51: In love?

3.6M 93.1K 66.4K
                                    

CANDICE

Humanda talaga sa 'kin 'yong pusang 'yon! Hindi man lang niya sinabi sa 'king aalis na siya. Kung kailan naman umamin ako tsaka niya ako tatakbuhan? Napakaabnormal talaga!

Grabe, hingal na hingal na ako kakatakbo tsaka kakaikot sa airport para lang hanapin siya. Nasaan ba siya? Umalis na ba siya? Kaso lahat naman ng flight papuntang Amerika nandoon pa. Jeydon, nasaan ka na ba?

"Nasaan ka na bang pusa ka?"

Pumunta akong waiting area para hanapin siya pero wala siya. Hinanap ko na nga siya sa lahat ng waiting area pero wala pa rin. Matangkad naman siya kaya mapapansin agad siya tsaka malakas ang aura ng lalaking 'yon, e, pero wala pa rin. Bad trip naman, o. Ayon na nga, e, sasabihin ko nang siya 'yong pinili ko. Sasabihin ko na sa kanyang siya talaga ang gusto ko.

"Jeydon! Nasaan ka na ba?"

Napaupo na lang ako. Amp! Napapagod na ako. Pinahirapan ako ng pusang 'yon, e. Humanda talaga siya sa 'kin kapag nagkita kaming dalawa!

ko lahat ng flight papuntang US, sunud-sunod nang nag-aalisan. Para akong nanlumo. Umalis na siya...

Huli na ba ako?

Huli na ba ang lahat? Bakit naman kung kailan alam ko nang gusto ko si Jeydon, kung kailan alam ko nang siya talaga 'yong gusto ko at hindi si Marky tsaka naman siya aalis. Humanda talaga siya sa 'kin! Pinapahirapan mo akong pusang robot ka! Parang naiiyak tuloy ako.

"Abnormal na pusa! Nasaan ka na!"

"Anong ginagawa mo riyan?"

'Yong boses na 'yon...

"Jeydon?!"

"O, bakit?"

Lumapit agad ako sa kanya. Nandito pa siya, hindi pa siya umaalis, hindi pa niya ako iniiwan. Naiyak na talaga ako noong nakita ko na siya.

"Bakit nandito ka pa?"

"E, sa nandito pa ako, e."

Psh! Napakapilosopo talaga. "Dito ka na lang..."

"Ha?"

"Huwag ka nang pumunta ng Amerika! Huwag ka nang umalis, dito ka na lang." Hindi ko na napigilang maiyak. Amp, ang babaw ng luha ko, nakakainis.

Tumawa siya tapos lumapit siya lalo sa 'kin. "Sige. Dito lang ako, dito sa tabi mo. Pero bigyan mo muna ako ng magandang dahilan." Hinawakan niya 'yong mukha ko tapos pinunasan niya 'yong luha ko.

"Ano kasi..."

"Ano?"

"Alam mo na 'yon."

"Baka pwedeng marinig?"

"Gusto kita! Jeydon, gusto kita kaya huwag ka nang umalis, dito ka na lang."

Ang lapad ng ngiti niya. Nakakainis talaga 'yong pusang 'yon! Pinagti-trip-an na naman yata ako.

"Sinong mas gusto mo, si Marky o ako?"

"Pipigilan ba kitang umalis kung siya 'yong pinili ko? Malamang, mas gusto kita. Teka, mali. Ikaw pala talaga 'yong gusto ko, hindi siya."

"Then prove it."

Waaa! Bakit kailangan may gano'n pa? Amp naman, ang abnornal niya talaga. Siya na nga ang pinili ko, e. Huhu! Nangti-trip talaga siya.

"Paano ko naman gagawin 'yon?"

Lumapit siya sa 'kin, lumapit siya sa tenga ko tapos may binulong siya.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon