Chapter 35: You're OUT

3.5M 71.1K 27.1K
                                    



Ugh, I hate Mondays. Ang aga-aga ng pasok kapag Monday, e. May flag ceremony pa kasi. At kapag na-late ka o nahuling natutulog o inaantok habang may ceremony, made-detention ka after class. Tuwing Linggo ng hatinggabi pa naman 'yong inaabangan kong palabas sa cable namin kaya puyat ako.

"Candice! Tawag ka na ng Kuya Charles mo!"

"Opo, Yaya, nandiyan na!"

Parang hinihila pa rin ako ng kama ko. Waaah, antok much pa ako. Gusto ko pang matulog. 

Pagkababa ko, kumakain na sina Mama at Kuya. Aba, ang aga naman ni Kuya? Himala yata. Lagi siyang late gumising kapag Monday, e.
"Candice, nagpuyat ka na naman ba kagabi? Alam mo namang may flag ceremony kayo ngayon."

"Sorry po, Mama. Bibilisan ko na lang kumain." Kumuha ako ng egg tsaka ng favorite kong bacon. Idadaan ko na nga lang sa kain.

"Mama, pakisabi aalis ako after five minutes." Tinupi ni Kuya 'yong diyaryo niya tapos tumayo na siya.

Waaaa! Five minutes? Takte naman. Makakakain pa ba ako no'n. Ang bad mo, Kuya!

Galit pa rin siya, anong petsa na? Kailan ba niya ako kakausapin?

"Narinig mo naman ang kuya mo."

"Hindi na nga ako kakain." Nag-pout ako tapos lumabas na rin ako agad. Dumiretso ako sa kotse ni Kuya. Baka iwanan pa niya ako, e.

Pagpasok ko ro'n parang nabingi ako sa sobrang katahimikan. Hindi ko na 'to kaya! Hanggang kailan ba kami ganito?

"Kuya, are you still mad?"

"You know the answer to that question."

Sabi ko nga, galit ka pa rin, e. 

Hanggang makarating kami sa school, wala pa rin kaming pansinan. E di, wala! Bahala ka riyan, Kuya! Mami-miss mo rin ako! Belat!

Diretso agad ako sa line ng Section One. Ang sama agad ng tingin sa 'kin ng Powerpuff Girls, what's new? Hindi ko na lang sila pinansin. Sa ibang way na lang ako tumingin. Nakita ko 'yong Section Eleven na kumakaway sa 'kin. Kumaway rin ako sa kanila. Mukhang masaya sila, ah. Tsaka himala yata at mukhang maaga silang lahat. Ay, hindi. Wala pala 'yong dalawa. Nasaan naman kaya 'yong mga 'yon? Napuyat kaya sila?

Nagsimula na 'yong ceremony. Pinigilan ko pa rin 'yong antok ko. Amp! Sana huwag akong mahuli. Hindi na nga ulit ako magpupuyat. Nakakainis naman, ang hirap ng sitwasyon ko. Malapit nang matapos 'to... malapit na... malapit na. Kaya mo 'yan, Candice... No! Hindi ko na kaya, napapikit na ako. Wala naman sigurong makakahuli sa 'kin.

"Miss Gonzales! Sleepy?"

Pagkadilat ko, nakita ko si Miss Maggy. Siya 'yong teacher na nanlait sa 'kin dati, e. Patay na, terror pa naman 'yong teacher na 'yon. Tsaka parang may galit sa 'kin 'yon, e.

"Hindi po, Ma'am. Hehe."

"You don't fool me. One-hour detention for you."

Sabi na, e. Adik din siya, e, tatanungin niya ako kung inaantok ako tapos kapag sinabi kong hindi, sasabihin niyang niloloko ko siya? Tsk. May galit talaga sa 'kin 'yon, e. Nagka-detention slip pa tuloy ako.

Noong ipapabalik na 'yong mga estudyante sa room, nakita ko si Troy tsaka si Jeydon na kakarating lang. Nakita sila ni Miss Maggy kaya detention din sila. Hindi kasi tumatalab 'yong charm nila ro'n, paano, man-hater kasi.

Nagpaalam muna ako kay Miss Farrah, 'yong Filipino teacher ko. Kailangan kong mag-restroom. After kong makalabas ng restroom, nakita ko si Abby. Noong nakita niya ako, nilapitan niya agad ako.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon