70: Meet Red Dragon

2.6M 62.8K 38.9K
                                    

CANDICE


"Haha! Sa ganda mong 'yan, walang matatakot sa 'yo!"

Bigla siyang nag-pout. Aww, ang cute niya.

"E, kumusta naman ako, ha?" Tiningnan ko 'yong sarili ko sa salamin. Manananggal 'yong pinili kong costume, mukha ngang effortless 'yong hitsura ko, e.

"Okay na okay! Ang galing mo nga, e! Kaso bakit ako?" sabay pout again. E, kasi nga, masyado kang sexy at maganda kaya , e ako, effortless.

Pumasok naman sa tent 'yong ibang taga-Section Eleven. Karamihan sa kanila, zombies tsaka mummies. 'Yong totoo? Hindi pa rin naka-move on sa October? December na kaya, ilang araw na lang, Pasko na. Abno talaga 'yong nag-isip ng concept ng booth namin, e. 'Yong dalawa naman, pumasok na rin. Si Jacob, este, Troy pala na super pogi sa wolf costume niya. At ang Edward Cullen ng buhay ko, ang napakagwapong bampira, si Jeydon. Kung ganyan ba naman 'yong vampire na kakagat sa 'kin, why not, 'di ba? Mapapasabi pa ako ng "I volunteer!" Wow, The Hunger Games lang ang peg? Wahaha!

"Natatakot ka ba sa 'kin o nai-in love ka?" sabay kindat sa 'kin ni Pusa. Nag-blush naman ako bigla kasi kanina pa ako nakatingin sa kanya. Ang gwapo kasi niya, e.

"In love na ako sa 'yo dati pa," sabay kindat ko rin. Ha! Akala mo ikaw lang, ha? Meron din ako niyan.

"Ayieee!"

Tiningnan namin sila ni Jeydon. Ay, shete, nandoon pa rin pala 'yong Section Eleven tsaka sina Troy. Masyado kaming nadala ni Jeydon.

"Kayong dalawa, wala pang Valentine's Day! Nandito tayo para manakot, ha?" sabi ni Troy na nakahawak sa kamay ni Tiffany. Binatukan tuloy siya ni pusa ko. "Ouch!"

"Wala pang Valentine's?" Hinawakan niya 'yong magkahawak na kamay nina Troy at Tiffany tsaka niya inangat. "E, ano 'to, ha?!"

Nagtawanan kaming lahat tapos namula 'yong dalawa. Lakas din maka-PDA ng dalawang 'yon, e, talo pa kami ni Jeydon. Hindi ako papayag! Mas sweet kami ng pusa ko! Pero joke lang. I'm happy for the both of them. Seeing my two best friends happily in love is priceless.

"Guys! Ready na kayo! Mag-start na tayo!" tawag sa 'min ni Sir Jason.

Nag-ayos na kami tapos pumunta kami sa kanya-kanya naming posts. Sina Ginno at Six 'yong mga killer na nasa entrance, sila rin 'yong kukuha ng bayad ng mga estudyante. Gumawa kami ng maliit na tunnel at sari-saring props. Nakakatakot nga 'yong mga ginawa nila, e. May mga spider, putol na kamay at ulo with matching nakakatakot na ilaw pa. 'Yong iba, nagkalat lang sa tunnel na ginawa namin. May zombie tsaka mummy na nakakalat sa kahabaan ng tunnel. Tapos si Tiffany ang white lady at ako naman ang manananggal. Dalawa lang kaming girl doon. Si Margot kasi, sa Section One sumali.


"Uy, balita ko vampire daw si Jeydon tapos natutulog daw siya ro'n sa coffin. Tara, puntahan natin siya!" sabi no'ng babaeng feeling ko, taga-Section One. Hindi nila ako nakita kasi nakatago ako. Dapat sana, gugulatin ko sila.

"Tara, dali!" Mukha siyang excited, ah. Lalabas pa lang sana ako para takutin sila kaso nakaalis na sila, e. Hmpf! Buti pa sila, mapupuntahan si pusa ko, e, ako nandoon lang. Huhu! Miss ko na si Pusa. Ay, miss agad? Abnormal.

After ng ilang minuto, bumalik 'yong mga babae kanina at mukhang happy sila. Ano kayang nangyari?

"OMG! Napagmasdan ko 'yong mukha ni Papa Jeydon!"

Aba, lukaret ka! Anong ginawa mo sa pusa ko?

"Ayieee!"

Kilig na kilig pa siya.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon