Chapter 17: Yes or No?

3.6M 77.8K 38.2K
                                    


"But, Sir!"

"No buts!"

"Hindi pa naman ako pumapayag, ah! Tsaka Section One po ako! Sir, don't do this to me." Finally, huminto na rin siya. Salamat naman! Kanina ko pa siya hinahabol, e.

"Yes, hindi ka nga part ng section nila, pero sa subject ko, Section Eleven ka. So meaning, part ka na rin nila. Isa pa, naisulat na kita roon sa listahan, there's nothing we can do."

"Sir naman, e!"

Tiningnan niya ako nang masama. Huhu! Sapilitan? Hindi pwede 'to! Bago pa ako makaangal ulit, wala na siya. Hindi 'yon fair, 'di ba? Pero kapag umangal naman ako, baka mawala 'yong pagiging running for honors ko.

Paano ako sasali sa isang beauty pageant, e, wala naman akong beauty?

Bumalik na lang ako sa room ko.

Pagpasok ko sa room, ang ingay ng classmates ko. Kung hindi si Troy, si Marky, si Kuya Charles, o si Jeydon 'yong pinag-uusapan nila. Ganyan ba talaga sila? Sa tagal ko kasi sa school, hindi ko sila pinapansin, e. Kahit pala mga nerd na babae, pinagpapantasyahan 'yong APAT na 'yon. And speaking of them, malapit nang dumating si Mr. Guzman, bakit kaya wala pa si Jeydon? Hmm... At bakit ko siya iniisip? Tss.

After magturo ni Mr. Guzman, nagbotohan 'yong classmates ko para sa Miss Campus. Naisip ko na naman tuloy 'yong sinabi ni Sir Jason. Huhu, why me? Why on Earth, ako pa? Oo, alam ko namang walang babae sa last section pero hindi ba siya pwedeng pumili ng iba? Tsk.

"Okay, any volunteers? O kung may gusto kayong iboto?" sabi ng class president namin.

"Ako! Iboboto ko si Margot!"

Karamihan sa kanila, sumang-ayon. Kahit din naman ako, e, mas gusto ko siya. Siya naman kasi talaga 'yong pinakamaganda sa 'ming lahat tsaka pangalawa siya sa pinakamatalino, sunod sa 'kin.
"Teka! Teka! Ako, iboboto ko si Candice!"

Lahat sila, nagtinginan sa 'kin. Ako naman, sa sahig lang nakatingin. Ang maldita talaga ni Bubbles, silang tatlo ni Blossom tsaka ni Annie. Parang Powerpuff Girls lang, 'no? Halata namang inaasar niya ako kaya niya ako binoto. Sila lang yata 'yong kilala kong nerd na maldita, o baka kasi kayang-kaya nila ako kaya inaasar nila ako.

Nagtawanan silang lahat tapos biglang pumayag na 'yong iba kong kaklase! Waaaaah! Ang sasama nila. Ako talaga? Sobrang panlalait na 'yon, ah.

"Teka!" Tumayo ako. "Hindi pwede kasi—"

"Ang choosy mo naman! Akala mo, ang ganda-ganda mo! Wala ka ngang ganda, e! Na-vote ka lang, nagmamaganda ka na riyan! Feeling!" sabi ni Blossom.

Kayo kaya ang bumoto sa 'kin! Gusto ko 'yang isigaw sa mukha niya, ang yabang kasi. Okay, sige, hindi na ako maganda pero maganda rin ba siya para manlait ng ibang tao? Nakakaloka lang, 'di ba? Tsaka hindi ako choosy. Kinalma ko 'yong sarili ko, ayoko ng gulo.

"Kinuha na kasi ako ni Sir Jason na representative para sa last section."

Natigilan silang lahat tapos tumawa sila nang malakas na malakas. Buti na lang, nag-ring na ang bell for the next subject. Buti naman, hindi ako sa section na 'yon para sa next subject.

Umalis agad ako sa room namin. Ang lakas nilang mang-asar at ayoko nang marinig 'yong mga sasabihin nila. For sure, hindi sila naniwala tapos sasabihin nilang nag-iilusyon na naman ako. 'Pag ako gumanda, "who you" sila sa 'kin!

Pero, siyempre, joke lang. Naisip ko tuloy, sasali na lang talaga ako sa contest para makita nilang hindi ako nag-iilusyon. Bahala na si Batman kung anong mangyari.

Nagmadali akong pumunta sa room ng Section Eleven. Malayo pa lang ako, may mga kumpol na ng tao sa labas ng room—mga babae.

"Troy! Please, huwag ka namang makipag-break sa 'kin!"

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon