Chapter 29: Sorry

3M 65.3K 18.9K
                                    


Ang sakit ng ulo ko. Nasaan na ba ako?

Pagdilat ko ng mga mata ko, nakita ko si Jeydon na nakahiga sa sahig. Pinapalibutan siya ng mga lalaking may tattoo sa likod. Walo silang lahat. Ano bang nangyari no'ng nawalan ako ng malay? Tsaka nasaan kami? Parang lumang warehouse 'to, e. Bigla akong natakot. Wala akong maramdaman sa katawan ko, parang namamanhid.

Tumingin ulit ako kay Jedon, sinipa siya no'ng lalaking nakita ko kanina. Kita ko sa kanyang nasaktan siya sa ginawa no'ng lalaki. Biglang may kumirot sa puso ko. Parang naiiyak ako sa mga nakita ko. Dumudugo 'yong labi ni Jeydon tapos ang dami niyang pasa. Amp! Kanina pa ba siya pinagtutulungan ng mga lalaking 'yan? Bakit wala siyang ginagawa?

Jeydon! Lumaban ka!

Gusto ko 'yong isigaw kay Jeydon pero hindi ko magawa. Parang nanghihina pa rin kasi ako, e. Ano ba kasing ginagawa niya? Bakit hindi siya lumalaban? Akala ko ba, leader siya ng gang? Akala ko ba, malakas siya? Akala ko ba, kasinglakas niya si Superman? Pero bakit ganoon? Sabi ni Troy, kaya ni Jeydon kahit na marami pa 'yong lumaban sa kanya pero bakit ganoon?

Jeydon, fight them please! Protect yourself!

Sige na. Oo na! Nag-aalala na ako kay Jeydon at hindi ko kayang makita siyang ganoon. Feeling ko, naiiyak na ako. Hindi ako sanay sa na makita si Jeydon na kinakawawa.

"Parang humina ka na yata, Boss Jaydee?"

Umupo 'yong lalaking nakita ko kanina. Nasa harap siya ni Jeydon. Pinunasan muna ni Jeydon 'yong labi niya. Dinuraan niya ng dugo 'yong lalaki.

"Parang lumaki na yata ang ulo mo, Alex? Bakit, dahil ba sa bagong leader ng Phoenix?"

"Ako? Lumaki ang ulo?" Tumayo 'yong Alex. May kinuha siyang tubo sa may gilid tapos humarap ulit siya kay Jeydon.

"Nagbibigay galang pa rin naman ako sa 'yo, boss, e. Kaso nga lang..." Hinawakan niya 'yong mukha ni Jeydon tapos sinuntok iyon. Habang tumatagal, lalo akong nahihirapan sa sitwasyon ni Jeydon. Gusto ko na lang pumikit para hindi ko makita lahat ng nangyayari.

"Mas malakas na kasi ako sa 'yo ngayon, e."

Halos dinig sa buong warehouse 'yong tawa ni Jeydon.

Nagulat 'yong Alex pati 'yong mga kasama niya. Ano bang ginagawa ni Jeydon? Lalo lang niyang gagalitin 'yong mga lalaking 'yon. Naiinis na ako sa kanya. Ang lakas niya pa ring mang-asar, e, pinagtutulungan na nga siya ng mga lalaking 'yon. Hindi ba siya naaawa sa sarili niya?

"Malakas ka na niyan? Lakas mo pa rin mangarap, ah. Hanggang ngayon ba naman, pinapatawa mo pa rin ako, Alex?"

"Anong sinabi mo?"

"Bakit, masakit bang malaman ang katotohanan? Sa bagay, truth hurts nga naman." Ngumiti siya ro'n sa Alex, 'yong ngiting nakakaasar. 'Yong ngiting parang minamaliit niya kung sino man 'yong nasa harap niya.

Galit na galit 'yong Alex. Hinawakan niya nang mahigpit 'yong tubo tapos hinampas niya kay Jeydon. Walang reaksyon si Jeydon pero alam kong nasaktan siya. Malakas 'yong pagkakahampas sa kanya ni Alex, parang ako 'yong nasaktan.

"'Yan, anong pakiramdam, Jaydee? Masakit ba?"

"Mahina ka bang pumalo? Parang wala akong naramdaman, e."

"Ah, gano'n?" Pinalo na naman niya ng tubo si Jeydon. Sa pagkakataong 'yon, alam na alam mong nasaktan talaga si Jeydon. Napaubo siya ng dugo. Tama na, please. Ayoko nang makita 'to! Hindi ko na kaya.

"Want more?" Papaluin na naman niya si Jeydon.

"Tama na!" sigaw ko.

Hindi niya itinuloy 'yong gagawin niya kay Jeydon. Lahat sila, napatingin sa 'kin, pati si Jeydon. Noon ko lang din napansing, nakatali pala 'yong mga kamay ko. Unti-unti ko nang naramdaman 'yong katawan ko. Lumapit sa 'kin 'yong Alex. Dala pa rin niya 'yong tubong nakasabit sa balikat niya.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon