80: Past vs Present

2.6M 60.3K 64.2K
                                    

LUCAS

"Congratulations!"

Halos lahat kami, natigilan noong siya 'yong bumungad sa 'min. Anong ginagawa niya roon? Mas mabuti sigurong itanong kung anong binabalak niya at nandoon siya.

"Para naman kayong nakakita ng multo?" Ang lapad-lapad ng ngiti niya. Hindi maganda 'yong kutob ko. "Hi, Jeydon! Oh, hello, Candice."

Napatingin ako kay Candice. Halata namang nailang siya pero ngumiti pa rin siya. Si Jeydon naman, hindi maipinta 'yong mukha. Panigurado akong naiinis siyang makita siya roon.

"Anong ginagawa mo rito, Kim?!" galit na galit na tanong ni Jeydon.

Bigla namang dumating si Tito Dave. "I invited him, Son. Wala namang masama, hindi ba? She's been friends with the four of you right? He's even your ex-girlfrie—"

"Dad, enough. Guys, do'n muna kayo sa dining area."

Sinamahan ni Sunny sina Candice papuntang dining area. Hindi ako sumunod, gusto kong makausap si Kim.

Noong wala na sina Candice, nagsalita na ulit si Jeydon. "Ano na naman bang binabalak n'yo, Dad?"

Nakatago lang ako habang nakikinig sa usapan nila.

"I just invited Kim here, is there something wrong? Palagi naman siyang nandito sa bahay dati." Noon pa man, botong-boto na si Tito Dave kay Kim. Kaya hindi talaga maganda 'yong naiisip ko.

"Dad, nakaraan na 'yon. Move on!"

"Tito, it's okay kung ayaw ni Jeydon, aalis na lang ako. Ayoko rin namang mailang sina Candice sa 'kin."

"No, Kim, hija, you stay here. Pamamahay ko 'to kaya ako ang masusunod dito."

Hinawakan nang mahigpit ni Jeydon si Kim sa braso. "Ano bang kailangan mo, ha, Kim?!"

"Nagpatulong sa 'kin si Tito Dave na ayusin 'yong celebration party na 'to. That's all. Huwag ka ngang OA, Oppa."

Sinungaling. Kilala na kita, Kim, at alam kong hindi ka susuko.

"Akala ko ba, friends na tayo? Akala ko, napag-usapan na natin 'yan kanina."

Nag-usap sila kanina? Alam kaya 'yon ni Candice?

"Fine, whatever. Basta tandaan mo, huwag kang gagawa ng kahit anong masama lalo na kay Candice."

Umalis na si Jeydon. Nag-stay pa rin ako roon. Hinintay kong umalis si Tito Dave pero nag-usap pa yata sila ni Kim. Hindi ko naman talaga gustong makinig sa usapan nila pero gusto kong malaman kung anong pinaplano nila.

"Kim, don't worry, he's gonna realize that he's still in love with you."

"I know he's still in love with me. It's just that Candice is confusing him. No need to worry, I can wait for him, Tito."

Sabi na nga ba, e. Hanggang ngayon ba naman, mahal pa rin niya si Jeydon? Hindi na ba siya nahiya? Pagkatapos ng ginawa namin?

"I have to go, hija. Feel at home, okay?"

Narinig ko na 'yong mga yabag ni Tito Dave na paalis.

"Lumabas ka na riyan. Alam kong nandiyan ka."

Wow, ha? Alam pala ni Kim na nandoon ako. Ang lakas talaga ng radar niya. Lumabas ako at hinarap ko siya. May ngiti na agad sa mukha niya. Hindi ko 'yon gusto.

"Don't worry, wala akong evil plan if that's what you're thinking."

"So you don't consider getting Jeydon back an evil plan?"

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon