Chapter 6: Manwhore

3.9M 77.5K 14.2K
                                    


As usual, nasa library ako at nagbabasa.

"Hi, Candice!"

Hindi ko siya pinansin. Siya 'yong babaeng nagpabigay ng sulat kay Troy. Siya 'yong may kasalanan ng lahat.

"Candice, pansinin mo naman ako."

"Bakit? Favor na naman?" Nairita na ako.

"Hindi, hindi! Sorry nga pala, ah. Ang feeling close ko. Pwede ba tayong maging magkaibigan?"

"Ano?" Ang lakas ng pagkasabi ko kaya napatingin sa 'min 'yong librarian. Nagbigay siya ng warning sa 'ming dalawa.

"Please? I want to be your friend, Candice," pabulong niyang sabi.

"Ayoko." Ayokong magkaroon ng kaibigan. Panigurado akong panibagong gulo na naman 'yon sa buhay ko. Kuntento na akong forever alone sa school.

"Yes?"

"No."

"Yes?"

"Hindi nga!" Hindi ko na naman napigilan 'yong sarili ko.

"You two! Out of the library!" sabi ng librarian.

Lumabas ako sa library. For the second time around, ginulo na naman niya 'yong pag-stay ko sa library. Bakit ba kasi ang daming gumugulo sa buhay ko? Isang taon na lang naman bago ako umalis sa school, hindi pa ako pinatawad.

"Sorry."

"Saan na ako tatambay ngayon?"

"May alam ako! Tara!" Hinila niya ako kahit hindi pa ako pumapayag. Dinala niya ko sa isang hallway na walang tao.

"Tada!"

"Ano 'to?"

"Tahimik dito! Walang taong pumupunta rito."
Nilibot ko 'yong lugar at tama siya, tahimik nga roon. Bakit kaya hindi ko nalaman 'yong lugar na 'yon dati pa?

"Pwede na." Umupo ako at sumandal sa may dingding. Kinuha ko 'yong isa ko pang libro, A Walk to Remember naman.

"So..." Nag-smile siya sa 'kin. Maganda talaga siya, sexy, alam mo 'yong mga cheerleader type? Gano'n siya. "Friends?" Inabot niya sa 'kin 'yong kamay niya.

"Friends." Inabot ko 'yong kamay niya. As long as hindi niya na ako guguluhin, okay lang. Ang choosy ko naman kung aayaw pa ako, 'di ba? Sa ganda niyang 'yon, sa pangit na katulad ko pa siya nakipagkaibigan.

"Thank you, Candice!" Niyakap niya ako.

"Ah, oo nga pala, hindi ko pa alam ang pangalan mo."

"Ako si Tiffany! Alam mo, dati pa kita nakikita, e! I super like you nga, e."

Seryoso siya? "E, bakit mo naman ako nagustuhan? Nobody lang ako rito at ikaw, ang ganda-ganda mo kaya. For sure, maraming gustong makipagkaibigan sa 'yo, unlike sa 'kin."

"Huwag mo ngang ibaba 'yong sarili mo. Una pa lang kitang makita, gandang-ganda na ako sa 'yo!"
Seryoso talaga?

"Tsaka oo, maraming nakikipagkaibigan sa 'kin dito pero ayoko sa kanila kasi kung hindi plastic, backbiter naman."

Sabagay, hindi ko siya masisi. "Tiffany, thanks nga pala at kinausap mo ako. Okay rin pala kahit kaunti na magkaroon ng kabigan."

"Oo naman! Basta magkaibigan na tayo. So, una na ako, ha? May klase pa ako. Bye, friend Candice!" Nag-wave siya taska umalis.

Kung iisipin, masaya rin pala paminsan-minsang may makausap. Isa pa, mukha naman siyang mabait at ang gaan nga ng loob ko sa kanya.
Nagbasa na ulit ako, thirty minutes pa naman bago 'yong next class.

Binabasa ko na 'yong part sa A Walk to Remember na hinalikan ni Landon si Jamie. Hindi ko alam kung anong meron sa 'kin pero nakagat ko 'yong labi ko at noong hinawakan ko 'yon, dumudugo na pala. Kinuha ko agad 'yong panyo sa bulsa ko.

Habang hinahawakan ko 'yong labi ko, naalala ko 'yong nangyari sa janitor's room. Noong kinuha ng kung sinong Ponsyo Pilato 'yong unang halik ko. Kapag iniisip kong si Jeydon, bakit naman ako hahalikan ng kutong-lupang 'yon? Sana panaginip na lang 'yon.

"Anong ginagawa mo rito? Bawal dito!"

Inangat ko 'yong ulo ko. Speak of the devil.
"Anong libro 'yan?"

"None of your business." Bakit ba kung nasaan ako, nandoon din 'yong kutong-lupang 'yon? May radar ba siya? Kahit nasa pinakatagong lugar ako, nakita pa rin ako.

"Bakit ba ang sungit mo, ha? Betty?"

"Betty?"

"Betty La Fea! Kamukha mo kasi, e. Makapal na salamin, buhaghag na buhok, manang manamit, wala ka nga lang braces."

"Bakit ba hindi mo ako lubayan, ha?"

"Nakakatuwa kang asarin, e! Nag-e-enjoy ako."
Ang sama niya talaga. Tumayo ako, kinuha ko 'yong bag ko tapos umalis na ako.

"Teka lang, Betty! Wala ka bang manners? Nag-uusap pa tayo!"

Hinarap ko siya. Manners? Meron ba 'yon sa bokabularyo niya? "Ayaw kitang kausapin!"

Tumakbo ako palayo sa kanya. Habang nasa hallway ako, nakasalubong ko si Sir Jason.

"Candice, I have to tell you something."

Parang kinabahan ako.
 
➖➖➖

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon