parang pati ako, nagutom.

"Grandma! Nandito na siya!" sabi no'ng babaeng nagbigay sa 'kin kanina ng tray.

"Hello, Miss," sabi sa 'kin no'ng matandang babae. Mukha naman siyang mabait kahit medyo may hawig siya kay Miss Minchin.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon