50: Marky's plan

2.7M 83.9K 35.4K
                                    

MARKY

"Candice?"

Inangat niya 'yong ulo niya para makita niya ako.

"Ikaw pala, Marky."

"What's up?" I smiled at her. Hindi siya makatingin sa 'kin. Hmm... Ano kayang problema?

"'Yong ano... kasi... ano, e..."

Siguro, nasabi na niya... "Nasabi mo nang gusto mo si Jeydon. Tama?"

"Oo. Kagabi, sinabi ko na sa kanya." Hindi pa rin siya makatingin sa 'kin.

"Anong nangyari?" Tiningnan ko siya, nakasimangot siya. Ano kayang nangyari kagabi sa dalawa? "Bakit ganyan ang hitsura mo?"

"Tinanong niya ako kung sino ba sa inyong dalawa 'yong pipiliin ko."

"Sinong pinili mo?"

"Sinabi ko sa kanyang hindi ko alam."

Hindi ko napigilang tumawa. Napatingin naman sa 'kin si Candice.

"Bakit?"

"Inamin mong gusto mo siya pero hindi mo kayang pumili sa 'ming dalawa?"

"Pareho ko kayong gusto, alam kong mali 'to. Kaso hindi ko talaga alam kung sinong mas gusto ko at ayokong magsisi sa huli."

Panahon na siguro para malaman niya ang totoo...

"Candice, magagalit ka ba kapag sinabi ko sa 'yong nagsinungaling lang ako?"

Napatingin na siya sa 'kin this time, nagtataka. "Anong ibig mong sabihin, Marky?"

"Hindi ako 'yong nagligtas sa 'yo ro'n sa magnanakaw. Si Jeydon 'yon, hindi ako."

Nagulat siya sa mga sinabi ko. Parang hindi pa siya makapaniwala. "Bakit mo sinabing ikaw 'yon?"

"Noong una pa lang, gusto ko nang paaminin si Jeydon sa nararamdaman niya sa 'yo. Akala ko noong gabing pinaamin mo siya, sasabihin na niya kaso wala, e. Torpe talaga si Jaydee. Kaya sinabi ko na lang na ako 'yon."

"Una pa lang? Ibig sabihin, alam mo na?"

"Oo, alam ko na."

Noong nakita ko si Jeydon dati sa library, doon ko unang nalamang may gusto siya kay Candice. Palagi siyang nakasunod kay Candice. Hindi niya nga alam na pati kaming dalawa ni Charles, napansin na 'yon. Oo, una pa lang, alam na rin ni Charles 'yon, kaming dalawa. Kaya noong sinabi kong ako 'yong nagligtas kay Candice at noong sinabi ko ring gusto ko siya, nagalit si Tanda sa 'kin kaya ako natanggal sa grupo. Alam niyang si Jeydon 'yong nagligtas sa kapatid niya, at alam niya rin ang lahat ng ginawa ko, plano ko lang.

Plano kong paaminin si Jeydon sa nararamdaman niya kay Candice. Noong una pa lang, lahat 'yon, plinano ko na. 'Yong paghalik ko kay Candice sa janitor's room, 'yong paghila ko kay Candice sa parking lot ng mall para kunwaring hahalikan ko siya, 'yong sinabi ko kay Candice na gusto ko siya. 'Yong pag-aya ko sa kanya sa Tagaytay, pati 'yong pagpunta namin lagi sa Music Hall. Lahat 'yon, plano ko. Gusto kong magselos si Jeydon, gusto kong sabihin niyang gusto niya si Candice. Kaya noong sinabi ko sa kanyang ako 'yong humalik kay Candice sa janitor's room, galit na galit siya sa 'kin.

Kilala ko siya, mag-best friend kami kaya alam ko kung gaano siya katorpe. Gano'n din 'yong mokong na 'yon kay Kim dati. Gumawa lang kami ng paraan nina Charles para mapaamin namin siya.

Hindi ko naman talaga gusto si Candice, at noong panahong 'yon, girlfriend ko pa si Abby. Oo, player ako, mapaglaro. Hindi pa ako nagseryoso kahit minsan sa isang babae. Para saan pa? Alam ko namang ipapakasal lang ako ng parents ko sa babaeng gusto nila. Nag-stick lang ako kay Abby kasi kakaiba siya sa mga babaeng nakilala ko. Oo, maldita siya pero masaya siyang kasama tsaka sumasabay siya sa trip ko. Sinubukan kong i-explain sa kanya 'yong plano ko pero hindi niya naintindihan kaya nakipag-break na lang ako sa kanya.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon