53: New arrival

3.3M 72K 27.5K
                                    

Ang aga kong nagising pero wala naman siya. Nandoon naman ako sa labas ng bahay kaso wala pa rin siya. Nasaan ba 'yong pusang 'yon?

Pinatong ko na lang ang ulo ko sa tuhod ko. Kapag nakita ako ni Kuya Charles sa labas, pagtatawanan ako no'n. Excited pa ako kaninang lumabas ng bahay tapos wala naman pala 'yong Doraemon na 'yon! Psh, lagot 'yon sa 'kin, huhu. Ang lamig pa naman sa labas, ang aga pa kasi, e.

Biglang may itim na kotseng pumarada sa harap ko. Pagkababa no'ng driver, akala ko si Jeydon na pero hindi pala.

"Good morning, Miss Candice."

"Good morning po, er...Sir Baron." Ang aga-aga, naka-Amerikana siya.

"Baron na lang, Miss Candice. Nandito ako kasi pinapasundo kayo ni Young Master." Wow, Miss Candice talaga ang tawag niya sa 'kin.

"Nasaan po si Jeydon?"

"He's busy." Ngumiti sa 'kin si Baron.

"Ha?" Ansabe ng busy niya?

"Tara na po, Miss Candice?" Binuksan niya 'yong pintuan ng kotse, pumasok na lang din ako.

Ano kayang ginagawa ng pusang 'yon? Hindi man lang nagsabi sa 'kin. Humanda talaga siya sa 'kin. Sabi niya, agahan kong gumising. Psh, tapos wala naman siya. Eee! Parang miss ko siya agad. Ay, OA lang? Haha.

Pagkababa ko ng kotse nakangiti pa sa 'kin si Baron. Bakit kaya? Parang may kakaiba akong naramdaman. Dumiretso agad ako sa loob ng school. Pagpasok ko ro'n may estudyanteng nagbigay sa 'kin ng isang pirasong rose.

"Pinapasabi ng nagbigay na maganda ka pa sa umaga."

Tatanungin ko pa lang sana siya kung kanino galing 'yon pero tumakbo na siya. Feeling ko, kilala ko na.

Hindi pa ako nakakalayo, may nagbigay na naman sa 'kin ng isa pang pirasong rose. Hanggang sa nakarating ako sa locker ko, may nagbibigay sa 'kin ng rose. Pinagtinginan na nga ako ng mga estudyante roon. Ang aga-aga, may dala akong bulaklak? Huhu. Pagkarating ko sa tapat ng locker ko, nakita ko si Jeydon na nakatalikod. Ano na naman kayang kalokohan 'to?

"Hoy, Pusa!"

Pagkaharap niya, may hawak-hawak siya. Akala ko, teddy bear, pero stuffed toy pala na Chow Chow. Waaa, ang cute.

"O." Inabot niya sa 'kin 'yong stuffed toy na Chow Chow.

"Ano 'to?" Kaya ba hindi siya pumunta ng bahay kasi pinlano niya 'yon?

"Stuffed toy, malamang!" Psh! Pilosopo. Hindi siya makatingin sa 'kin tapos napakamot na lang siya ng ulo.

"Ikaw rin 'yong nagbigay ng roses?"

"Oo, nagustuhan mo ba?" Hindi pa rin siya makatingin sa 'kin, mukhang nahihiya yata siya. Paano ko kaya sasabihing ayoko ng ganoon? Huhu, baka magalit siya.

"Uhm..."

"Sabi ko na, e, ayaw mo! Psh! Akin na nga." Kinuha niya agad sa 'kin 'yong roses na hawak ko pati 'yong Chow Chow. Patay, galit na naman 'to.

"Ayoko lang kasing nakakakita ng nalalantang rosas pero na-appreciate ko naman 'yong—"

"Hindi mo pa rin nagustuhan! Aish, nakakainis!" Feeling ko, magta-transform siya anytime sa pagiging dragon. Ang hirap talagang galitin ng pusang 'yon, nagiging dragon.

"Nagustuhan ko namam 'tong Chow Chow, e! Huwag ka nang mainis." Kinuha ko 'yong Chow Chow. Ngumiti ako sa kanya para hindi na siya magalit.

"Sorry. Amp kasi, sabi ni Troy, lahat ng babae, gusto ng bulaklak. Lagot talaga siya sa 'kin."

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon