Epilogue

2.9M 70.4K 41.6K
                                    


Wala pa rin siyang text o tawag. Tatlong araw na akong walang naririnig sa kanya. Ano kayang ginagawa niya? Sobrang busy ba niya? Yah! Jeydon Lopez...

I miss you so much.

"Baka matunaw na 'yang cellphone mo kakatitig, Noona."

Tiningnan ko siya, hindi pa siya nasanay sa 'kin. Teka nga, kumakain na naman siya ng ice cream? Nahawa na talaga siya sa 'kin.

"Hindi pa rin ba siya nagpaparamdam?"

Mas masipag pa yatang magparamdam 'yong multo sa bahay kesa kay Jeydon, e. "Hindi pa nga, e. Alam mo, nag-aalala na ako. Paano kapag nakalimutan na niya ako? O kaya baka mamaya, pinagpalit na niya ko roon sa Pilipinas?"

Tinaasan lang niya ako ng kilay. "Tingin mo, magagawa 'yon ni Jeydon?"

Natigilan ako sa sinabi ni Lucas. Hindi nga kayang gawin sa 'kin 'yon ni Jeydon. Hindi niya ako kayang saktan. Mahal na mahal kaya ako no'n. Kasi naman, kung anu-ano 'yong iniisip ko. Dapat magtiwala lang ako sa kanya.

Unfortunately, noong sinabi ni Jeydon na mags-stay siya, isang linggong pag-stay lang pala 'yon sa Seoul. Akala ko naman, sa Seoul na rin siya mag-aaral. Okay na rin naman kasi nakaya naming mabuhay nang magkahiwalay , mahirap nga lang talaga. Ang hirap na wala 'yong presence ni Jeydon. Palagi ko siyang hinahanap-hanap. Iba pa rin kasi kapag nasa tabi ko palagi siya.

"Baka naman busy, next week na 'yong sportsfest nila, 'di ba? Malamang, busy 'yon sa pag-practice."

"Kapag hindi siya pumunta mamaya, walang maghahatid sa 'kin mamaya sa concert ng EXO," tsaka hindi lang naman 'yon, e.

First anniversary kaya namin bukas.

Akalain mo 'yon, 'no? Isang taon na kami ni Jeydon? Parang kailan lang, para kaming aso't pusa. Inis na inis pa ako sa kanya dati. Siya naman, palagi niya akong inaasar. Ang sarap balikan ng memories na 'yon. Kapag naiisip ko, hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi ko talaga naisip na mamahalin niya ako at mamahalin ko rin siya.

"Kapag hindi siya pumunta, ako na lang ang maghahatid sa 'yo. Sasamahan pa kita mamaya, Noona. Alam ko namang favorite mo 'yong EXO na 'yon, e." Nakakatuwa talaga si Lucas. Buti pa siya, naiintindihan 'yong pag-fangirl ko sa K-Pop idols. Si Jeydon, hindi, e. Nagseselos yata. Ayaw akong samahan sa concert.

Biglang tumunog 'yong cellphone ko. Hindi ako na-excite dahil alam ko namang hindi si Jeydon 'yon, e. Asa pa ako.

Tiningnan ko kung sino 'yong tumatawag... Waaaa! Si Jeydon?!

Pagkasagot ko, may mga tumitiling babae. Anyare?

"Hello? Hubby? Bakit may mga tumitili?" Huwag mong sabihing nauna na siya sa concert ng EXO? Tapos fangirls 'yong mga tumitili? "Nasa concert venue ka na?"

"Yah! No, I'm here in front of your school building. Can you come out, please? Nakakairita 'yong mga babae rito." Hala, nandito talaga siya? Nandito na siya sa Korea?!

Sumilip agad ako sa bintana ng classroom namin. Nakatayo nga siya sa tapat ng building namin. May mga babaeng nakapalibot sa kanya. Kinikilig pa' yong mga babae kay Jeydon. Hala, uy! Boyfriend ko 'yan.

"Bumababa ka na kaya, Noona."

Ay, oo nga, 'no?

"Dalhin mo na 'yong gamit mo."

"Huwag na, babalik pa ako. May klase pa tayo, e."

Hindi ako pinakinggan ni Lucas. Binigay niya sa 'kin 'yong bag ko tapos tinulak niya ako palabas ng room.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon