82: The Fighter (Charles's Special Chap)

2.7M 60K 21.7K
                                    

CHARLES

"Parang lahat na yata ng gamit mo inimpake mo, ha?" Pambihira! Akala mo maglalayas na siya.

"Kuya, hindi na ako babalik dito sa Pilipinas after Jeju, e, diretso na ako sa ."

Kahit na, parang wala na siyang balak bumalik sa bahay. Malamang, kapag vacation do'n, babalik din siya rito, anong gagamitin niya?

"Uy, siguro mami-miss mo ako, 'no?"

Oo, wala na akong kaasaran sa bahay. "Asa ka naman! Okay nga 'yon, e, wala nang maingay sa bahay."

Lumapit siya sa 'kin tsaka niya hinawakan 'yong braso ko. "Weh? Mami-miss mo ako, e! Amin-amin din 'pag may time!" Tawa siya nang tawa. Taena, nahawa na 'yong kapatid ko sa pagkaabnormal ni Jeydon.

Malapit na kaming umalis kaya naging seryoso na ako. "Wala ako sa Korea para bantayan ka kaya mag-ingat ka roon. Huwag kang magdadalawang-isip na tawagan ako kapag may kailangan ka." Mukhang naiiyak na siya? Lintek, baka magkaiyakan pa kami roon.

Niyakap ako bigla ni Candice.

"Kuya, sobrang mami-miss kita ro'n! Wala nang magbububos ng tubig sa 'kin kapag late akong nagising! Wala nang magda-drive sa 'kin papasok ng school! Wala nang mang-aasar sa 'kin!"

Taena, ayoko ng ganoon, drama much. Kaso, pucha talaga, parang naiiyak rin ako. Ayoko naman kasi talagang umalis si Manang, e. Mamaya, hindi na siya komportableng tumira ulit sa Korea. Matagal na siyang hindi tumira ro'n, e.

"I'll miss you too, little sis. Wala na akong maaasar dito sa bahay. Tahimik na rito."

"Promise, babalik agad kami ni Yaya! Pagbalik ko, mabait ka na, ha?"

Oy! Mabait naman ako, ah.

"Hindi, joke lang, Kuya. Mabait ka na naman, e. Kaunti, hehe."

"Uy, ang magkapatid, nagdadrama."

Napatalon ako bigla. Si sweetie pie, bigla-bigla na lang sumusulpot. "Candice, umiyak ba si Charles? Dapat vinideohan mo, e!" Hay, naku. Ang girlfriend ko talaga.

"Ate, hindi, e. Pusong-bato talaga si Kuya. Este, pusong-tigasin lang pala. Mahal na mahal ka kasi niyan, e." Aba, noon lang siya may nasabing maganda. Tama 'yan, Candice! Wahaha! "Ayiee, si Ate Serina, kinikilig!"

Tiningnan ko si Serina, pucha, namumula siya. Once in a blue moon ko lang makitang kinikilig siya. Palagi kasing serious face, e. "Sweetie pie, kinikilig ka nga. Ayieee!"

Hinampas niya ako sa braso ko. Amazona talaga, o.

"Sweetie pie, hindi ako kinikilig, 'no?" Ah, gano'n, ha? Hindi pala kinikilig.

Lumapit ako sa kanya, malapit na malapit. Tinitigan ko siya nang mata sa mata. Napalunok na lang siya sa ginawa ko. Hinawakan ko 'yong likod niya tsaka ko siya hinila papalapit sa 'kin.

"Alam mo bang hindi tayo tao?"

"Alam ko na 'yan, e! Ano, 'Bagay tayo'? 'Sus, luma na 'yan!" Kahit kailan talaga si sweetie pie, palagi na lang akong binabara. Ganoon siyang maglambing sa 'kin, kung hindi niya ako sasaktan, babarahin niya ako.

"Hindi tayo tao, bagay o hayop kasi pera tayo."

"Pera?"

"Pera tayo, pera sa isa't isa."

Wahaha! E di, natameme siya? Akala mo, ah, sweete pie, hindi ako makakahanap ng pangtapat sa mga pambabara mo sa 'kin? Sabihin niyang hindi siya kinilig do'n, hahalikan ko siya!

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon