68: I got your back

2.9M 62.5K 15.4K
                                    

Tama nga 'yong sabi nila, laging nasa huli ang pagsisisi. Kung kailan wala na 'yong isang bagay, tsaka mo pa lang makikita 'yong halaga nito.

"Papa, mianhae... mianhae."

Niyakap ko ulit 'yong puntod ni Papa. Ang sakit pala, sobrang sakit na hindi ko na makakausap ulit 'yong papa ko. Ang dami ko pa sanang gustong sabihin sa kanya, e. Gusto ko pang mag-sorry. Gusto ko pang sabihing pinapatawad ko na siya, gusto kong sabihin kung gaano siya kahalaga sa 'kin. I wanted to tell him how much I loved him, but it was too late. Wala na siya, e, wala na.

"Candice, umuwi ka na muna." Nilingon ko kung sino 'yon, si Mama pala.

"Hindi, Mama. Kailangan ako rito ni Papa." Hindi ko na naman napigilan 'yong pag-iyak ko.

"Isang linggo ka nang ganyan, anak. Maawa ka naman sa sarili mo, baka magkasakit ka naman niyan."

"Please, Ma... hayaan n'yo muna ako."

Napabuntonghininga na lang si Mama. Alam niyang hindi niya ako mapipilit. Isang linggo simula nang ilibing si Papa, halos hindi na ako umalis sa puntod niya. Isang linggo na rin akong hindi pumapasok sa school. Parang may sarili na akong mundo kasi wala akong masyadong kinakausap nong mga panahong 'yon.

"Tawagan mo ako kapag gusto mo nang umuwi." Umupo si Mama tapos hinawakan niya 'yong kamay ko. "I love you, Candice."

"Thanks, Ma. I love you too."

Niyakap niya ako tsaka siya umalis. Alam kong nahirapan rin sila ni Kuya Charles sa nangyari pero mas masakit sa 'kin kasi biglaan ang lahat para sa 'kin. Alam na pala nina Mama at Kuya na malala na 'yong sakit ni Papa. 'Yon ang bagay na ayaw nilang sabihin sa 'kin noong umagang namatay si Papa. Akala nila, hindi na naman ako makikinig. Akala nila, wala na akong pakialam. Totoo naman, e. Kung sinabi nila sa 'kin 'yon noon, baka hindi ko rin naman pinansin 'yon. Pero ganoon pala kapag wala na talaga si Papa. I did take him for granted. Porke't nandoon pa siya, wala kong pakialam kahit maghingalo na siya. Kaya noong nawala na talaga siya, tsaka ako nasaktan nang ganoon. Pakiramdam ko, isa akong malaking tanga at napakawalang kwenta tao.

Sa sobrang dami ko nang nailuha, parang wala nang gustong lumabas sa mga mata ko.

Ayoko sanang tingnan 'yong phone ko, kaso kanina pa may nagte-text sa 'kin.

56 messages. 8 missed calls.

Binuksan ko lahat. Condolences galing kina Marky, Troy, Tiffany, Margot tsaka kina Ginno. Hinuli ko na 'yong mga text sa 'kin ni Jeydon.

Kumain ka na. Huwag mong pabayaan ang sarili mo.

I'm just here if you need me.

I just want to tell you how much I missed you.

I love you, hope you're better now.

Isang linggo ko na rin kasing hindi kinakausap si Jeydon. Hindi ko alam kung bakit, siguro sobrang nasaktan lang ako. Actually, maliban kina Mama at Kuya Charles, wala pa akong masyadong kinausap simula nang inilibing si Papa. Minsan nga, naaawa na ako kay Jeydon. Ang sama-sama ko kasing girlfriend sa kanya. Parati niya akong ite-text o tatawagan. Minsan, pupuntahan pa niya ako roon pero dedma lang ako.

Jeydon, sorry... sorry.

Pinalubog ko lang 'yong araw bago ako nag-decide na umuwi na sa bahay. Noong naghihintay ako ng taxi, may biglang tumigil na kotse sa harap ko. Noong ibinaba niya 'yong salamin, akala ko kung sino, si Lucas lang pala.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon