73: Christmas Gift

2.5M 65.4K 47.3K
                                    

A month had passed... Isang buwan ko na siyang hindi nakakausap, naaasar, nayayakap at nahahalikan. Isang buwan ko nang hindi nakikita 'yong ngiti niya, 'yong tawa niya pati 'yong mga mata niya.

Candice, isang buwan na pala 'no?

Isang buwan pa lang pero parang ang tagal-tagal na. Isang buwan na pero bakit ang sakit-sakit pa rin? Isang buwan na akong nangugulila sa 'yo. Isang buwan na kitang hinahanap-hanap.

Napatingala ako sa langit...

"Wifey... miss na miss na kita."

Unti-unti na namang tumulo 'yong mga luha ko. Akala ko, mauubos na 'yong mga luha sa mata ko sa araw-araw na pag-iyak ko. Nagkamali ako, hindi pala. Kada naiisip ko 'yong masasayang araw na kasama ko siya, kusa na lang pumapatak 'yong mga luha ko. Hindi ko mapigilang maiyak. Hindi ko mapigilang maging malungkot. Hindi ko mapigilang maging mahina.

Hindi ako 'yon, e, hindi ganoon si Jeydon Lopez. Si Jeydon Lopez na tinitingala at kinaiinggitan. Ano pa nga ba 'yong mahihiling ng isang katulad ko? Ano pa ba ang wala sa isang Jeydon Lopez? Gwapo, mayaman, sikat, makapangyarihan, pinagkakaguluhan at kinakatakutan. 'Yan ang nagbigay sa kanila ng dahilan para isiping napakaperpekto na ng buhay ko. Ang hindi nila alam, isa lang 'yong malaking akala. Ang totoo, hindi perpekto 'yong buhay ko lalo na ako.

Napakasama kong tao. Wala akong inatupag kundi 'yong mga bisyo ko: alak, yosi, sugal, bugbugan, pagcu-cutting classes, pati babae. Para sa 'kin, walang kwenta ang buhay ko. Hindi ko nga alam kung bakit pa ako nabubuhay sa mundong 'to. Wala naman akong silbing tao. Isa lang akong salot sa buhay ng iba. 'Yan ang totoong Jeydon, 'yan ang nakatanim sa utak ko. Kumbaga, 'yong daang tinatahak ko, papuntang impyerno at hindi sa langit.

Akala ko noong una, hanggang doon na lang ako. Akala ko, habambuhay nang magiging patapon ang buhay ko. Kaso lahat 'yon nagbago noong dumating si Candice, 'yong babaeng pinakamamahal ko. 'Yong babaeng inalis ako sa maling daang nilalakaran ko.

Pinaramdam niya sa 'kin ang kakaibang pagmamahal. Pinaramdam niya sa 'kin na may halaga rin pala ako. Pinaramdam niya sa 'kin na masaya rin palang maging mabait. Kahit hindi niya alam, unti-unting umayos ang buhay ko dahil sa kanya. Kusa akong nagbago dahil sa kanya. Ang lakas nga talaga ng epekto niya sa 'kin, ng pagdating niya sa buhay ko.

Kanina pa ako naglalakad. Hindi ko na namalayan, kung saan-saan na pala ako nakarating. Humangin nang malakas, hindi ko napigilang lamigin. Napatingin ako sa paligid ko, Pasko na nga pala. Nabalot ako ng kalungkutan. Pasko na, pero hindi ako masaya. Hindi ko kayang maging masaya. Sobrang sakit ng nararamdaman ko para magsaya. May lugar pa ba para maging masaya ako? Kaya ko pa bang maging masaya?

Kung tutuusin, siya lang naman ang nakakapagpasaya sa 'kin. Siya lang 'yong may kakayahang pasayahin ako kahit sa maliit na bagay lang. Makita ko pa nga lang siya, napapangiti na ako. Kaso bakit kapag naiisip ko siya, imbes na maging masaya ako, nalulungkot lang ako?

Just like the song, I can't smile without you.

Huminto ako sa gitna ng malaking parke. Ang daming bata sa kalsada, mga batang namamasko. Mga pamilyang masayang namamasyal. Mga Christmas tree at Christmas light na may iba't ibang kulay. Mga Christmas song na magandang pakinggan. May mga magkasintahan pang sobrang sweet sa isa't isa. Lahat ng nasa paligid ko, masaya. Lahat ay nakangiti at nagtatawanan. Lahat sila, masaya. Nakaramdam ako ng galit kaya sinipa ko 'yong bote sa harapan ko. Damn it, why can't I be happy? Gano'n ba ako kasama kaya kahit ngayong Pasko lang, hindi pa ako pwedeng maging masaya?

Sa kalagitnaan ng malamig na panahon, uminit bigla 'yong pisngi ko dahil sa mga luhang unti-unti na namang pumapatak galing sa mata ko. Umiyak na naman pala ako, naalala ko na naman 'yong panahong magkasama kami. Sana nandoon siya sa tabi ko, sana magkahawak kami ng kamay habang naglalakad. Sana nayayakap ko siya.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon